Chapter 16

77 23 19
                                    

Matapos ang aming klase sa araw na ito, naiwan kaming tatlo nina Tasha at Lory rito sa classroom kasama ang mga cleaners sa araw na ito. Naiwan kami dahil busy pa si Tasha maglagay ng make-up niya habang kami naman ni Lory ay pinagmamasdan siya at nag-aantay para sa kaniya.

"Puro make-up naman 'to," biro ng isa naming kaklase. Napatigil si Tasha sa paglalagay ng liptint at ibinaling ang atensyon kay Owen, ang mapagbiro naming classmate.

Tinaasan ito ni Tasha ng isang kilay kaya mataray ang datingan niya. "Pake mo?" inis na sumbat ni Tasha.

"Buhay ko 'to... ikaw? Buhay ka ba?" mataray na tanong ni Tasha. Lory laughs secretly while looking in other direction.

"Niloloko ka lang naman e—"

"Ayaw ko nang niloloko ako, ikaw kaya lokohin? Magsasaya ka pa ba?"

"Ewan ko sa'yo, bahala ka na nga. Maglilinis na lang ako." Hinawakan ni Owen nang mabuti ang walis at nagsimula na siyang magwalis ng sahig.

"Mas pula pa 'yong pisngi mo kaysa sa floorwax—"

"Sige subukin mong inisin ako, tatanggalan kita ng panga!" inis na sagot ni Tasha. Hinawakan namin ni Lory ang balikat niya upang hindi na siya makakapit kay Owen.

"Dalian mo na, Tasha. Let's go na. Ang tagal mo—" hindi ko na natapos ang sasabihin ko nang sumingit si Tasha.

"Wait lang, mga be. Malapit na 'to!"

"Ay! Oo nga pala. May kuwento ako sa inyo mamaya! Sobrang saya nito, promise," sabi niya sa amin ni Lory.

"About ba sa ibang kaibigan mo 'yan?" tanong ko.

"Oo! As in!" Nagkatinginan kami ni Lory na para bang may ipinapahiwatig kami sa isa't isa.

***

"Sobrang saya nila kasama, as in!"

"Nagtatanungan pa kami kung ano ang make-up brands na ginagamit namin tapos—"

"Hindi ba't nakalagay sa school's rules and regulations na bawal maglagay ng make-up dito sa loob ng school?" tanong ni Lory.

Kasalukuyan kaming naglalakad papalabas ng school gate at si Tasha ay talaga namang todo kuwento sa mga bagong kaibigan niya. Kesyo pare-parehas sila ng interes, lahat sila mahilig sa make-up, may hilig sa arts or whatever. We're not jealous, we're just puzzled. Kahapon pa kasi iyon nangyari at kaninang pagpasok namin ay naikuwento na rin niya sa amin ni Lory ang nangyari. We don't need the whole story, you know, we just need the summary.

"Hindi naman ano e... todo make-up. Kaunti lang naman ako maglagay..." sagot ni Tasha.

"Kahit na 'no? Tinanggap kayo sa school kaya dapat irespeto niyo rin 'yong rules ng school natin kasi dala-dala natin ang pangalan nito," sermon ni Lory kay Tasha habang si Tasha naman ay abala sa pagtatali ng buhok niya.

"Sorry na, love you!" Niyakap kaming dalawa ni Tasha.

"Tapos alam niyo ba? Ang saya nila kasama, marami silang kuwento at feel mo talaga na matagal na kayong magkakaibigan."

"Parang sila talaga 'yong matagal ko nang kaibigan, gano'n. Memories talaga 'yong kahapon!" Nagkatinginan kaming dalawa ni Lory at mabagal na umiling si Lory.

She's not enjoying what Tasha's currently telling to us. And for what I know, nasasaktan si Lory. I admit, masakit ang sinabi ni Tasha na parang 'yong limang babaeng iyon ang matagal na niyang kaibigan wherein fact, kaming dalawa ni Lory iyon. I don't know what she's thinking, the words she blurted out really left a wound in my heart. Hindi ko iyon makakalimutan, the pain and how she offended us, it brought ache.

My Anonymous Online Boyfriend ✔️Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon