Chapter 3

150 27 35
                                    

Dinig ko ang kalabog sa pinto na nag-udyok sa akin para gumising. I slowly removed the blanket from my body and sat down on the bed while rubbing my neck. Nakasimangot pa ako habang ang isang kamay ko ay kinakapa-kapa ang cell phone kong nawawala sa kama.

"Ba 'yan..." inis na bulong ko at napapapikit na lang sa sobrang antok.

When I reached my phone beside my pillow, I quickly switched it on to check the time. 4:30 in the morning. I once heard a knock on the door and someone opened it. It was my mom asking me to prepare for school.

"Opo, ma..." sagot ko at nagmadaling tumayo mula sa kinahihigaan ko.

Once I was able to stand up properly, I stretched my arms to relax for a bit. It made me yawn since I felt relaxed and wanting to go to bed again and complete my sleeping time, but I have to go to school. Stressed na naman ako panigurado mamayang pag-uwi, wala pa namang assignments pero sure ako, ihahanda na kami ng teachers namin sa mga magiging assignments namin for next week.

I slowly walked over to the door and opened the switch of the light beside it. Pagkabukas ko ng cabinet, agad kong kinuha ang uniform ko at medyas. Since may banyo naman ako rito sa kuwarto ko, I'm gonna be using this one instead of the other one downstairs. Mas mabilis akong nakakatapos maligo rito dahil kabisado ko na kung saan nakalagay ang shampoo, conditioner at sabon.

Before I even step inside, I took my towel with me and went inside the bathroom before closing the door. Before I was able to remove my clothes, I heard a knock on the door again, but this time, the bathroom's door.

"Bakit?" tanong ko at nakakaramdam na si Kai ang naroroon sa labas.

"Bilisan mo na raw sabi ni mama," sagot naman ni Kai sa akin at dinig ko ang tunog ng paa niyang may suot na sapatos at papaalis ng kuwarto ko.

He closed the door of the room and a sigh escaped my mouth. Kahit ano ang gawin ko, naririto pa rin ang kaba na kagabi ko pa nararamdaman. We won't be introducing ourselves anymore since we knew each other since 7th grade. Kami-kami pa rin hanggang ngayon. But the thing that makes me scared is meeting our new teachers for the whole year. I've suffered enough when I was in my 9th grade. I failed my math subject since I only got a grade of 78-80 for the whole year. At 'yon ang dahilan kung bakit buong taon ay wala ako sa with honors.

"Sana maayos na ngayon..."

***

Kuya Jin asked me if I want to ride his car so he could bring me to school, but I chose to walk alone. Exercise na rin para mabuhayan ako ng dugo. Kanina pa ako kinakabahan e. Kakapasok ko pa lang sa gate, bumungad na sa akin ang maraming estudyanteng may iba't ibang gawain. Some of them are looking for their friends and some are actually with their friends na. Mayro'n akong nakikitang mga bagong mukha, I think they are transfer students.

"Mel!" I searched for that person who have been calling me.

Tingin sa kanan, tingin sa kaliwa. Nagulat na lang ako nang may lumapit sa akin sa harapan. As usual, sina Lory at Tasha iyon. Wala naman akong ibang ka-close kundi sila. I speak to everyone, but not much like how I speak to Lory and Tasha. Iba pa rin ang pakiramdam 'pag kasama ko ang best friends ko.

"Enrolled ka na ba?" tanong ni Lory sa akin habang pinapakita ang envelope na hawak niya.

I nodded. "Bakit naman hindi?"

"Pupunta na ba tayo sa room natin o mamaya pa?" tanong ni Tasha. Napakaraming kumakaway sa kaniya, halos lahat ay lalaki.

I can say that she's pretty popular. Halos lahat ng junior and senior high school students ay kilala siya. Even my Kai knows her as well as Lory's older brother. Iba talaga ang nagagawa ng isang Tasha, kakaiba ang ganda-ang lakas ng dating. But I would never date her though I would be a boy. Real talk. 'Di ako plastik, nasabi ko na iyon sa kaniya noon. Okay lang daw sa kaniya kasi hindi rin naman daw niya ako liligawan kahit lalaki siya. Nakaka-offend pero ayos lang, maganda tayo kahit ano ang mangyari.

My Anonymous Online Boyfriend ✔️Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon