Chapter 7

93 21 38
                                    

"Open your books on page 58, let's answer the pre assessment."

Kanina ko pa nailipat ang libro ko sa page 58, samantalang si Tasha naman ay nakatulala lamang sa bintana. I think she's busy thinking about something important. So, I nudged her shoulder using my left elbow and her gaze shifted towards me. She raised an eyebrow and gave me a questioning look.

"Page 58 daw..." bulong ko sa kaniya at agad naman niyang binuklat ang math book niya.

"Okay ka lang?" tanong ko at tumango lamang siya sa akin habang nakangiti.

"Kuwento ko sa inyo ni Lory mamaya," bulong niya sa akin pabalik at agad naman akong tumango.

"Zevallos? Miss Zevallos?" Nanlaki ang mga mata ko nang marinig kong tawagin ni sir ang apelyido ko.

Itinaas ko ang aking kamay habang nanginginig pa ito. Math is not may favorite subject, but I can somehow manage my grades here for each quarters. I stood up from my seat as sir called my surname. Habang nakatayo at nakatitig sa kaniya, ramdam ko ang pagbilis ng tibok ng puso ko. Gan'to talaga ang pakiramdam 'pag hindi prepared na tawagin. First subject na nga, ako pa ang unang natawag. Kung minamalas nga naman.

***

"Ang dali-dali lang ng sagot, 'di mo pa nasagot." Muli na naman akong inasar ni Lory.

"'Di ko rin alam sagot e—" napatigil si Tasha nang sumingit ako.

"E 'di sana tinulungan mo 'ko, 'di ba?" Inilipat ko ang titig ko kay Lory at tinaasan siya ng isang kilay.

"Pa'no naman kita tuturuan kung nakatingin din si sir sa amin?" tanong ni Lory.

Sumimangot lang ako sa kanila at ipinatong ang ulo ko sa balikat ni Tasha habang abala ito sa paglalagay ng make-up niya. Wala nang kain-kain sa kaniya, basta't makalagay siya ng make-up, sapat na sa kaniya. Samantalang si Lory naman, basta't may pagkain, buhay na buhay ang dugo niya. At ako naman, may pagkain man o magpapaganda, wala pa ring kabuhay-buhay. I don't hate my life, I am somehow enjoying it to be honest.

"Nandito na naman si Nick... ilang araw na 'yang maagang pumapasok," bulong ni Tasha sa amin.

Lahat naman kami ay dahan-dahang napatitig sa table nila Nick kung saan mayroon din siyang kasamang mga barkada niya. Sa pagkakaalam ko ay lima sila, pero laging wala 'yong isa. Siguro hindi siya maagang pumapasok. Siya rin 'yong pinaka-underrated sa group nila or should I say, not well-known. Halos lahat kasi ng barkada ni Nick, kilala—bukod kay unknown guy. I don't know his name since we aren't close, hindi rin naman siya kapansin-pansin para sa iba.

"Pinupuntahan niya lagi si Mel, kaya lagi siyang maagang pumapasok." I raised an eyebrow once I've heard what Lory said.

"'Di ko naman siya nakakausap sa messenger or in person. 'Di ko alam ba't bigay 'yan nang bigay ng kung anu-ano e..." mataray kong sumbat kay Lory.

Naiinis na rin ako minsan dahil napakarami nilang nasasabing hindi naman totoo tungkol sa amin ni Nick. We're not even friends in real life, I don't know why he keeps on giving me gifts. Nakakapagtaka rin talaga hanggang ngayon dahil hindi naman ako kapansin-pansin, ba't ako pa ang naisipan niyang bigyan?

"Crush ka nga kasi 'di ba? Congratulations pala ah? May nagkakagusto na sa'yo." Lory held my hand and shook it with hers.

My Anonymous Online Boyfriend ✔️Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon