Chapter 30

86 20 28
                                    

"Mama, mano po," sabi ko at agad nang kinuha ang kamay ni mama upang magmano.

Kakauwi ko lang galing ng school, nadatnan ko si mama na abala sa pagluluto ng tanghalian naming dalawa. Ganito kami araw-araw, madalas nga wala rin akong kasama dahil minsan si mama ay may importanteng nilalakad, kaya naiiwan akong mag-isa rito sa bahay.

"Kain ka na, maluluto na 'to," sabi ni mama sa akin.

"Opo... magpapalit lang po ako ng damit," sagot ko naman bago ako umakyat sa kuwarto ko.

Kahapon, pinagalitan ako ni mama dahil gabi na ako umuwi. Biruin mo ba naman kasi, umaga ang pasok ko tapos uuwi na ako ng gabi. Hindi ko alam kung ano ang naisipan namin kung bakit nagtagal kami ni Tasha at Lory sa school nang gano'ng oras.

Binuksan ko ang pinto ng kuwarto ko at ibinaba muna ang bag ko sa sahig. "Kapagod..." bulong ko at humilata sa kama ko.

Kinakapa-kapa ko ang bulsa ko at nanlaki ang mga mata ko nang hindi ko maramdaman ang keychain sa loob ng bulsa ng palda ko. Dali-dali akong tumayo at muling kinapa ang bulsa ko, ngunit wala talaga akong nakakapa. Kaya, mabilis kong kinuha ang bag ko at ipinatong ito sa kama. Kalkal dito, kalkal doon ang ginagawa ko, ngunit hindi ko pa rin makita.

"'Di 'yon puwedeng mawala!" naiiyak na bulong ko sa sarili ko.

Napapapadyak na lang ako sa sahig nang manghina ako at makaramdam ng galit sa sarili ko. Hindi ko na mahanap ang keychain, hindi ko rin alam kung nawala ko ba iyon o nailagay ko lang sa lalagyan na hindi ko matandaan.

Napasandal na lang ako sa studying table ko at napapikit, maya-maya ay tumulo na ang luha ko dahil sa inis at galit na nararamdaman ko. Kakabigay lang ni Zach sa akin no'n, nawala ko kaagad. Ano na lang ang sasabihin niya sa akin kapag ipinaalam ko sa kaniya na nawala ko ang iniregalo niya sa akin.

"Sa'n ko ba 'yon nilagay?" tanong ko sa sarili ko at nang mainis ako ay tinanggal ko ang ID ko at hinagis ito.

Doon ako naingayan nang maihagis ko ang ID ko, nakakita ako ng kumikinang na bagay, kaya naman agad kong pinulot ang ID, doon ko nakita ang keychain nakakasabit sa likod ng ID.

I face palmed myself and wiped my tears. "Paiyak-iyak pa... 'di naman pala nawala... dito ko lang pala nilagay..." bulong ko sa sarili ko. Biglaan ko na lang itong pinindot at napangiti ako nang makita kong umilaw ang keychain.

Maya-maya ay narinig ko ang pagtunog ng phone ko. Someone is calling, so I picked up my phone on the desk and accepted the call. "Hello?"

"Hello, Mel?" I heard Nick's voice.

"Ay, hello. Bakit?"

"Ask ko lang if busy ka now?"

"Hindi naman, bakit?" nagtatakang tanong ko.

"Yayain sana kita... friendly date?"

"Don't worry, wala naman akong binabalak."

"'Di ba may pasok ka?" I asked as I raised an eyebrow.

"Yes, I have. Pero 'di ako pumasok... tinatamad kasi..." dinig ko ang tawa ni Nick.

Hindi ako makapag-decide nang maayos dahil kahit kilala ko si Nick, hindi ko kayang magtiwala nang basta-basta lang. Ayaw kong mapahamak, hindi naman sa sinasabi kong mapanganib na tao si Nick, I'd just like to make sure that I am safe. So, I might bring Tasha and Lory with me.

My Anonymous Online Boyfriend ✔️Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon