A/N: Hello! Heto na naman ako sa mga paganitong notes.
Anyways, I revised this chapter. Nagkaroon ito ng parang 'soft launching' last June 6. So kung nabasa mo na 'to that time, this will look super familiar, BUT, may substantial changes kaya better din to read again.
Hope you will enjoy this story as much as you did sa HWB. And hope, nandiyan pa rin ang pasensiya na meron kayo noong sumusubaybay sa kuwento nina Sabrina at Oliver.
'Yan lang. I will stop taking more of your time na and let's proceed! Enjoy!
Note: Translations for the dialogues in dialects is at the end of the chapter.
==========
"O, duha na lang pa-Centennial, malakat na ta!"
Nangingibabaw ang boses na iyon ng lalaking hindi naman driver ng jeepney pero naghihikayat sa mga nagdaraang pasahero na sumakay. Barker yata ang tawag sa kanya.
"Dalawa? Saan pa uupo ang dalawa diyan?" pabulong na tanong sa akin ni Theo.
Umiling lang ako bilang sagot dahil hindi ko rin alam. Pareho kaming nakatingin sa jeepney at duda kaming kakasya nga ang dalawang pasaherong sinasabi ng lalaki. Pasaherong multo siguro, baka puwede pa. Buhay pa kami ni Theo sa ngayon. Kapag nalaman ng mga magulang namin itong ginagawa namin, baka hindi na.
Napahugot na lang ako ng malalim na hininga at napatingin ako sa aking relos. 7:05AM na. Makakaabot pa kaya kami nito kapag sa sunod na jeep na lang kami sumakay? Mukhang puno na talaga ang sasakyan sa harap namin.
Lumapit ako sa barker. "Nong, sigurado kamo ya nga ka-igo pa kami da nga duwa?"
"Oo eh!" Alisto niyang sagot. "Lantawa bala ho. Uy, palihog idog-idogi n'yo da anay para makapungko man ang iban." Sabay tapik pa sa mga balikat ng mga pasaherong kampante nang nakaupo sa loob.
Sumunod naman ang mga pasahero at umurong nga. Hanggang sa nagkaroon nga ng espasyo sa magkabilang side ng jeep. Magkakasya lang kami ni Theo doon kapag bumalik kami ng tatlong taong gulang. Muli akong napabuntong-hininga at binalikan si Theo na nasa bukana ng jeep.
"Sabi ko naman kasi sa'yo na mag-taxi na lang tayo," pabulong kong asik sa kanya. Kagabi ko pa 'to sinasabi sa kanya.
Sinamaan niya ako ng tingin. "Eh 'di nahuli tayo."
"Hindi naman tayo mahuhuli kung sa labas tayo ng gate nagpahintay nga," katwiran ko naman. Muli, sinabi ko rin 'to sa kanya kagabi. Kaso masyado lang siyang praning kaya ayaw makinig. Makikisiksik pa tuloy kami nito.
Bakit nga ba ako nasama-sama rito kay Theo na 'to? Sabado ngayon. Kung normal lang itong araw, tulog pa sana ako sa mga oras na 'to.
"Ti kamu ya nga duwa, ano na plano n'yo? Sakay na bala para makalakat na ta."
Ang iritadong driver na ng jeepney ang lumilingon ngayon sa amin. Abala na sa pagbibilang ng mga balikat ang barker niya at panay pausog sa mga pasaherong nakaupo na sa loob ng sasakyan. May ilan na rin sa mga iyon na nakasimangot na sa amin. Mukhang kami na lang talagang dalawa ni Theo ang hinihintay para makaalis na sila.
Muli kong nilapitan ang barker para tanungin kung may kasunod pa bang jeep. Meron pa rin naman daw pero matatagalan din 'yon bago makaalis dahil papapunuin din.
Nahagip muli ng aking tingin ang aking relos at halos lumuwa ang mga mata ko sa oras. 7:15AM na! Nauubusan na kami ng oras!
Muli akong bumalik sa entrance ng jeep at walang imik na sumakay. Bahala na nga.
BINABASA MO ANG
Kiss Me, Cole (Part 1) [IN EDITING ]
Romance~~my entry to the friends-to-lovers- trope/cliche~~ GENRE: Erotic Romance (M/F) LANGUAGE: Taglish ( sprinkled with Hiligaynon and Akeanon dialogues) DISCLAIMER: This work is for MATURE ADULT AUDIENCES ONLY. It contains substantial sexually explicit...