Cole (11)

17.8K 604 260
                                    

Kanina pa ako nakatayo dito sa tapat ng nasarang pinto ng study ni Daddy pero hindi ko nagdadalawang isip akong kumatok. Hindi ko gusto ang pumunta rito pero wala akong magawa. Hindi ako makatulog sa mga iniisip ko.

Napabuntong-hininga ako, inipon ang lahat ng lakas ng loob na mayroon ako at saka lumapit sa pinto. Inilapat ko aking ang tainga roon at nakiramdam. Baka naman kasi wala si Daddy sa loob at nag-aksaya lang ako ng oras rito.

"That man is unexpectedly good at what he does. He found the trail of money with just the redacted books we gave him."

Hindi ako puwedeng magkamali. Boses iyon ni Tito Fyodor. Paanong nandito siya sa bahay ng ganitong oras? Napalingon ako sa grandfather clock. Alas-onse na ng gabi. Bakit nandito pa rin siya sa bahay? Alam naman niyang ayaw ni Mommy na nandito siya. Alam kaya ito ni Mommy?

Ibinalik ko ang aking tainga sa pinto at pinag-igi ang pakikinig.

"Is that why you moved him into the House?" ani naman ni Daddy. "To keep him safe?"

"Being good will get him killed."

"And people call you a monster, Fedya, when what you are is just misunderstood." Mababakas ang pagka-aliw sa boses ng Daddy.

"That's the doctor in you talking, Vasya. They call me a monster because I am. Ikaw lang naman ang ayaw tumanggap ng katotohanang iyan," kalmadong sagot ni Tito Fyodor. "Having that man in the House will make it easier for me to squeeze the life out of him when that becomes necessary."

"You won't do it," buong kumpiyansang saad ni Daddy.

"Today? No. I don't want that beautiful child with clear, cognac-colored eyes to cry over his corpse if I could help it."

Fuck! They are talking about Orianna's father. He is safe today but it doesn't mean Fyodor Andreyev will not hunt him down in the future. My father's best friend lives for the thrill of the chase. Everybody knows that. Everybody in our world, that is.

"Also, I don't want to add more nightmares to little vors with big ears."

Lumakas ang boses niya at napaatras ako mula sa pinto. Bumukas ito at tumambad sa akin ang malaking bulto ni Tito Fyodor, Mas malakas ng isang level ang boses ni Tito Fyodor at napaatras ako palayo sa pinto. Bumukas ang pinto at naka-frame sa pinto ang malaking bulto nito. Bumagsak sa akin ang kanyang anino.

Hanggang balikat lang niya ako kaya kailangan kong tumingala para matitigan siya sa mata.

"Hello, Cole Valentine," bati niya.

Nakangiti siya pero kasing-lamig ng yelo ang kanyang mga mata. Kung kami ba ni Theo ay tumuntong na rin sa edad nila ni Daddy, magiging yelo rin ba ang mga mata ng kaibigan ko?

Hindi. Hindi 'yon mangyayari dahil hindi ako papayag, taimtim kong pangako sa aking sarili.

"Hello, Tito," ganting bati ko.

"Why are you eavesdropping?"

"That's the only way I can learn anything of importance in this house," matapat kong sagot.

Lalong lumapad ang kanyang pagkakangiti. Nabawasan ng bahagya ang lamig sa kanyang mga mata. It will never get warm but at least, it is no longer cutting. "You have to get sneakier then. You blocked the light seeping under the door. Rookie mistake. That other boy will never make this mistake. That's how I knew it was you."

"His name is Theo," malamig ang boses kong tugon. Naikuyom ko na lang ang mga palad ko kahit na ang gusto ko talagang gawin ay suntukin ang pagmumukha niya. Sinong matinong tao ang tinatawag ang sariling anak na 'other boy'?

Kiss Me, Cole (Part 1) [IN EDITING ]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon