Anna (15)

16.8K 546 379
                                    

"Can we share a table with you guys?"

Huminto ang masiglang kuwentuhan sa mesa namin. Napatitig naman ako sa mga mesang nakikita kong blangko.  Palihim kong sinulyapan ang dalawang bagong dating.

Ngiting-politiko na naman si Cole na siyang nagsalita.  Magandang rebulto naman si Theo sa tabi niya.  Kung may mas bored pa sa bored, iyon na ang mukha ni Theo.  May bitbit na tig-iisang food tray ang dalawa.  Anong kadramahan ang mayroon sa dalawang ito at nandirito sa canteen? Ang alam ko, palaging may baong lunch ang dalawang ito. 

Nahagip ng mga mata ko ang katabi kong si Hazel na natamemeng nakatingin kay Cole. Siya siguro ang pinunta ni HCV dito sa canteen at sapilitang nahila lang ang seatmate ko.  Nayayamot akong napanguso at nilipat na lang ang food tray ko sa mas safe na lugar dito sa dulo ng mesa kung saan ako nakaupo.

"Sure," sabi ng isa sa mga kaklaseng kaklase ni Hazel.  Mabuti naman at may isa sa mga kasama ko ang nakapulot ng utak sa sahig at naalalang nakakapagsalita pala sila.

Ganoon pa man, sinimangutan ko ang nagsalita pero nasayang lang dahil nasa mga kaklase ko ang atensyon nilang lahat.  Hindi niya nakita ang ekspresyon ko sa mukha.  Nakakainis. Kaya nga ako sumama sa kanilang mag-lunch kahit taga-kabilang section sila kasi gusto ko ng break mula sa sarili kong mga kaklase.  Tapos heto siya at iniimbitahan ang dalawang asungot na 'tong makikain sa amin.

Itong dalawa naman na 'to, ang daming blankong mesa sa paligig bakit lumapit-lapit pa sa amin?  'Di ba nila nakikitang ang sikip na nga namin rito sa long table na 'to?  Siyam kaming mga babae at anim na mga lalaki.  Kaya nga nandito na ako sa pinakadulong parte dahil masikip tapos sisiksik pa 'tong dalawa na 'to. Napairap ako sa dalawa kahit hindi rin nila pansin.

"Anna." Napalingon ako sa tumawag sa akin.  Kaibigan at kaprobinsya ko rin ito pero kaklase ni Hazel.  Hindi ko nga alam kung bakit ako lang ang bukod tanging naiba ng section sa aming siyam. 

"Lipat ka rito," pabulong niyang utos sa akin.

Ang rito na sinasabi niya ay sa tabi niya. Umurong pa siya ng kaunti para mas  lumaki ang espasyo sa kanyang tabi.  Aminado akong maliit ako pero ang plastic chair na kinauupuan ko, hindi.  Hindi ako magkakasya roon. At, bakit ako lilipat, eh, nakapuwesto na ako rito? Kung nasisikipan na nga aro rito, mas lalo naman doon sa tabi niya, noh.  Mapapagitnaan ako roon ng dalawang tao. Ang hirap kaya kumain nang ipit na ipit ang mga siko mo.

"Anna," may halo nang gigil niyang muling tawag sa pangalan ko nang nahalata niyang wala akong balak sumunod sa kanya 

Pinandilatan niya ako . May kasama pang footsie sa ilalim ng mesa. Sinipa ko nga at nang makita niya. Eh, 'di hayon, napaigik ang gaga. Mabuti nga sa kanya. Pakialamera sa buhay ko.

"Ah, diyan sa tabi ni Hazel, Cole, may space pa," alok naman ng isa pang tao sa mesa.

Agad akong napatingin kay Hazel.  Nakayuko ito na parang namumula na nahihiya na hindi ko mawari.  Ano rin ang nakain ng isang 'to at parang sinapian ng isang santa

Ipinagwalang-bahala ko na lang ang kakaiba ring inaakto ng roommate ko at tinitigan ang espasyong tinutukoy ng kaibigan namin.  Saan banda ang space dito? Magkakaroon lang ng space sa pagitan namin ni Hazel kung pareho kaming umusog sa magkabilang direksyon.  

Umusog si Hazel pakanan. Nakatitig naman sa akin ang lahat at naghinintay naman ang lahat na umusog din ako pakaliwa. Kahit maghintay pa sila na dumating at umalis si Santa Claus pero hindi ako gagalaw.  Ganda na ng puwesto ko rito, eh.

Tinapunan ko ng mabilis na tingin si Cole at umismid bago tininidor ang pritong bangus ko.

Napabuntong-hininga ang mga kasama ko sa inaasal ko pero wala akong pakialam. Kami ang nauna sa mesang ito. Nakaupo na ako rito. Sino 'tong sina Cole at Theo para baguhin ko ang kumportable kong mundo?

Kiss Me, Cole (Part 1) [IN EDITING ]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon