Anna (7)

19.9K 577 518
                                    

Biyernes na naman ulit. Dalawang linggo na ang lumipas na simula nang mangyari ang insidente sa kotse ng kaklase ko. 'Yong nakakahiyang insidente. 'Yong insidenteng kung puwede lang maglayas ng dorm at huwag ng pumasok sa klase kahit kailan. 'Yong 'Kandong Incident.'

Naaalala ko na naman siya ngayon. Mukhang sa lahat na natitirang Biyernes ng buhay ko, maaalala ko na siya. Bwisit.

Bakit ba kasi ang touchy-feely mong gaga ka?

Hindi ko rin alam, Orianna! Kung alam ko, sa tingin mo paulit-ulit kong ilalagay ang sarili ko sa mga nakakahiyang sitwasyon?

Para na akong tanga ngayon. Nakikipag-away sa sarili ko.

Feeling ko, sadyang may kamalasang dala ang Cole Valentine Orizaga na iyon sa akin. Kasi palagi siyang nariyan sa lahat ng mga nakakahiyang pangyayari sa buhay ko. Una, nasukahan ko siya. Correction. Nasukahan ko ang sapatos niya. Linawin natin. Exagerrated naman kasing sabihin na buong siya ang nasukahan ko. Sapatos lang naman. Isang punas lang, wala na.

Ang pangalawa, 'yon ngang sa kotse. At hindi ko naman talaga 'yon kasalanan o napigilan. Ang sama-sama talaga ng pakiramdam ko noon. Tipong isang lubak pa at susuka na talaga ako. O mamamatay. Hindi ako makahinga. Nasusunog na gasolina lang ang naaamoy ko that time. 'Yon at si Cole.

Hmmm. So, parang kasalanan niya rin kung bakit ko siya kinandungan, 'di ba? Kasi kung hindi ganoon ang amoy niya, hindi ko naman siya dudumugin. Hindi ko siya sasakyan at ibabaon ang ilong ko sa leeg niya kung nasaan nandoon pinakamalakas ang amoy niya. At saka, naaalala ko ngayon-ngayon lang, hinila niya ako palapit sa kanya. Hindi ako ang lumapit! Hinila ako! So, kasalanan niya, right? Pero kahit kasalanan niya, ako pa rin ang nahiya.

Hindi naman sana ako dapat mahihiya. Hindi ko naman kasi naisip na may nakakahiya sa ginawa ko kasi wala naman akong ginawa talaga. Kumandong lang naman ako. Hindi ko naman pinatay or whatever 'yong tao. At ginawa ko lang 'yon dahil sa matinding pangangailangan. Kung nangangailangan ka, walang puwang ang hiya.

So, dapat, pagkatapos kong magpasalamat sa paghatid nila sa akin sa Atrium, doon na matatapos ang lahat. 'Di ko na sana iisipin 'yong drive from hell na 'yon. At hindi ko nga talaga siya inisip simula Sabado hanggang Linggo. Pero pagdating ng Lunes, pasimple na akong tinutukso ng seatmate kong si Theo. Pasimple kasi hindi naman siya obvious. Hindi niya naman ginagawa kapag may ibang tao. Kapag kaming tatlo lang ang naiiwan sa loob ng kuwarto.

Noong lunchbreak, hindi ako pumunta ng canteen kasi busog pa ako sa mga snacks na kinain ko habang may klase. Oo na. Alam kong hindi ako dapat kumakain habang nagle-lecture ang teacher sa harap pero kasi tiyak na makakatulog ako kapag hindi ko 'yon ginawa. At gutom ako. Hindi ko naaabutan ang breakfast sa canteen dahil alam niyo na, growing girl pa ako. Kailangan ko ng maraming tulog. At isa pa, hindi naman ako nahuhuli ng teacher na kumakain at hindi naman nakakaabala sa kanya ang ginagawa ko. Hindi naman ako ngumunguya ng chicharon so walang crunchy sound or anything like that. Madalas na ponkan ang kinakain ko. Malambot at madaling balatan at nakakabusog naman. Minsan sinasamahan ko ng ilang pudyot ng chicken sandwich o kung ano mang flavor ang matira sa canteen pagdating ko.

So, ayon na nga. Nandoon ako sa kuwarto at ang dalawang magkaibigan hindi rin pumupunta ng canteen at may sariling mga baon. Noong una, hindi ko pa maintindihan ang ginagawa ni Theo. Akala ko biglang sumakit ang tiyan niya o hinika o ewan, basta nagkasakit siya bigla. Lumapit siya sa bintana at suminghot ng sobrang lalim doon. Tapos binuga. Ilang ulit niyang ginawa habang nakatingin lang kami ni Cole sa kanya. Ako unti-unting kinakabahan kasi baka kung napaano na ang lalaki. Si Cole naman nakakunot-noo lang.

Umalis si Theo mula sa bintana tapos dali-daling lumapit kay Cole. Hinila niya 'yong upuan ng seatmate ni Cole at inilapit dito bago naupo. Tapos bigla niyang ibinaon ang mukha sa dibdib ng kaibigan na halatang ikinagulat rin n'ung isa. Maging ako ay napakurap-kurap sa nasasaksihan. Anong kababalaghan 'tong ginagawa ng seatmate ko?

Kiss Me, Cole (Part 1) [IN EDITING ]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon