Anna (47)

12.7K 472 142
                                    

Maingat kong nilapag isa-isa sa palad ni Manong Tricycle Driver ang mga baryang nahuhukay ko mula sa aking coin purse. Napangiwi ako, dahil kahit anong hukay ko, kulang talaga siya ng dalawang piso.

"Wala po talaga kayong sukli sa one hundred?" Muli kong tanong sabay angat ng isangdaan.

"Ni, kakalabas ko lang sa garahe."

May halo nang inis sa boses ng driver pero pinipilit niya pa ring magpasensiya. Itinuro niya pa ang sticker na sponsored ng isang gasoline station. 'Barya lang sa umaga' ang nakalagay doon. Talagang nananadya ang kuya.

"Kulang po ng dalawang piso ang barya ko," nahihiyang naiiyak kong pag-amin. Gusto kong mag-beautiful eyes pero parang hindi iyong oobra kay kuya. Mukhang masama ang gising niya. Baka masapak pa ako lalo.

Hindi siya umiimik pero halata sa pagkakapinid ng kanyang mga labi na malapit na siyang magalit. Napabuntong-hininga muna ako bago muling nag-dive sa blackhole kong tote bag at muling nag-baka sakaling may naliligaw na barya doon.

Thankfully, may nahagilap naman ako. Walong 25 centavos. Proud na proud sa sariling isa-isa ko ulit iyong nilapag sa nakalahad na palad ni kuya.

Sinilip ko ang mukha ni kuya pero mukhang hindi pa rin siya natutuwa sa mga sentimong binigay ko. Bakit, eh, hindi naman fake ang mga iyon? May namemeke ba ng sentimo?

Inirapan ko siya. Sorry na lang, pero wala na akong barya. Iyon na lahat. Nasa kanya na. At bakit ang sungit, eh, pera pa rin naman ang sentimo. Magkaka-one-million pesos ba siya na kulang ng isang 25-centavos? Hindi, 'di ba? So huwag siya mag-inarte lalo na at wala siyang panukli!

Padabog na nilagay ni kuya ang mga binayad ko sa coin box niya at pinaharurot na palayo ang tricycle. Hindi man lang hinintay ang matamis kong pa-thank you. Hmp. So rude! Pangitain kaya ito para sa magiging araw ko ngayon?

Napabuntong-hininga na lang ako at napatingala sa cafe na nasa harapan ko ngayon. Palagi ko itong nakikita sa cellphone ni Papa sa tuwing hinihiram ko. Akala ko meeting place lang ito para sa mga kliyente niyang out of towner. Malapit lang kasi ito sa airport. Walking distance lang.

I wouldn't have thought much of it kung hindi lang dahil sa isang text na aksidente kong nabasa. It was innocent enough and should have had ignored it since wala namang pangalan kung galing kanino. Kaso, pamilyar sa akin ang kumbinasyong ng mga numerong iyon.

I can only recall four phone numbers off the top of my head. Kay Cole, Theo, Papa, and Mama. The numbers I saw is for my mother. I should know. Pinaghirapan ko iyong makuha, a.k.a, ninakaw, ehem, the last time she grudgingly visited me. Grudgingly. As if may iba pa bang way siya nang pagbisita sa akin.

Nagpasya na akong pumasok. Mangilan-ngilan pa lang ang mga customers nila. Hindi naman iyon nakapagtataka. Napaka-aga pa naman kasi. Mag-a-alas siete pa lang. Kalahati nang populasyon ng Kalibo ay naghihilik pa sa mga oras na ito.

I can see why my parents chose this place for their clandestine meetings. They'll be surrounded by strangers who will be gone with the next plane. A safe place. Or so they thought. They didn't count on curious little Orianna to do some clandestine activity of their own.

Oo. Makiki-tsismis na naman ako sa mga magulang ko at hindi ako nagsisisi. Ni katiting. Ito lang ang tanging paraan para hindi ako maging tanga sa totoong kalagayan ko sa buhay. Isa pa, if you have lies masquerading as secrets, you should be careful. Hindi iyong basta-basta mo lang ipinapahiram ang cellphone mo sa anak mong usisera.

I wonder if Papa seriously thought that I will never find out about this. I've learned about the others, why not this? Nakalimutan niya yatang hindi ako habang-buhay na batang walang alam. He grossly underestimated the amount of blood that woman had in me. Nananalaytay sa dugo ko ang pagiging tuso.

Kiss Me, Cole (Part 1) [IN EDITING ]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon