Cole (2)

38.3K 735 143
                                    

A/N: Yep, tama ka.  Hinati ko ang first Cole (1) at ito na ang next part.  I think, telling it this way makes it better ^_^

Note: Translations for the dialogues in other languages is at the end of the chapter.

==========

Nilingon kami ng mga bago naming kakilala at kumaway habang ang lalapad ng mga ngiti. Muli, ako lang ang kumaway pabalik. Tinitigan lang sila ni Theo.

"Mababali ba ang kamay mo kung kumaway ka rin pabalik?" Binulong ko iyon habang sige pa rin ang kaway ko. Nag-flying kiss pa sa amin iyong babaeng maganda. Hazel Ann daw ang pangalan niya.

"And'yan ka naman para kumaway para sa ating dalawa."

Binalingan ko na siya. "Paano ka na lang kapag hindi ako makapasa? Mabu-bully ka rito."

Matiim niya akong tinitigan. "Babagsak ka lang kung sasadyain mo."

"Hindi lahat ng tao may photographic memory na katulad mo."

Umismid lang siya. "Masyado namang madaya kung pati photographic memory ibibigay rin sa iyo. Papasa ka." Bumaba pa siya muna sa mesang kinauupuan namin bago dinugtong, "At, puwede nilang subukan. Pero hindi ibig sabihin magtatagumpay sila. I would actually want them to try. Tingnan natin kung ano'ng ibubuga nila?"

Pabiro ko siyang sinapak. "Gago. Mga babies ang mga 'yon kung ikukumpara sa'yo. Humanap ka ng katapat mo."

"Nakahanap naman nga ako. Ikaw. Kaso, napaka-friendly mo. Nakakasuka."

Akmang susuntukin ko na siya ng totohanan pero tatawa-tawa namang umiwas.

"Tara na?"

Akmang susunod na nga rin sana ako sa kanya pero nalingunan ko ang kabilang mesa. Muli akong napakunot-noo. Nandoon pa rin ang babae at nakayukyok pa rin sa ibabaw ng sementadong mesa. Nanatili siyang nakatalikod kaya hindi niya siguro namalawayang iniwan na siya ng mga kasama.

"Mauna ka na," sabi ko naman kay Theo.

Tinapunan niya ng tingin ang babae bago rin ako tinitigan. "Ayan ka na naman sa pagiging Good Samaritan mo."

"Mabilis lang 'to. Mauna ka na. 6th floor ka pa. Sa 4th floor lang naman ako."

Tiningala niya ang gusaling aakyatin namin. "Sa tingin mo, may elevator dito?"

"Hindi ito Eagleridge. Huwag kang umasang may mga ganyan dito."

Napabuntong-hininga siya. "Sabi ko nga wala." Hindi na siya muling nagsalita at iniwan na nga ako.

Mukhang wala pa ring balak gumalaw ng babae. Nagdadalawang-isip tuloy ako kung lalapitan ko ba siya para sabihing malapit na magsimula ang exam o hahayaan ko lang siya roon. Pero kawawa naman siya kung hindi man lang magkakaroon ng pagkakataong kumuha ng exam. Nakapasa siya sa napakahirap ng 1st qualifying exam at nandito na nga. Dapat ituloy niya ang laban hanggang dulo.

Ipinagpasya kong pumasok muna ng CR. Kapag paglabas ko at nandoon pa rin siya sa mesa, lalapitan ko na. Paglabas ko nga, nandoon pa rin siya sa mesa. Ni hindi man lang nagbago ng posisyon. Hindi ba nangangalay ang leeg nito?

"Miss. Miss," tawag ko sa kanya sabay kalabit ng manggas ng damit niya.

Hindi niya ako sinagot o nilingon man lang. Pero alam kong buhay pa naman siya. Nagtataas-baba ang kanyang likod sa bawat paghinga niya. Nagpakawala ako ng mabigat na hininga bago umikot sa kanyang harapan at tumalungko. Nagkapantay na ngayon ang aming mga mukha.

Ang puti-puti na mamula-mula ang kutis ng babaeng ito. May freckles pa. Anong pagpipigil ko sa aking sariling huwag damhin ang kanyang balat. I wonder if she is as soft as she looks. Napatingin ako sa sarili kong balat. Maputi kami ni Theo pero dahil sa kakalaro namin ng soccer naging tan na kami. Nakaramdam ako ng kaunting hiya na matabi sa mala-kremang kutis niya.

Kiss Me, Cole (Part 1) [IN EDITING ]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon