Anna (20)

18.3K 678 475
                                    

"Anna, 'yong Bonamine mo, nainom mo na?"

Sa halip na tumugon, ibinaling ko ang aking tingin sa labas ng bintana ng kotseng sinasakyan ko, sa kabilang direksyon mula kay Papa. Masama pa rin ang loob ko sa kanya at gusto kong maramdaman niya 'yon.

"'Nak?" muli niyang tawag sa akin pero mas pinagbuti ko ang hindi paglingon sa kanya.

Dumukwang ang taong nasa labas ng pinto ng back seat na isinara nito pagkapasok ko. Mariin akong tinitigan ni Cole na ginantihan ko rin.

"Orie," bulong niya. "Your father is asking a question. Will you please answer him?"

"No," pabulong pero matigas kong tanggi.

Hindi siya agad umimik pero nagpakawala siya nang malalim na hininga. "Alright. Pero ininom mo nga ang Bonamine mo?"

Napilitan akong tumango. Tumuwid naman siya nang tayo. "Naka-inom na po siya, Tito." Siya ang sumagot sa tatay ko para sa akin.

Hindi ko nakikita ang ginagawa ni Papa pero naririnig ko naman ang litanya niya ng instructions sa lalaking makakasama ko sa biyahe pabalik ng Iloilo.

"Doon sa red plastic 'yong mga ponkan. 'Yong lata ng toasted peanuts na paborito niya nandoon sa black backpack."

"Dark brown ba 'yong mga mani?" hindi ko napigilang itanong. Nagmamaktol pa rin ako, oo, pero kasi naman, walang matinong sinanlag nga mani sa Iloilo. Sa hangin ko pa rin tinanong iyon dahil ayaw ko pa ring lingunin ang tatay ko.

Wala akong narinig na sagot agad. Akala ko gaganti rin si Papa at hindi ako kakausapin pero nagsalita rin siya pagkaraan. "Oo, 'nak. Doon kay 'Nay Lusing ako bumili at sinabi kong para sa'yo."

Napalingon ako sa kanya at akmang magpapasalamat pero naalala kong galit pa nga pala ako kaya mabilis akong muling bumaling sa labas at itinikom ang bibig. Si Igor naman ang nakikita kong nakatayo sa labas ng pinto at bahagya siyang umiiling sa akin. Inirapan ko siya at dinilaan. Ang judgmental, eh. Akala mo naman alam ang buong kuwento. Tse!

Hindi ko na sinundan ang pag-uusap ng tatay ko at ng batchmate ko sa labas. Batchmate kasi hindi ako sigurado kung magkaklase pa rin kami ni Cole ngayong pasukan. Umugong kasi ang balita noon na may reshuffling na magaganap sa incoming Grade 8. Hindi ako masyadong nakiusyoso roon dahil ang buong akala ko hindi na ako papasok sa Florentine at ililipat ako sa Aklan. Akala ko lang pala 'yon. Heto nga at itinutulak ako pabalik ng tatay ko sa eskuwelahang iyon.

The other passenger door opened and Cole came in. Sa harapan, pumasok na rin si Igor at pumuwesto sa driver's seat. I expected Igor to start the car immediately but he didn't. He just sat there, hands on the steering wheel, and waited for some signal from the guy beside me. Tinapunan ko nang nagtatakang tingin ang katabi ko at napansin ko ngang nakatingin din siya sa akin na para bang may hinihintay.

"What?" defensive kong tanong.

"We are going in a while. Say goodbye to your father properly," utos niya na ikinaingos ko.

"Ayaw ko," mariin kong tanggi.

"Don't be a brat, kiska," seryoso niyang sabi sa akin. "Believe me, you will regret leaving your father looking like that." Hindi ko napigilang sundan ng tingin ang tinuro niya at nakita ko nga si Papa sa labas na pilit kaming sinisilip through the tinted glass window, malungkot at nag-aalala ang mukha nito. Lalong kumirot ang dibdib ko na puno ng sama ng loob at napakagat-labi ako.

Ang lalim ng buntong-hiningang pinakawalan ni Cole bago inabot ang pinto ko at binuksan iyon. "You haven't learned to hold a grudge well, baby. I doubt if you ever will." At marahan niya akong tinulak palabas ng kotse.

Kiss Me, Cole (Part 1) [IN EDITING ]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon