14-tacles

7.9K 204 46
                                    

Medyo hindi ako sigurado kung konektado ba 'tong chapter na 'to sa naunang chapter, medyo lutang kasi ako eh. Kahit na anong gawin kong pagpapaulit-ulit ng gawa, ganito yung lumalabas sa utak ko. Ito siguro yung gusto ko talagang mangyari. Hahaha.

Hindi ko na din ita-translate yung mga sasabihin ni Bench at ng mga beki. Naisip ko kasi na pinapagod ko lang sarili ko kung gagawin ko yun. Kung hindi ka nakakaintindi ng beki language, care ko? Hindi lang naman ikaw ang reader eh. Yun lang. Ayoko nang mag-explain ng mahaba dahil baka may ma-offend pa ako. Salamat na lang sa babasa at makaka-appreciate.

—————————————————

FRANCIS' POV

Nasaan na kaya yung baklang yun? Sabi niya kanina, may pupuntahan lang daw siya. Eh magsisimula na P.E. namin, wala pa din siya.

"Uhm, Francis. Bakit hindi ka pa nagpapalit ng uniform? Sabi ni Ma'am, magpalit na daw diba?" tanong sa akin ng isa ko pang kaklase na bakla.

"Oh eh ano ngayon kung hindi pa ako magpalit? May problema ka ba dun?" pagsusungit ko sa kanya. Hindi ako makabulyaw kasi ayokong marinig ako ni Bench, mahirap nang mabatukan.

"W-w-wala naman. Baka lang kasi mapagalitan ka ni Ma'am eh."

"Ikaw ba mapapagalitan!? Di ba ako naman!? Dun ka na nga, naiirita ako sa mukha mo eh! Baka hindi ako makapagpigil, masuntok ko yang pagmumukha mo!"

Agad naman siyang umalis at bumalik sa iba pa naming kaklase.

Hindi ko talaga sila maintindihan. Sinusungitan ko na nga, dikit pa rin ng dikit sa akin. Gusto ba talaga nila yung sinasaktan pa sila? Pero kahit naman saktan ko sila, lapit pa rin sila ng lapit eh. Ang gulo talaga ng mga utak nila!

Pero utak ko naman ang nagulo nang makita kong nakasimangot si Bench at lapitan siya ni Dino. Parang nag-usap sila pero iling lang ang nasabi ni Bench. Umalis saglit si Dino tapos ay lumapit naman sa akin si Bench at tumabi ng upo.

"May problema ba?" agad kong tanong sa kanya. Nag-aalala ako sa itsura niya eh. Parang ang bigat ng dala-dala niya.

"Wala naman masyado. Naiwan ko lang kasi yung P.E. uniform ko, hindi ako makakapag-P.E." sagot naman niya.

Nung marinig ko yun ay napatingin ako sa bag ko kung nasaan ang P.E. uniform ko. Eh kung ipahiram ko na lang kaya sa kanya yung uniform ko? Ayos lang naman kahit hindi ako pumasok ngayon eh. Hindi naman 'to ang magiging una eh.

Ilalabas ko na sana yung uniform ko nang biglang may dumating.

"Ito oh. Ikaw na gumamit ng uniform ko. Okay lang naman kahit wala akong attendance ngayon eh." sabi ng isang lalaki na may dalang P.E. uniform at nakalahad sa harap ni Bench.

"Eh paano ka?" nag-aalala namang tanong ni Bench sa lalaki.

"Ayos lang ako. Hindi naman 'to ang magiging una kong absent eh. Bago pa kita maging kaibigan, hindi na talaga ako masyadong nag-pi-P.E." nakangiti pang sabi ng lalaki na ikinainis ko. Pero hindi ko alam kung kanino ako maiinis. Kay Dino ba na nagmagandang-loob lang? O kay Bench na mabilis namang tinanggap yung alok ni Dino na tulong?

"Salamat dito." nakayukong sabi ni Bench habang mahigpit na hawak yung uniform ni Dino.

Tss.

"Ibig sabihin, bati na tayo? Kakausapin mo na ako ulit?" tanong ni Dino. Hindi na ako nakatiis sa kadramahan nilang dalawa kaya tumayo na ako at humakbang palayo sa kanila.

"O-o-oo." nadinig kong sagot niya. Napalingon ulit ako sa kanila at nakita kong nakangiti sila parehas.

Sus. Parang mga tanga! Ngitian ng ngitian! Makita sila ng ibang tao, sabihin mga baliw sila.

Bullied HeartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon