1-tacle

40.9K 563 95
                                    

BEN CHESTER'S POV

"Hoy, bakla! Lumayas ka nga dyan!" utos sa akin ni Francis, ang lalaking crush ng buong campus.

Dahil sa takot ko ay mabilisan kong iniligpit ang mga gamit kong nakakalat sa table at sinilid ang mga iyon sa bag ko kahit magulo.

"Bilis!" pagmamadali pa niya kaya agad na akong tumayo kahit hindi ko pa naisasara ang zipper ng bag ko.

Nakayuko akong umatras mula sa mesa at lumayo na. Mahirap nang mabugbog ng lalaking yan. Ayokong ma-ospital ng wala sa oras. Sikat pa naman yan sa pambubugbog ng mga bakla dito sa school.

Pa-sulyap-sulyap kong tiningnan yung direksyon niya habang naglalakad at nakita kong may kasama siyang babae. Nakaakbay siya rito at parang tuwang-tuwa pa silang naghaharutan.

So, inistorbo niya pag-aaral ko para lang landiin niya yung girlfriend niyang may label sa noo na 'GF ng buong campus'!? Kupal talaga! T*** i**!

"Oh, bakit parang ang sama ng titig mo kay Franz?" biglang tanong sa akin ng isang pamilyar na boses.

Hindi agad ako makalingon dahil grabe ang kilig ko! Kinakausap niya ako! Grabe lang talaga!

"Huh!? Ah, eh, hindi! Natulala lang." nakangiti ko namang sagot sa kanya tapos ay napayuko ako at nagsimula nang humakvang paalis. Mamaya kasi hindi ko makontrol sarili ko eh. Mahirap na.

"Okay, sabi mo eh. Teka, bukas ata bag mo." bigla niyang pagpansin sa bag ko kaya napatingin naman ako dito. Ay, oo! Nakanganga ng bongga yung bag ko!

Isasara ko na sana ang bag ko kaso inunahan niya ako at siya na ang nagsara nito. Grabe! Kelegs!

Mas gusto ko talaga 'tong lalaking 'to kesa sa bestfriend niyang isang buhay na representasyon ng salitang 'TARANTADO'. Ewan ko ba kung bakit ang daming nagkakagusto dun, eh ang yabang naman! Akala mo kung sinong gwapo!

Nung maisara na niya yung bag ko ay tinapik niya ang balikat ko at nginitian ako.

Jusko 'day! Yung ngipin niyang mapuputi, yung labi niyang manipis at yung gwapo niyang mukha! Nosebleed!

"Okay ka lang?" tanong niya na mukhang nag-aalala. Napansin kong medyo malapit ang mukha namin sa isa't-isa kaya medyo napaatras ako at napaiwas ng tingin.

"Huh? Okay lang ako." mabilis kong sagot nung mapako sa lupa ang tingin ko. Ay! Naku! Nakakahiya! Ang gwapo niya talaga!

"Akala ko may nangyari na sa'yo eh. Natulala ka na naman eh. Talent mo ba yan?" mapagbiro niyang tanong kaya napalingon ako sa kanya. Nakasandal na siya sa pader habang nakapamulsa at nakatingin sa akin.

Titigilan ko na pagbabasa ng mga manga! Grabe lang kasi sa lakas maka-manga character ng datingan nito eh!

"Patawa ka talaga, Dino! Talent? Corny mo!" sagot ko sa kanya tapos ay tumawa ako ng mahina. Syempre, babaihan ang peg natin. Pangit naman kung birit ka agad sa pagtawa, baka hindi ka magustuhan ng lalaki.

"Ano bang ginagawa mo dun? Nag-aaral ka dun 'no?" tanong niya.

Tumango naman ako bilang sagot.

"Pasensya ka na kung ganyan yan ha? Intindihin mo na lang, ganyan naman ang karamihan sa lahat ng nasa edad natin eh." sabi niya.

Tumango na lang ulit ako dahil tama naman siya dun.

"So, tapos mo na ba yung pinapagawa sa atin ni Ma'am? Hindi ko kasi maisip kung paano yun eh. Nabobobo na ako." madrama niyang sabi habang nakapikit at hinihimas niya ang kanyang sentido.

Nakakatawa talaga 'tong lalaking 'to. May sa baliw din eh. Bagay kami. Keme!

"Gusto mo turuan kita? Medyo patapos na rin naman kasi ako." pag-offer ko sa kanya. Syempre, may halo nang kilig yan.

Bullied HeartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon