11-tacles

10.7K 250 39
                                    

FRANCIS' POV

Bakit ko ba naisipang magpuyat?

Sino bang nagsabi na makipag-text-an ako kay Ben-ben hanggang madaling-araw?

Ahhhh! Ang sakit tuloy ng ulo ko! Inaantok pa ako eh!

Leche kasi eh. Bakit ba ang sarap asarin nung baklang yun?

Nagpanggap akong si Dino nung una at natawa ako sa mga pinagsasasabi niya. Una, nag-sorry siya dahil daw hindi niya sinabi sa 'akin' na nililigawan siya ng kaibigan niya. Tapos, sana daw, wag 'akong' magalit kasi hindi naman din daw niya inaasahan yung nangyari. Sana daw patawarin 'ko' siya. Hahaha.

Nagpatuloy ako sa pagpapanggap hanggang sa mahalata niyang kakaiba daw yung paraan ng pagte-text 'ko'.

Tapos ayun, nahulaan niyang nagpapanggap lang ako at nalaman niyang ako nga si Francis. Ininis ko siya ng ininis hanggang sa makatulugan ko na ang pakikipag-usap sa kanya.

"Oy! May problema ba? Kanina ka pa nakatulala dyan. Saka bakit parang puyat na puyat ka?" tanong sa akin ni Dino nung makapasok na siya dito sa room.

Himalang parehas kaming pumasok ng maaga. Base kasi sa pagkakatanda ko, kaming dalawa ang laging late sa klase.

"Aga mo ah?" tanong ko sa kanya.

Sinundan ko siya ng tingin hanggang sa makaupo siya sa upuan niya sa bandang likuran ko. Simula kasi nung maging mag-partner kami ni Ben-ben ay hindi na ako pinaalis ng mga teacher namin sa tabi niya. Dapat sana ay magkatabi pa rin kami ni Dino sa likod.

"Ah, oo. Tinext ako ni Bench kagabi eh. Pumasok daw ako ng maaga." sagot naman niya tapos ay inilabas niya ang cellphone niya.

Nag-text siya sa kung sino man tapos ay inilapag niya yung cellphone niya sa desk. Nagpangalumbaba siya habang nakatingin dun sa cellphone niya.

"Ah, eh ikaw? Bakit nga pala ang aga mo?" tanong niya bigla sa akin.

"Ako? Tinext niya din ako eh." sagot ko naman tapos ay humarap na ulit ako sa blackboard.

"Tinext? May cellphone ka na pala? Kailan pa?" tanong niya. Parang walang sigla sa boses niya.

"Kahapon lang. Bini..." nabitin ako sa pagsasalita dahil bigla akong napaisip.

Kung sasabihin kong binigay ni Ben-ben yung cellphone, baka isipin niyang may namamagitan sa amin. Ano bang dapat kong sabihin para hindi mag-isip ng masama 'tong si Dino? Ayokong madawit sa kabulastugan ni Bench. Hindi ako pumapatol sa bakla.

Sadyang iba lang talaga ang pakitungo ni Bench kaya hinayaan ko siyang maging magkaibigan kami.

"Binili ni Papa. Kailangan ko na daw eh." palusot ko.

Natahimik kami hanggang sa dumating si Ben-ben at batiin kaming dalawa. Sabay namin siyang binati pero sa magkaibang tono. Ako sa masaya. Si Dino sa malungkot at walang kagana-ganang boses.

Umupo si Ben-ben ng halata ang lungkot sa mukha niya. Dahil siguro sa inasal ni Dino sa kanya. Hay.

Nung magsimula ang klase namin ay napansin ko ang kawalan ni Ben-ben ng konsentrasyon. Hindi siya masyadong nakikinig sa teacher namin tapos madalas siyang nagbubura ng isinulat niya. Hindi rin siya nagtataas ng kamay kapag recitation. Ang malala pa, lingon siya ng lingon kay Dino na para bang may gusto siyang sabihin na hindi naman magawang pakawalan ng boses niya. Ang tindi ng epekto ng ipinapakita ni Dino sa kanya ah?

"Saan tayo?" tanong ko kay Ben-ben. Nakita ko kasing may nauna sa amin dun sa palagi naming pinupwestuhan para mag-review.

Lunch break na rin kasi namin kaya inaaya ko sila. Medyo nakakagutom kasi silang tignan na dalawa eh. Para silang mag-syotang magkaaway.

Bullied HeartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon