31-tacles

4.4K 112 34
                                    

BEN CHESTER'S POV

"Ano ba?! 'Wag dito!" pabulong kong sigaw sa kanya dahil natatakot akong mahuli kami.

Baka kasi may makakita sa ginagawa namin at i-chika kami sa buong school. Tama na munang kumakalat ang balita na napakaganda ko. Hindi ko pa naman kailangang dagdagan 'yun.

"Eh kailan mo gustong gawin ko 'to sa'yo?" pabulong din niyang tanong sa akin na para bang hinihipan niya ang tenga ko, "Kanina pa ako nagpipigil dito, Bench. Hindi ko na kaya." medyo may gigil niyang dugtong kaya hinila ko siya para matakpan kami ng mga bookshelf.

Hahawakan niya sana ako sa mukha pero, pinigilan ko siya at ako ang humawak sa mga braso niya. Tumingin muna ako sa paligid kung may nakatingin tapos ay binalikan ko siya ng atensyon.

Magsasalita pa lang ako ay bigla siyang yumuko para halikan ako sa labi.

Nabigla ako at hindi ako nakapag-isip ng saglit pero, nung mapansin kong susunggab na naman siya, umiwas ako at humakbang paatras mula sa kanya.

Lalapit sana siya kaso nagtaas ako ng daliri at dinuro siya para sabihing 'wag siyang magtangkang lumapit. Kung lalapit siya, hindi ko na siya papansinin. Agad naman siyang huminto sa kinatatayuan na parang isang tutang masunurin.

"'Di ba nag-usap na tayo kaninang umaga lang?" tanong ko sa kanya na may halong disappointment.

"Oo nga. Kaso kasi..." bitin niyang pananalita kaya nag-abang ako ng karugtong.

Akala ko may sasabihin pa siya pero, yumuko lang siya at nanahimik. Binitawan ko siya tapos ay pinagpatuloy ko na ang paghahanap sa libro na kailangan ko.

"May time naman para sa lahat ng bagay eh, Francis. 'Wag mo lang akong bibiglain gaya nito. Hindi ako nakakapag-isip ng maayos eh. Natotorete ako. Hindi ko alam kung anong sasabihin ko." mahina kong sabi sa kanya para paalalahanan siya.

Wala pa rin siyang imik kaya napalingon na ako sa kanya. Pero, ang kumag, wala na pala sa likod ko!

Hay! Stresseme talaga!

Bakit ba kasi ganun siya ngayon? At saka, ano 'yung 'Kanina pa nagpipigil' pati 'Hindi ko na kaya'? Ano 'yun, may gusto siyang gawin dito sa akin sa loob ng library? Grabe ha? Sabik lang?

Pagkakuha ko ng libro, balik agad ako sa upuan namin. Nandoon si Francis at nakasandig ang ulo sa mesa habang busy sa pagsusulat si Dino.

'Wag niya sabihing nagtatampo siya sa sinabi ko sa kanya? Aba, ang laki na niyang tao para magtampo pa sa ganoon. Hindi bagay sa kanya. 'Wag siyang ano.

"Francis, tapos mo na ba 'yung iyo?" tanong ko sa kanya tungkol sa seatwork namin sa isang subject namin na wala kaming teacher.

Bigla na lang siyang tumayo at kinuha ang bag niya imbes na sumagot sa akin.

"CR lang ako." paalam niya sa amin ng walang lingon-lingon.

Sinundan ko lang siya ng tingin hanggang sa mawala siya. Saka lang dumating sa utak ko na magsi-CR siya pero, bitbit niya ang bag niya? Sinong niloloko niya? Tinatakasan niya kami para hindi niya tapusin 'yung seatwork niya!

"Sundan mo na kesa iniisip mo pa d'yan kung bakit ganun 'yun. Alam ko namang alam mo na nagtatampo 'yun sa'yo eh." biglang bira ni Dino kaya napatingin ako sa kanya tapos sa pintuan ng library tapos balik ulit sa kanya.

Bakit ko siya susundan? Una, nag-usap na kami tungkol sa pagiging 'touchy'. Pangalawa, nasa ligawan stage pa lang kami. Pangatlo, first day pa lang ng panliligaw niya ganyan na agad siya? Pang-apat, busy ako. Pang-lima, marami pang importanteng bagay na dapat paglaanan ng oras imbes na maghabol ng lalaking hindi mo malaman kung ano ang isinasaltik ng utak.

Bullied HeartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon