FRANCIS' POV
"Bakit ka ba nakabuntot sa akin? Kanina ka pa!" pucha! Nagulat ako doon ah? Akala ko hindi niya ako napansin!
"A-anong nakabuntot? Parehas lang tayo ng dinadaanan, tingin mo sinusundan na kita? Ang ganda mo naman yata?" palusot ko. Hindi na niya ako mahahalata n'yan 'di ba?
"Che!" sabi niya lang sa akin tapos pairap siyang umiwas ng tingin at nagpatuloy sa paglalakad.
Talaga 'tong baklang bansot na espasol na 'to!
Sinusundan kita kasi alam kong pupunta ka sa multi-purpose hall para bumili ng ticket kahit na sinabihan ka na ng iba na maraming tao ngayon doon! Bakit ba napaka-pasaway mo? Paano kung siksikan doon at magitgit ka? Paano kung ang babaho pala ng mga tao doon kasi hapon na? Paano kung may makasagutan ka kasi inunahan ka sa pila? Paano na lang, Bench?
Nag-aalala lang naman ako sa'yo eh.
Kahit naman alam kong galit ka sa akin, hindi ko maiwasan na bantayan ka at sundan ng tingin. Sanay na ako na ganoon ang ginagawa ko.
"Bakla!" sigaw ni Jeffrey sa may pintuan ng multi-purpose hall. Napangiwi na lang ako dahil hindi ko na nasundan 'yung mga sumunod niyang sinabi. Bukod kasi sa mabilis, iba 'yun sa mga normal na sinasabi ni Bench araw-araw.
Oo, sa tagal na ganun magsalita sa harap ko si Bench, medyo natutunan ko ang ilan sa mga 'yun. Kaya nga minsan kapag nagsasalita sila ng ganun, napapangiti ako eh. Akala nila wala akong alam sa mga pinagsasasabi nila. Madalas nilang pag-usapan 'yung mga ka-eskwela naming hindi nila gusto at syempre, AKO! Hinding-hindi ako nawawala sa usapan lalo na kapag si Jeffrey ang kaharap niya.
Ah, oo nga pala. Nagkabati na nga pala silang dalawa. Balita ko, humingi daw ng sorry si Jeffrey tapos pinatawad agad siya ni Bench. Ano pa nga namang aasahan 'di ba? Natural lang 'yun dahil matagal na silang magkaibigan. Samantalang ako, kailan niya lang nakilala. Hirap pang maunang mag-sorry.
Eh paano naman kasi! Totoo naman 'yung nakita ko! Bakit ko pa gagawan ng kwento 'yung syota niya? Eh paano kung siya ang nakakita noon? Eh 'di magngangangawa na naman siya sa ulanan kagaya nung basted-in siya ni Dino? Ayaw kong mangyari ulit 'yun.
"Teka!" bigla ko na lang naisigaw dahil napansin kong parang papasok sa loob 'yung dalawa.
Nakalingon sa akin si Jeffrey ng nakangiti habang 'yung isa naman, parang papatayin ako.
Lumakad ako palapit sa kanila tapos hinawi ko sila saka ako humarang sa may pinto. Kunwari may pinulot ako tapos nagkunwari din akong nag-aayos ng sintas ng sapatos ko.
"Umalis ka nga d'yan! Epal ka na naman!" sabi niya tapos ay bigla niya akong tinulak sa balikat. Hindi ko malaman kung anong nangyari pero, parang nawalan ako ng balanse. At kung ano man 'yung nakapitan ko, hindi nakatulong sa akin dahil bumigay din agad.
T*ng ina! Ano bang meron sa school na 'to at marurupok ang mga gamit? Hamba na lang ng pintuan hindi pa maay...
"Bench?" agad kong naitanong pagdilat ko ng mata ko. Hindi ko sigurado kung si Bench nga 'tong nakapatong sa akin o ilusyon ko eh.
Para siyang sarap na sarap sa pagtulog sa may tiyanan ko. Hahawakan ko sana siya nang bigla siyang gumalaw. Doon ko napansin na totoo siya at alanganin kung saan siya nakapuwesto.
Sa pagitan ng mga hita ko!
Gusto kong gumalaw dahil alam kong lalong magpapagalit sa kanya ang sitwasyon na 'to pero, parang ayaw ko rin kasi ang sarap sa pakiramdam na ganito siya kalapit sa akin simula nang mag-away kami.
Humawak siya sa braso niya at umungol na parang nasaktan. Kukumustahin ko sana siya pero, para akong nag-yelo sa puwesto ko nang biglang pumaling sa akin ang nakakatakot niyang titig.
BINABASA MO ANG
Bullied Heart
HumorBABALA: Otoki sa Otoki itiz. Pag wiz mo bet bumasa ng mga ganitiz na istorya, then fly away na my young friend. Cancel ka sa mundong itiz! Hahaha. ______________________________________________________________________________________________________...