BEN CHESTER'S POV
"Absent na naman si Francis? Nung isang linggo pa yun hindi pumapasok ah? May sakit ba yun?" tanong ko kay Dino nang matapos ang first subject namin. Hindi ko na naman kasi napansin na pumasok yung lalaking yun. Ipinagtanong ko na din sa sangkabaklaan pero hindi pa daw nila nakikita ang mongoloid na yun magmula nung umabsent. Tinext at tinawagan ko na din siya pero major nganga lang ang napala ko.
"Malay ko. Hindi naman ako sinabihan nun eh." sagot lang niya sa akin habang busy siya sa pagte-text. Ihampas ko mukha ng lalaking 'to sa cellphone niya eh! Kapag tinatanong ko siya, kung hindi magulo o malabo, bitin ang sagot! Kajirits!
"Puntahan ko kaya 'no?"
"Kung ako sa'yo, wag na."
"Ha? Bakit naman? Titignan ko lang naman kung maayos ang lagay niya eh. Paano kung may sakit talaga siya 'di ba? Saka ipapakita ko na rin sa kanya kung ano pinag-aralan natin para makahabol siya pagbalik niya. Sayang naman kasi kung tengga lang siya sa baler nila."
"Wag na lang, Bench. Mag-aaksaya ka lang talaga ng oras."
"Basta pupunta ako! Dunggulin ko mukha mo dyan eh!" bumalik agad ako sa upuan ko matapos kong sabihin sa kanya yun. Medyo nairita ako sa pagpigil niya sa akin puntahan yung kaibigan namin. Ano bang meron? Bakit parang ayaw niyang makita ko si Francis?
Buong araw kong hindi pinansin si Dino dahil sa asar ko pero, parang wala lang yun sa lolo niyo na mukhang walang pakialam sa kalagayan ng kaibigan namin. Ni hindi nga niya ako kinulit kaninang lunch break eh. Kung hindi ko lang siya dating crush at kaibigan, pinagsasasampal ko na ang lalaking yan eh.
Bago naman matapos ang klase namin, tinext ko si Xyrus na wag na akong sunduin dahil may pupuntahan pa ako. Pero mabilis din siyang nag-reply na maghihintay siya sa labas para masamahan ako sa pupuntahan ko.
"Eh bakit kasi pupuntahan mo pa? Papasok din naman yun kung gusto niya eh. Wag mo na siyang pag-aksayahan ng oras, umuwi na lang tayo." sabi ni Xyrus habang naglalakad kami. Hindi sumabay si Dino sa amin kasi may dadaanan pa daw siya.
"Kaibigan ko yung tao, Xy. Hindi naman pwedeng hayaan ko lang na ganun ng ganun ang gagawin niya. Sa akin siya ibinilin ng mga teachers namin, responsibilidad ko siya. Saka, sayang naman ang efforts ko sa pagtuturo sa kanya kung babalik siya sa dati. Hindi naman ako natakot at nagmatapang sa kanya noon para lang sa wala. Gusto ko siyang tulungan. Kaibigan ko siya eh." pagpapaliwanag ko naman sa nagkukumitid na utak ng boyfriend ko. Hindi ko alam kung bakit parehas sila ni Dino na ayaw akong papuntahin kina Francis pero, hindi nila ako mapipigilan!
Misyonaryo mode ang inyong abang lingkod na Barbie!
"Wag ka nang pumunta dun, girlfy! Mag-date na lang tayo. Kain tayo sa lugawan ni Aling Taling!" pacute na pamimilit sa akin ng boyfriend ko pero hindi ko pinatos. Focus ko ngayon ang pagpunta kay Francis. Saka, mahirap nang matawag na PG-ter. Ang ganda-ganda ko, ganun itatawag sa akin? Wit!
Dahil sa may katangkaran ang lalaking 'to, nakatungo tuloy akong nakatitig sa kanya nung harapin ko siya.
"Kung ako ang mamroblema sa grades tapos hiningan kita ng tulong, ano ang uunahin mo? Ang mag-tutor sa akin o ang pakikipag-date?" seryoso kong tanong sa kanya para malinawan siya kung bakit ganito na lang ang determinasyon kong makita si Francis ngayon.
Napatitig siya sa akin saglit tapos ay hinawakan niya ako sa magkabilang balikat at saka bumuntong-hininga.
"Pupuntahan natin yang ugok na Francis na yan pero, ngayon lang ha? Ayoko nang maulit 'to. Nasira na yung date natin sa lugawan eh!" sabi niya sa akin kaya nangiti ako. Gusto ko nga sanang magtatatalon sa tuwa pero pinigil ko ang sarili ko kasi baka isipin ng boyfriend ko na mas excited akong makita si Francis kesa sa kanya.
BINABASA MO ANG
Bullied Heart
ComédieBABALA: Otoki sa Otoki itiz. Pag wiz mo bet bumasa ng mga ganitiz na istorya, then fly away na my young friend. Cancel ka sa mundong itiz! Hahaha. ______________________________________________________________________________________________________...