19-tacles

5.6K 147 36
                                    

Medyo hindi ako sure kung magugustuhan niyo 'to pero ito lang ang kaya ko as of the moment. Hope you'll still enjoy reading this.

----------------------------------

BEN CHESTER'S POV

"Oh, bakit parang ang lungkot mo ngayon?" bungad sa akin ng ugok na 'to matapos akong makita. Ni hindi man lang muna ako pinaupo para ilapag ang bag ko. Kailangan talagang mang-asar sa umaga?

"Wag kang mang-inis ngayon, Francis. Wala ako sa mood." walang kabuhay-buhay kong sagot sa kanya saka ko inilapag yung bag ko. Uupo na sana ako kaso bumira siya ng...

"Ang sungit. Meron ka ngayon?"

Hindi ko na tinuloy ang pag-upo ko at dumiretso ulit ako ng tayo. Hinarap ko siya at sinungitan ng tingin. Kung kaya ko lang paduguin mukha ng lalaking 'to, baka ginawa ko na! Tingin niya ba nalimutan ko na yung ginawa niya sa akin kahapon? Halos hindi ako makatulog dahil palaging siya ang dumadaan sa isip ko pag natutulala ako! Naiinis ako kasi may boyfriend na ako pero siya ang naiisip ko! Pero ang mas nakakainis, yung boyfriend kong ni ha, ni ho, wala man lang pinadaan sa akin! Kahit naman peke lang yung pagkakasakit ko, masakit pa rin na hindi niya man lang ako naalalang kumustahin.

"Oo! Kaya kung pwede lang, layu-layuan mo muna ako! Pwede ba yun ha? Pwede?" bulyaw ko sa kanya na halatang ikinagulat niya pati na rin ng mga kaklase namin. At kahit na ako na ang nakiusap na layuan niya ako, ako pa rin ang nag-walkout. Pero kalalabas ko pa lang ng pinto nang masalubong ko ang teacher namin kaya napabalik ako sa loob at tumabi kay Francis.

"Oh, ano? Walkout-walkout ka pa ha?" mapang-asar niyang sabi tapos tumawa siya kaya sinita siya ng teacher namin.

Hindi ko na lang siya pinansin at nakinig na lang ako sa mga lesson na itinuturo sa amin. Kaya nga lang, bilang ipinanganak na kiti-kiti 'tong kumag na 'to, kalabit siya ng kalabit sa akin. Kapag lilingunin ko naman siya, ngingitian niya lang ako na lalong nagpapainis sa akin! Bakit ba biglang gwapo 'tong lalaking 'to? Eh dati pangit na pangit ako sa kanya! Ni hindi ko nga maisip kung bakit nagkakagusto lahat ng tao sa kanya eh!

"Ben-ben." mahina niyang sabi na medyo ikinagulat ko. Hindi ko inaasahang tatawagin niya ako ng ganun sa loob ng classroom, "Pahiram ako ng ballpen mo ha?" sabi niya tapos ay hinawakan niya ang braso ko para lang hawiin ako at abutin ang bag kong nasa gilid ko. Medyo nagkagulo kami kasi nanlaban ako. Paano ba naman kasi, nakuryente ako sa paghawak niya.

"Kayong dalawa! Kung maglalandian lang kayo, pwede dun sa labas? Nakaka-istorbo kayo sa mga single eh!" sigaw ni Ma'am na isang matandang dalaga kaya ganyan kung maka-react. Eh kung gusto niya, siya na lang harutin ni Francis! Wiz ko naman bet eh!

Gusto ko sanang sagutin yung sinabi ni Ma'am pero, nag-sorry na lang ako kaya nagtuloy ang klase namin. Pero ang ugok na Francis, nagpatuloy pa rin sa pagkuha ng bag ko. Kinalkal niya yun hanggang sa makuha niya yung extra ballpen ko. Akala ko ibabalik niya rin agad yung bag ko pero inilagay niya sa may gilid niya yun gaya ng ginawa ko. Hinayaan ko na lang siya kesa naman mangulit pa siya at baka mapagalitan pa kami ulit.

Nung matapos ang apat na klase namin sa umaga ay dumiretso agad sa paglabas ang mga kaklase namin. Hindi ko naman magawang tumayo dahil parang nawalan ako ng gana kumilos. Bakit ba kasi wala man lang text yung boyfriend ko? Simula pa kahapon, wala na siyang text ah?

"Ben-ben? Baba na tayo. Kain na tayo. Saka tuturuan mo pa ako 'di ba? Absent si Dino ngayon eh." dinig kong sabi ni Francis na mukhang nasa may pintuan. Hindi ko siya mapansin kasi nakahiga yung ulo ko sa armchair na kasalungat kung nasaan siya.

"Mauna ka na. Ayokong tumayo eh. Wala akong gana." walang kabuhay-buhay kong sagot tapos ay bumuntong-hininga ako. Isang text lang, Xyrus. Magparamdam ka naman! Magkapitbahay na nga lang tayo hindi mo pa ako mapuntahan sa bahay?

Bullied HeartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon