BEN CHESTER'S POV
"Ay, taray! Pakape-kape na lang ah? Bakit nandito ka na naman? Dito ka na nga nag-Pasko kahapon, pati ba naman mga susunod na araw ng bakasyon mo dito pa rin? Dito ka na lang kaya tumira?" maaga kong pagsusungit kay Francis pagkalabas na pagkalabas ko ng kwarto ko.
Paano ba naman kasi, dinaig pa niya almusal. Siya agad makikita mo sa umagang kay ganda! Bakit ba sa mga eksenang ang boyfriend ko ang gusto kong kasama, itong kabuteng 'to ang sumusulpot?
"Gusto mo ba? Para magkasama na tayo." nakangisi niyang tanong kaya nagkarerahan papunta sa ulo ko ang dugo ko. Aga-aga talagang jirits nito!
"Yuck! Eww! Kilabutan ka nga sa sinasabi mo!" nandidiri kong sabi sa kanya tapos ay nilagpasan ko na lang siya para kumuha ng makakain sa kusina.
Late na ako nagising kasi napuyat akong dalawa sa kanila ni Kuya kagabi! Pagka-ingay naman kasi! Kung makapagkwentuhan, akala mo matagal na hindi nagkita! Eh kahapon lang naman sila nagkakilala!
Teka! Bakit walang foods sa mesa? Nasaan ang hustisya sa pag-ubos nila sa akin ng pagkain!?
"Wala, Mama mo. Nagpunta sa palengke, mamimili daw ng pananghalian. Yung Kuya mo naman, bumalik sa pagtulog. Yung Papa mo, nasalubong ko kanina nung papasok pa lang siya." bigla niyang sabat sa tahimik kong pagngingitngit.
Ay, kabog! Lakas maka-secretary nito! Complete info sa nangyayari sa mga family members ko! Pero sa tingin niya ba hindi ko alam yun? Bobo nito! Pamilya ko sila, malamang alam ko na yung mga ganung bagay!
Ay, teka! Wala pa pala akong hilamos saka mumog! Jusko! Nagpakita ako sa asungot na 'to ng walang linis sa katawan! Ang kadiri! Eww! Mega rush tuloy ako papunta sa CR at nag-power linis! Buti na lang at mukhang hindi napansin ni Francis na ang dirty ko. Baka kasi ibalita niya pa sa school yun sa pasukan eh.
At bilang wala naman palang lafyuks, sinearching galore ko yung jibabaw ng refaloo kung may shinapey. At kapag sinuswerte ka nga naman, may shinapey ang mahiwagang refaloo! Magbunyi mga bakla!
"Bakit ka ba nandito?" walang buhay kong tanong sa kanya nung mailapag ko yung tinapay sa ibabaw ng mesa.
Inaabot ko na yung palaman sa drawer nang may maramdaman akong kung ano sa likod ko. Najulat na lang si akiz nang biglang may humawak ng kamay ko at sabay na kinuha ang palaman.
"Ang punggok mo pala?" tanong niya, ay hindi, pang-aasar pala. Lalo pang nag-alburoto ang ulo ko kaya napakagat na ako ng labi para pigilan ang pagsabog ng galit ko. Kung nasa kaliwa ko lang siya, kanina ko pa siya nasiko.
"Nagsalita ang maputi ah?" pambabara ko na lang sa kanya. Tumawa lang siya saglit tapos ay ibinaba niya yung kamay naming magkahawak na hawak yung palaman.
Mahirap maka-ikot dahil sa posisyon namin pero nagawa ko pa rin siyang malingon. Nagkatitigan kami ng mga ilang segundo lang hanggang sa siya mismo ang pumutol at mag-iwas ng tingin. Binitawan niya din ako kasabay nun at bumalik sa kinauupuan niya.
"Bakit ka ba kasi nandito, hoy!" tanong ko ulit sa kanya habang hawak ko na yung kutsilyo para pumatay, este, magpalaman pala.
"'Di ba aalis kayo ng Kuya mo? Sinama niya ako, libre niya naman daw eh. Sino ako para tumanggi 'di ba?" dinig kong sagot niya sa akin kaya para akong ginulat ng multo.
Anak ng tokwa Kuya! Bakit naman siya pa!? Bakit hindi na lang yung boyfriend ko!? Jusko! Ako na nga lang mag-i-invite sa jowa ko!
Tumakbo ako pabalik ng kwarto ko at agad-agarang kinuha ang cellphone ko para mag-text. Ginamit ko ang bilis ni Darna para lang makapag-text na kabog pa ang internet sa bilis!
BINABASA MO ANG
Bullied Heart
HumorBABALA: Otoki sa Otoki itiz. Pag wiz mo bet bumasa ng mga ganitiz na istorya, then fly away na my young friend. Cancel ka sa mundong itiz! Hahaha. ______________________________________________________________________________________________________...