7-tacles

13.5K 296 71
                                    

BEN CHESTER'S POV

"Sige po, Ma. Papasok na po ako." paalam ko sa nanay ko tapos ay kinuha ko na yung bag ko mula sa sofa.

"Ingat ka ha?" sabi naman niya.

Isinukbit ko na ang bag ko sa kanang balikat ko tapos ay binuksan ko ang pinto. Nakaugalian ko nang yumuko pag binubuksan ko ang pinto. Siguro dahil yun sa nakasanayan namin dito. Hahahaha.

"Papasok ka na, Ter?" biglang tanong ng isang boses kaya napakapit ako sa doorknob namin.

"Anong ginagawa mo dito?" tanong ko sa kanya.

"Uh, wala lang. Gusto ko lang mag-sorry sa'yo tungkol sa nangyari kagabi." sagot naman niya na para bang nahihiya.

"Okay na yun. At least, alam kong okay na tayo. Pero, hindi na ako umaasa na kaibigan pa rin ang turing mo sa akin. Okay nang malaman ko na hindi ka na galit sa akin." nakangiti kong sabi sa kanya tapos ay nilagpasan ko na siya. Baka ma-late na ako sa klase eh.

"Teka, Ben-ben!" narinig kong pagtawag niya kaya natigilan ako.

Yun yung palayaw niya sa akin nung bata pa kami! Ayoko nung tunog nun nung unang beses na marinig ko, pero kalaunan, nakasanayan ko na din dahil sa paulit-ulit niyang paggamit.

"Hatid na kita sa school mo." sabi niya tapos ay dahan-dahan niyang tinanggal ang bag ko mula sa balikat ko.

Hindi ko na siya napigilan dahil nakuha na niya ang bag ko at naisukbit sa balikat niya.

"Bakit?" tanong ko sa kanya.

"Anong bakit?" tanong din naman niya sa akin.

"Bakit ihahatid mo ako?" tanong ko sa kanya tapos ay kinuha ko ulit yung bag ko mula sa kanya. "Baka isipan pa ako ng masama ng mga tao eh. Saka may pasok ka din naman ngayon ah?" dugtong ko nung maisukbit ko ulit yung bag ko sa balikat ko.

"Gusto kasi kitang makausap." sagot naman niya.

"Hmmm. Nag-usap na tayo ah?" sagot ko din sa kanya. Male-late ako nito pag kinausap niya pa ako.

"Meron pa akong gustong sabihin eh." sabi naman niya.

"Mamaya na lang pag-uwi ko, pwede? Male-late ako eh." sabi ko na lang tapos ay humakbang na ako.

"Kaya nga ihahatid na kita eh." sabi pa niya.

"Bahala ka na nga lang dyan! Push mo yan kung gusto mo. Basta ako papasok na!" naiinis ko na lang na nasabi tapos ay tinungo ko na ang sakayan ng jeep.

Pagsakay ko ng jeep ay napanganga ako sa tumabi sa akin!

"Anong ginagawa mo!?" gulat na gulat kong tanong kay Xyrus. Napaatras pa nga ako ng konti eh.

"Sabi ko sa'yo, ihahatid na kita eh." nakangiti niyang sagot sa akin tapos ay may dinukot siya sa bulsa ng shorts niya. "Ma, bayad oh! Dalawa po, isang estudyante." bigla niyang sabi tapos ay inabot niya kay Manong driver yung 50Php niya.

Shete! Akala ko hindi niya ako sinundan! Buti na lang at dalawang matanda lang ang kasakay namin at walang estudyante. Kasi, for sure na mapag-uusapan na naman ako sa school.

Paano na ang chance ko kay Dino? Baka pag nalaman niyang may lalaking umaaligid sa akin, tulad nitong si Xyrus, ay hindi na niya ako pansinin dahil akala niya ay boyfriend ko 'to.

Pagkasukli kay Xyrus ay siniko ko siya sa tagiliran. Napangiwi siya at napahawak sa tagiliran niya saka niya ako nilingon.

"Bakit?" tanong niya na may halong pagtataka.

"Ano bang ginagawa mo?" pabulong kong tanong sa kanya.

"Hinahatid ka. Sabi ko sa'yo diba, ihahatid kita dahil may gusto pa akong sabihin sa'yo?" sagot naman niya at parang kinilig ako nung maamoy ko yung hininga niya. Pota! Ang bango! Wit mashoho!

Bullied HeartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon