BEN CHESTER'S POV
Kaming dalawa na lang ang naglalakad ngayon ng lalaking kinaaasaran at kinatatakutan ko. As to why this thing happened, I don't have any freaking clue! Ang buong akala ko ay si Dino ang kasabay ko, it turns out na 'tong kumag pala na 'to ang makakasama ko pag-uwi. Hashtag medyo badtrip po.
"Bakit?" tanong niya bigla habang naglalakad kami.
Nagulantang naman ako at napabalik sa aking sarili.
"Ha?" tanong ko din sa kanya.
"Tinititigan mo ako, kanina pa." kalmado niyang sabi habang nakatingin siya sa daan.
Biglang namula ang pisngi ko dahil sa sinabi niya kaya nag-iwas ako ng tingin.
"Ang kapal talaga ng mukha mo!" naiilang kong nasabi sa kanya.
Narinig ko na lang na tumawa siya at bigla akong tinapik sa likod. Halos masamid ako sa ginawa niya! Nabigla ako eh.
"Nasaan si Dino?" naitanong ko na lang sa kanya para may mapag-usapan kami habang naglalakad.
"Wala. May kailangan daw siyang gawin kaya pinasabay na niya ako sa'yo. At saka, sorry din daw kasi nga hindi siya nakatupad sa plano niyo." sagot naman ni Franz sa akin.
Wow! Ang sweet naman ni Baby Dino! Nakuha niya pang mag-sorry, eh okay lang naman sa akin kahit hindi niya ako sabihan. Kilig-kilig tuloy ng something si water. Mamaya magkalat yung isang sakong mani ko dito sa sobrang kilig! Hahahaha.
"Para kang tanga, alam mo yun?" biglang pagpukaw naman ng lalaking yun sa atensyon ko.
"Eh at least, hindi talaga ako tanga." sarcatic ko namang sagot sa kanya tapos ay napatakip ako ng bibig ko at napahinto sa paglalakad ng ma-realize ko ang sinabi ko!
Paktay ka diha dong! Tegilicious ka na!
"Okay lang. Kaya nga magpapaturo eh, para magkalaman ang utak." kalmado naman niyang sagot na ikinabigla ko. Feeling ko, buong school mabibigla sa sinabi niya kung nandito lang sila.
Tinititigan ko siya sa mata habang papalapit ako sa kanya. Mabuti nang maingat noh? Mamaya hindi ako nakatingin sa kanya at bigla na lang akong saksakin ng ballpen sa likod, diba?
"Ang OA mo. Tss." sabi niya tapos ay itinaas niya yung mga braso niya at inilagay ito sa ulo niya.
Nung bumalik kami sa paglalakad ay naiirita ako. Ewan kung bakit pero naiirita ako sa kaangasan ng lalaking 'to.
"Baba mo nga yang kamay mo!" utos ko sa kanya. Wa care kung nandyan yung fact na keri akong i-boogie nitiz.
Napalingon naman siya sa akin at napatitig ng nagtataka.
"Bakit?" tanong niya.
"Basta ibaba mo. Nakakairita eh." sagot ko naman sa kanya.
"Ayoko. Nakasanayan ko na 'to eh. Saka ano bang problema mo sa ginagawa ko? Wala namang masama dito ah?" tanong naman niya.
Maangas kasi eh. Parang naghahanap ka lagi ng basag ulo. Baka mamaya, may lumapit dito at bigla na lang maghamon ng suntukan. Wiz ko pa naman keri mag-self-defense, wai akiz knows sa mga ganonchi.
At saka, yung muscles mo kasi eh. Medyo nananampal! Nananakit na nga mukha ko dahil sa presensiya ng mga yan eh.
"Wala. Ibaba mo na lang." palusot ko na lang sa kanya.
"Oh sige. Pero tu-tutor-an mo na ako ha?" sabi niya kaya napakunot ang noo ko sa direksyon niya.
"Bakit ba gusto mong magpa-tutor?" tanong ko sa kanya.
BINABASA MO ANG
Bullied Heart
HumorBABALA: Otoki sa Otoki itiz. Pag wiz mo bet bumasa ng mga ganitiz na istorya, then fly away na my young friend. Cancel ka sa mundong itiz! Hahaha. ______________________________________________________________________________________________________...