22-tacles

5K 174 46
                                    

BEN CHESTER'S POV

"Baby ko!" bungad ni Jeffrey sa amin na ikinangiwi ng mukha ko. Ang eww-y kasi pakinggan kapag galing sa kanya! "Smile ka naman! Kahapon ka pa nakabusangot eh." dugtong niya pa sabay tabi kay Francis at lingkis sa braso nito.

Tapang ni beks! Power linta sa otoko! Power jombag din siya mamaya nyan. Tawa ko na lang kapag nagka-eye shadow siya kahit wai siyang pang-buyla ng make-up.

Pero, true naman kasi yung napansin niyang kahapon pa nakasimangot si Francis.

Pagkatapos ng mga pang-umagang klase namin kahapon, hindi na maipinta ang mukha niya. Tinatanong ko siya kung anong problema pero, ayaw niyang magsalita at para lang siyang bingi na binabalewala ako. Ano kayang isinasaltik ng lalaking 'to? Nakakainis na kasi.

"Tigil-tigilan mo ako, Jeffrey ha? Isa pang tawag mo sa akin ng 'baby', ma-'baby'-yak ko na yang pagmumukha mo!" halos mapabungisngis ako sa tawa dahil sa sinabi ni Francis na yun. Pinigilan ko lang ang sarili ko kasi inis ako sa kanya. Tumabi na lang agad si beks sa akin at ako naman ang nilingkis. Si bakla, ahas siguro nung unang buhay niya, na-reincarnate lang bilang kabayo para bumagay sa fez.

"Yan ang hirap sa'yo eh! Kaya hindi ka crush ng crush mo!" sige pa, bakla! Talagang humuhukay ka ng sarili mong libingan ha? Kapag ikaw napatay niyan ni Francis, wag mo akong idadamay sa libing!

Napabalikwas ako nang biglang hampasin ni Francis yung mesa kahit na bato yun. Kung ako ang gagawa nun, baka namimilipit na ako sa sahig sa sobrang sakit nun.

"Magsalita ka pa, sige, ika-crush ko yang bunganga mo!" at umamba pa siya ng suntok kay Jeffrey. Nilingon ko naman si bakla at tinitigan na parang nang-aasar. Minsan kasi, yung pagka-taklesa ng kabayong 'to wala sa lugar. Sarap na nga niyang sabunutan minsan eh.

Nanahimik na lang si Jeff at ako naman ang kinulit ng kinulit. Paulit-ulit niyang tinanong kung ano bang ginawa ko't bakit nagkaka-ganun si Francis, kahit na hindi ko naman kinakanti yung lalaki. Kukutusan ko na sana siya nang bigla na lang um-arrive si Dino bitbit ang isang box.

"Ano yan?" tanong ko tapos ay inginuso ko yung box.

"Kahon."

"Ay! Philosoper's stone!"

"Manahimik ka nga, beks!" sabi ko kay Jeff tapos pinausog ko siya at pinatabi ko si Dino sa akin kahit na ang luwag-luwag sa side ni Francis, "Ano yung laman, ibig kong sabihin."

"Hindi ko alam kay Ma'am. Basta ang sabi niya, iakyat ko lang daw yan pag-akyat ko sa room natin. Ang bigat nga eh." ay! May pag-ikot-ikot pa ng arms! Takam talaga 'to! Kaya crush ko 'to dati eh!

"Baby Dino! Masahe, gusto mo?" alok ni Jeffrey kaya kinrompal ko siya ng majina bago niya mahawakan ang dati kong 'baby'. Ina nito! Lalandiin pa dati kong crush!

"Baby, ako na lang magma-massage sa'yo. Powerful yang si Jeffrey kaya baka mamaga lang katawan mo sa kanya." malambing kong sabi tapos ay hinawakan ko sa braso si Dino at dahan-dahan kong minasahe.

"P're, nakakapagod mag-basketball 'no? Sakit pa nga ng katawan ko eh." sabat ni Francis tapos minamasahe niya yung balikat niya. Si Jeff, bilang deads na deads kay Francis, agad na lumapit tapos ay minasahe ang balikat nung lalaki. Pero yung lalaki, hinawi yung kamay niya at seryoso akong tinitigan.

Tinitigan ko din siya at pinangunutan ng noo na parang tinatanong ko siya kung ano ang problema niya pero, nagulat ako nang bigla siyang tumayo at layasan kami.

"Nagselos ata." comment ni bakla habang nakatanaw sa dinaanan ni Francis, na ang layo na sa amin.

"Tumigil ka nga!"

Bullied HeartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon