I'll Be There

271 10 56
                                    

੭ु' Dino as Drake Lee
Chaeyoung as Yves Son੭ु'

ु S I M U L A ु
(Play- Ready To Love by Seventeen)
06/23/21



"Drake!" Tawag ko sa lalaking nasa kabilang couch. Napatingin naman siya sa akin bago lumapit sa couch ko. Ako lang kasi mag-isa dito at plano ko na maglasing. It's fine naman, atleast may makakasama ako at mag-uuwi sa akin kung malalasing man ako.

"Sino na naman ang lalaking 'yan, Yves?" Tanong niya bago naupo sa tabi ko. Nilalakasan niya din ang boses niya dahil ang ingay sa loob ng club. He was just wearing a long-sleeved polo tapos slacks, mukhang kakagaling lang din niya sa trabaho niya.

Drake Lee is my childhood friend. My protector, my safest place, my bestfriend. He has always been there para sa akin. Kung nasaan ako, nandoon din siya.




"It's just Conor Lee. Don't worry, I already broke up with him. And thanks for the concern." Sabi ko at saka tinungga ang isang baso ng tequila. Nakita ko siyang napapailing kaya napairap nalang ako.

"Remember that I'll always be there for you."





Yves Son, the daughter of a famous businessman is a woman with a bad luck in love life. Marami na akong naging boyfriend. In every relationship, siguro tatagal lang kami ng isa hanggang dalawang buwan. Sadyang malas talaga ako sa pag-ibig. Wala namang tutol ang parents ko doon, besides my ate is already a good daughter.



"Ikaw, Drake? Bakit hindi ka pa nagkakagirlfriend?" Tanong ko sa kanya. Napailing nalang siya at saka kinuha ang isang baso ng likido mula sa mesa. Nakatingin lang ako sa kanya habang hinihintay ang sagot niya. Marami naman akong pwedeng i-reto sa kanya pero he kept on refusing.



Classmate ko na siya since preschool hanggang college. Pareho kami ng kinuhang course na related to business. Wala naman akong interes doon, I'd love to be in the field of multimedia and arts. Pero my dad said no, kasi ako daw ang magmamana ng isa pa naming kompanya.

Drake is now a successful businessman, unlike me na walang magawa sa buhay kundi ang gumala at magsaya. Wala naman kasing pumipigil sa akin. Si Drake ang nagmana ng kompanya ng pamilya nila since siya lang naman ang nag-iisang anak and I'm proud of his achievements.



"Wala pa akong nakikitang babae na gusto ko."





"Hindi mo naman kasi sinusubukang maghanap, tsk." Sabi ko kaya napailing nalang siya. Plano yata ng lalaking 'to na tumandang binata. Problema na niya 'yon, marami pa sana akong mga kaibigang babae na pwedeng ipakilala sa kanya.




Napasandal ako sa couch, nahihilo na din ako. Kanina pa rin kasi ako umiinom. Mariin kong pinikit ang mga mata at ginulo ang buhok.





"Alam mo, darating ang tamang tao sa tamang panahon. Kaya don't question fate's capabilities, e' ikaw nga, nakakailang boyfriend ka na, may nagtagal ba?" Agad ko siyang nabatukan dahil sa sinabi niya. Gago, ang talas talaga ng dila ng lalaking 'to, sarap suntukin, e'.

ImahinasyonTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon