077 || KAIBIGAN

7 6 0
                                    

"Iannaaaa" sigaw ng mga kaibigan ko sakin habang papalapit ako sa kanila.

"Oh bakit? Bat kayo sumisigaw? " takang tanong ko.

"uy balita namin, may bago ka daw na cellphone ah, bagong bili ng daddy mo" sabi ni Loren na may pagkislap pa ang mga mata.

"Patingin naman, grabe ka tlaga last month lang binilhan ka din ng Daddy mo tas ngayon ulit? "sabat ni Che.

"Ganyan talaga pag mayaman" dagdag ni Mae.

"Hindi naman, regalo lang sakin since tumaas grades ko this quarter" malumanay na sabi ko sa kanila

"ay taray, patingin nga bilis" medyo agresibong sabi ni Mae.

"Ito oh" sabay abot ko sa kanya.

"ang ganda ngaaaa, ganda ng camera oh, pahiram ako ah magpapalit lang ako ng profile picture, okay lang ba? " ang sabi ni Mae habang hindi winawala yung paningin niya sa cellphone ko.

"patiningin din ako Mae"

At pinagkaguluhan nga nila yung cellphone ko habang ako eto di na nila pinapansin sa tabi.

Nasa classroom na kami ng dumating yung Teacher namin.

__________

Tanghali na at tapos na yung klase namin kaya pinuntahan ko na sila Mae, hindi kami magkakatabi kasi alphabetical order yung samin e.

"Hi ahm Mae tapos mo na bang gamitin yung cellphone ko?" tanong ko pagka lapit ko sa kanila

"Hindi pa sandali, pipili pa ako ng pictures na ia-upload ko e" sabi niya ng hindi tumitingin sakin.

"Itetext ko pa kasi yung driver namin e magpapasundo ako." sagot ko sa kanya.

"Oa mo naman parang cellphone lang, ang damot damot mo" bigla niyang sabi na nagpabigla sakin.

Padarag niyang binigay saken yung cellphone, kaya nahulog kasi di niya sinakto sa kamay ko mismo.

"Yan tanga mo kasi, ang damot pa masira sana yan" medyo pagalit nyang sabi

Chineck ko yung cellphone kung may sira ba, buti nalang kamo ay wala. Tinignan ko yung gallery at nabigla ako kasi ang daming pictures mga, tapos pa lowbat na kasi naka on pa yung data.

"okay lang naman humiram kayo ng gamit sakin e kasi kaibigan ko kayo pero wag naman yung ganito"

"Kinaibigan ka lang namin kasi mayaman ka eh" sabi pa ni Che kaya nanlumo ako

Ngayon natuto na ako, hindi laha ng tao na laging nasa tabi mo ay totoo sayo...

ONE SHOT STORIES|| ATE_RHITahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon