023 || I KILLED THOSE SIX LADIES

7 4 0
                                    

𝙄 𝙆𝙄𝙇𝙇𝙀𝘿 𝙏𝙃𝙊𝙎𝙀 𝙎𝙄𝙓 𝙇𝘼𝘿𝙄𝙀𝙎

Meet these weak ladies.

Lovely.

Joy.

Elaine.

Felicity.

Angelica.

Ariela.

I killed them. All of them.

Sa paraang nararapat lang sa kanila.

Meet the blind woman, 𝐅𝐞𝐥𝐢𝐜𝐢𝐭𝐲.

Well, she's not literally blind. Let's say, bulag sya sa katotohanan. Alam nyang hindi okay at ayos ang lahat, but still she's blinded by a fake reality. Pinakita ko sa kanya ang lahat ng katotohanan at dinukot ang mga mata na humantong sa kamatayan nya.

Next, this is 𝐀𝐫𝐢𝐞𝐥𝐚.

Pinaka-tanga sa lahat ng tanga.

Lagi nyang di sinusunod ang mga payo ko sa kanya. Sinusunod nya lang puro puso, di man lang ginagamit ang utak. Sinaksak ko ang ulo nya at katawan ng ilang beses. Hanggang sa mamatay ito.

𝐉𝐨𝐲. The happy one.

Sobrang masayahin na akala mo walang problemang dinadala. And oh she's the pretender, too. Pinatay ko s'ya using her happiness. Pinakita ko sa kanya na may iba ng mahal ang minamahal nya.

𝐄𝐥𝐚𝐢𝐧𝐞. The masunurin sa lahat.

Sa sobrang masunurin pati ang mali at bawal, sinusunod nya. "Don't tell anyone about this, or else I'll kill you and your mom." Tanging tango at oo lang lagi. Well, di ko siya pinatay. Inutusan ko lang s'ya. At dahil masunurin nga, ginawa nya.

She's 𝐋𝐨𝐯𝐞𝐥𝐲.

Nilunod ko s'ya. Why? 'Coz she's so lovable. Sa sobrang pagmamahal nya, pati ang di dapat mahalin, ginawa nya.

𝐀𝐧𝐠𝐞𝐥𝐢𝐜𝐚 the matulungin.

Matulungin sa lahat, mapa-maliit na bagay o malaki, tutulungan ka pa rin. Tulong lang kahit kanino. Pero mismong sarili 'di naman matulungan. I pushed her over a bridge habang nasa paligid ang mga tinulungan nya, pero walang tumulong ni isa.

At aminado akong pumatay ako.

At pinatay ko ang mga nabanggit sa itaas.

If you read some clues, malalaman nyo kung sino ang pinatay ko.

Btw, I'm Eri Fajela, na nagbagong buhay.

END.

ONE SHOT STORIES|| ATE_RHITahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon