PERPEKTO
Ika-dalawang daan at tatlong araw,
Mula ng pinili kitang mahalin araw araw.
Pinangako na ikaw lang at walang iba,
Na kahit kailan hindi magiiba.
Tila maayos na ang lahat,
Perpekto nga anila,
Pero di lahat nakikita nila,
Di lahat nalalaman ng madla.
Dahil dumating sa punto,
Na sa akin ikaw ay napagod.
Nawalan ng gana sa iyong puso,
At tila hindi na ako ang tinitibok nito.
At isang araw, napagtanto ko.
Masakit pero ito ang totoo.
Sa akin ikaw ay tuluyang napagod
At sa piling ng iba piniling magpahinga.
![](https://img.wattpad.com/cover/272934911-288-k204259.jpg)
BINABASA MO ANG
ONE SHOT STORIES|| ATE_RHI
Short StoryIba't-ibang uri ng maaikli'ng storya na dulot ng aki'ng malikot na isipan. Pampawala ng UMAY. Enjoy Rhibies/Sweeties! d^_^b -Ate Rhi