018 || TURUAN KITA MAGTIMPLA NG KAPE

6 5 0
                                    

Turuan kita magtimpla ng kape

Una.

Maghanda ka ng mainit na tubig

Para sa relasyon nyong nanlalamig.

Pangalawa.

Ilabas ang tasa at kutsara,

Paiingayin natin ang usapan nyong inaamag na.

Patatlo.

Ilabas ang kape at asukal,

Para sa jowa mong nakakasakal.

Pang-apat.

Isalin ang mainit na tubig at lagyan ng kape, yung tama lang ang tapang.

Di gaya mo sumobra sa tapang,

Kaya pati maling tao pinaglalaban.

Pang-lima.

Gamit ang kutsara, lagyan ng asukal ang tasa,

yung sakto lang di gumaya sa relasyon nyong matamis lang sa umpisa.

Pang-anim.

Haluin mabuti ang kape, paikot ikot.

Tutal sanay ka naman mapaikot.

Pang-pito.

Kapag maayos na ang timpla, tikman ito.

Oh? Napaso ka? Hipan mo muna.

Kaya ka nasasaktan eh, padalos dalos ka!

Pang-walo.

Kapag di mo gusto ang lasang kinalabasan, itapon mo na lang.

Sanay ka dyan diba? Kapag di mo na gusto, tapon na lang basta.

At ganyan magtimpla ng kape.

Matamis o mapait,

Walang pinagkaiba, ika'y pinagpalit.

ONE SHOT STORIES|| ATE_RHITahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon