020 || DIARY OF A FORCED BALLERINA

6 5 0
                                    

𝘿𝙄𝘼𝙍𝙔 𝙊𝙁 𝘼 𝙁𝙊𝙍𝘾𝙀𝘿 𝘽𝘼𝙇𝙇𝙀𝙍𝙄𝙉𝘼

"Ituwid mo pa ang paa mo!"

"Ayusin mo ang pag-ikot, ano ba!"

"Mali! Sa kaliwa ang punta hindi sa kanan!"

"Ang tigas ng katawan mo! Lambutan mo pa!"

Ilan lamang yan sa naririnig ko, isabay na rin ang bawat paghataw ng isang patpat sa iba't ibang parte ng katawan ko, sa bawat pagkakamali ko.

Napaupo na lamang ako sa pinaghalo halong sakit at pagod.

"Mama, ayaw ko na po ng ganito..." Mahinang usal ko sa aking ina na nasa aking harapan ngayon.

Matalim itong tumingin sa akin at saka ako sininghalan.

"No! Hindi ka titigil sa pagba-ballet dahil ito ang gusto kong gawin mo!" Galit at mariin nitong sabi.

At dumapo na naman sa mura kong katawan ang patpat na pang hataw nito sa akin.

Tanging impit na ingit at iyak lang ang nagawa ko.

Ayaw ko man gawin, ay ipinagpatuloy ko na rin dahil hindi ko maatim na nagagalit sa'kin si Mama.

Nagising ako sa malakas na sampal sa kaliwa kong pisngi.

At pagmulat ng mata ko ay sumalubong sakin ang galit na mukha ni Mama.

"Anong oras na?! May practice ka pa ng ballet, mahuhuli ka na naman!" Galit na galit nitong turan sabay ginawaran ulit ako ng isa pang sampal.

Napahawak na lang ako sa pisngi kong sinampal atsaka tumango bilang pagsang ayon.

"M-Magaayos na po ako.." naiiyak kong saad at saka dumiretso ng banyo.

At habang naliligo ako, napapaisip na lamang ako kung ano bang nagawa ko at tila hindi ako magawang mahalin ng nanay ko.

Sobrang sama ng loob ko ng araw na iyon.

Nilagay ko na sa bag ko ang mga kagamitan ko.

Napagawi sa kuminang na bagay ang aking mata at napangiti.

"Mukhang kinakailangan na kita." Nasabi ko na lamang sa sarili ko habang nakangiti.

Nakasuot ng damit pang ensayo.

Nasa gitna entablado.

Napapalibutan ng mga salamin.

Paikot ikot. Umiindayog.

Sumasabay sa saliw ng musika ang aking katawan.

At sa bawat pag-ikot ko ay ang pagtulo ng mga luha ko.

Ngunit sya ring pagtawa ko.

Ng bigla kong marinig si Mama na sumigaw.

"Mali! Ilang beses ko na bang itinuro sa'yo kung anong tamang posisyon!" Mariing sabi nito at sabay hataw sa kaliwang paa ko.

Napaupo ako sa sobrang sakit ngunit ni isang luha ay walang umalpas bagkus, pagtawa ko ang maririnig sa buong lugar.

"Anong itinatawa tawa mo riyan?!" Singhal nito at akmang hahatawin ulit ako ng patpat ng bigla kong inilabas an isang kutsilyo na kanina pang nakatago sa suot ko.

"Mama! Ano ba! Sawang sawa na ako! Nakakapagod na! Sana alam mo 'yon!" Umiiyak na saad ko sa kanya.

Akmang magsasalita pa ito ng itinapat ko ang patalim sa leeg ko.

Inalis ko ang suot kong wig at ang mga kolorete sa mukha.

"Mama, ako po ito si Sin. Ang kakambal ni Cindy.." Tumatawa kong sabi na tila nababaliw.

Tama, lalaki ako ngunit pinipilit akong gawing ballerina ng aking ina.

Dahil si Cindy ay isang magaling na ballerina, na nagmana kay Mama.

"Matagal na pong wala si Cindy! Hindi ko kasalanan na namatay sya!" Sigaw ko rito na puno ng galit.

Ako ang sinisisi ni Ina sa pagkawala ng kambal ko. Sinubukan kong iligtas si Cindy pero nahuli ako.

"Wala akong kasalanan pero ako ang pilit ninyong sinisisi!" Matalim na tingin ang pinukol ko sa ina ko.

Umiiyak naman ito habang nakaluhod.

"A-Anak.. S-Sin. Patawarin mo sana si Mama... Bitawan mo na 'yan." Pagmamakaawa nito sa akin.

Ngunit buo na ang pasya ko.

Agad kong itinarak ang hawak kong patalim sa kaliwa kong dibdib at saka bumigkas ng ilang kataga.

"S-Sana mapatawad niyo na ako... Mama." Nakangiti kong saad at saka ako nilamon ng dilim.

ONE SHOT STORIES|| ATE_RHITahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon