"Babe, hintayin mo ko"
"Bilisan mo na lang, huwag kang puro arte shane" I said in the cold voice
"And also don't call me babe pag nasa ospital na tayo"
"O-ok luke"
"Ano ba bilisan mong maglakad!"
"Pasensya na ang bigat kasi ng mga hawak ko" Takot na sambit ni shane
"Nag rereklamo ka ba ha?!" Galit na sigaw ko
"H-huh ahh hindi"
《 HOSPITAL 》
"Wala ka na bang mas ibibilis pa?"
"Sorry"
"Miss tulungan na kita diyan" Sambit ng isang pamilyar na boses kaya napalinggon ako
"At nakuha mo pang makipag landian sa harap ko, bilisan mo na nga mauna ka na doon"
Agad naman siyang naglakad papunta sa room ni Athenna
"Huwag na huwag mong lalapitan yung girlfriend ko kairo"
Matigas na sambit ko at tumalikod na...
"Girlfriend pala ang tingin mo kay Shane, akala ko kasi alila, you already have diamond but you still collecting stones"
Sambit ni kairo na ikinatigil ko sandali... ilang Segundo pa ang lumipas pumunta na ako sa room ni athenna ang babaeng mahal ko
"ATHENNA" Masayang sambit ko kaso nagulat ako ng makitang nag hihingalo ito
agad akong tumawag ng doktor
after a couple of minutes pinalabas nila kami dahil inaasikaso nila si athenna
"Anong ginawa mo Shane, ANONG GINAWA MO" Sigaw ko dito habang sinasakal ito
"l-luke a-ang s-sa-sakit na" Utal utal na sambit nito
tinigilan ko ang pag sakal sa kanya at napasabunot sa buhok ko
ilang minuto pa ang lumipas lumabas na ang mga doctor at nurses ni athenna.
"Dederetsyohin na kita mr. Alfonso, kailangan na ng pasyenteng ma operahan sa lalong madaling panahon"
"Hindi sabi niyo may heart donor na siya, kelan daw ba gagawin ang operation"
"wala pa siyang sinasabi kung kailan, kami na ang kakausap sa kanya she wants to hide her identity too kasi"
"Ok doc. thanks"
Pumasok ako sa kwarto ni athenna.
"Balikan mo siya, wala kang mapapala sa akin mahal ka nung tao Luke"
"ikaw ang mahal ko athenna"
"impossible, matagal na nga kayo eh pwede ba gumising kana diyan sa kahibangan mo"
hindi ako nakapag salita sa sinabi niya.
Hindi ko na nga ba mahal si Shane o Sadyang galit lang ako kasi siya ang dahilan ng pagkamatay ng kuya ko.
>>> FLASHBACK
"I LOVE HER TOO, MAS MAHAL KO SI SHANE KESA SA BUHAY KO LUKE, HANDA AKONG MAMATAY PARA SA KANYA KAHIT ALAM KONG IKAW YUNG MAHAL NIYA" Sambit ni Kuya Paul
"Mahal nating pareho si Shane kuya, pero ikaw na lang yung nag iisang meron ako"
"Si Shane, mahal ka niya ikaw nga pinili niya over me diba, gusto kong patunayan na mahal ko siya kahit pa mamatay ako"
"Kuya naman" Sigaw ko
"Doc you can now start" Sambit ni Kuya Paul kaya pinalabas na ako
Naging successful ang operation namatay si kuya Paul para kay Shane na mahal na mahal niya din.
kaso ako lang at ang relasyon lang namin ang naaalala niya hindi niya maalala si kuya Paul at pati na rin si kairo. I also started hating Shane.
>>> END OF FLASHBACK
Nakauwi na kami ng bahay hanggang ngayon lutang parin ako iniisip kung ano nga ba ang totoo.
"Pag naging successful ang operation ni athenna iiwan na kita" Malumanay na sambit ko
"I know" Huling katagang sinambit nito bago ako iwan dito sa sala mag isa.
kring! kring!
"What is it doc"
(pumayag na yung donor na ngayong gabi gawin ang operasyon Mr. Alfonso)
"Papunta na ako diyan doc" Sambit ko at pumara ng taxi, sira kasi ang sasakyan ko at hindi pa tapos gawin
Pagdating ko ng ospital wala pa daw yung donor ni athenna kaya nagpunta muna ako sa rooftop para magpahangin.
ilang minuto pa ang lumipas nagulat ako ng ay yumakap sa akin habang nakatalikod ako
haharap na sana ako ng magsalita ito.
"Pwede mo ba akong isayaw ngayon, pangako pagtapos nito hindi ko na kayo gugustuhin"
humarap ako sakanya at kinuha ang kamay niya, nagsimula kaming sumayaw.
"I love you luke... until I die" Sambit nito
hinalikan niya ako sa labi at umalis na iniwan na naman niya ako.
iniwan niya akong nagtataka sa mga huling katagang sinambit niya.
Bumaba na ako at umupo naghihintay kung anong mangyari sa operation.
Mag iisang oras na ako ditong nag hahantay, sakto at lumabas na ang doktor
"The operation is successful mr. Alfonso" Sambit nito at ngumiti
"Are you now happy?" Tanong ni kairo na mukang kanina pa sa likod ko
"what do you mean?"
"You lost your diamond, Sana kahit si Paul na lang ang iniisip mo"
"Hindi kita maintindihan"
"take this, sabi niya ibigay ko daw ito sayo pagtapos ng operasyon"
kinuha ko iyon at binasa.
Dear luke,
Pasensya na nakalimutan ko ang lahat, lalo na si Paul.
Kung nababasa mo ito ngayon siguradong wala na ako sa mundo
Mahal na mahal kita at alam kong sasaya ka kapag ginawa ko ito
Its your brother's heart alam kong gusto niyang maging masaya ako
at magiging masaya lang ako kapag naging masaya ka, kahit hindi na sapiling ko
mahal ko
I love you until I die luke
—love Shane
Pagtapos ko itong mabasa napatakbo ako sa Operation Room nakita ko si Athenna.
Hindi ko alam pero bakit hindi ako masaya.
lumapit ako sa isang kama kung saan may taong natatakluban ng puting tela.
"Siya ba ang heart donor?" Tanong ko sa mga nurses at tumango lang sila
Unti unti akong lumapit dito at nagdarasal na sana mali yung iniisip ko.
Tinanggal ko ang tela at napaupo na lang ako sa mga nakita.
unti unting pumatak ang mga luha ko humahagulgol na ako habang hawak ang kamay ni shane
And now I realize how much I love her and that last dance is the most i will remember about her...
BINABASA MO ANG
ONE SHOT STORIES|| ATE_RHI
Short StoryIba't-ibang uri ng maaikli'ng storya na dulot ng aki'ng malikot na isipan. Pampawala ng UMAY. Enjoy Rhibies/Sweeties! d^_^b -Ate Rhi