019 || TAGU-TAGUAN

6 5 0
                                    

𝙏𝙖𝙜𝙪-𝙩𝙖𝙜𝙪𝙖𝙣

Mag-isa lang ako sa bahay ngayong araw dahil isinugod nila sa Hospital ang nakaba-batang kapatid ko na si Sara. Inatake na naman siya ng ulcer.

"Hindi ko pa alam kung kailan kami makaka-uwi. Pero baka mamayang hapon. Minomonitor pa kasi ang lagay ni Sara.." Paliwanag ni Mama.

Tumango ako sa video call. "Ayos lang naman po ako dito. Huwag na kayong mag-alala.." Paninigurado ko.

Malungkot siyang ngumiti bago ko patayin ang tawag. Inaantok na ako. Kailangan kong matulog ng tanghali. Sana pag-gising ko naka-uwi na sila.

Nagising ako dahil sa isang boses. Boses ni Sara. Dali-dali akong lumabas ng bahay para pagbuksan siya ng pinto. Kahit hindi ko pa naisusuot ng maayos ang aking mga sapatos.

"Hoy? Magaling ka na--" Hindi ko naituloy ang aking sasabihin nang bigla siyang tumakbo papasok ng bahay.

Kunot-noo ko siyang sinundan ng tingin. Huminto siya sa tapat ng bahay saka ngumiti sa akin.

"Kuya, tagu-taguan tayo!" Aya niya.

"Pero hindi ka pa mag--"

"Habulin mokooo." Muli niyang pinutol ang sinasabi ko saka nagmamadaling pumasok sa bahay habang tumatakbo.

Wala akong nagawa kundi habulin siya. Pumasok ako sa sala at pinuntahan ang bawat kwarto pero wala siya.

"Sara?" Tawag ko. Sinigurado kong malakas ang boses ko para kahit paaano ay marinig niya.

Nang walang sumagot, inulit ko ang pag-tawag. Naka-sampong tawag na ako pero wala pa ring sumasagot. Bagay na hindi niya ginagawa.

"Sara?!" Pagtawag ko. Nahuli ko siya na paakyat ng third floor.

"Bawal tayo dyan!" Saway ko. Pero hindi siya nakinig. Tumakbo siya at pumasok sa kwarto ng lolo namin na pumanaw ilang buwan na ang nakakalipas.

"Sara?" Dahan-dahan kong binuksan ang pintuan. Ginala ko ang aking paningin.

Nahuli kong may gumagalaw sa loob ng cabinet kaya pinuntahan ko ito at binuksan. Nakita ko siyang tumatawa habang nakaturo sa akin.

Mabilis kong hinablot ang braso niya para paalisin siya doon. Palabas na kami ng kwarto nang biglang tumawag si Mama.

"Ma? Anyare?" Tanong ko. Bumungad kasi sa akin ang hagulgol niya.

"S-Seth.." Tawag niya. Damang-dama ko ang sakit sa pagsasalita niya.

"Wa-Wala na si Sa-Sara.. Pa-Patay na kapatid m-mo.." Putol-putol na ani niya.

Bumilis ang tibok ng puso ko.

Automatiko kong tiningnan ang kamay ko na nakahawak pa rin sa braso ni Sara.

Patay na si Sara? Eh.. sino 'tong kasama ko?

"Kuya? Tagu-taguan tayo?" Nakangising ani niya.

ONE SHOT STORIES|| ATE_RHITahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon