Kabanata 2

1.2K 23 0
                                    

Kabanata 2:
Mall

Isabella Danisse's Point of View

Riding our own cars, we arrived at Olivia's Shopping Mall. It is a shopping mall that owns by Olive's Mom, Tita Olivia Zelene. It is a five-story building that serves clothing, groceries, merchandise, pharmacy, restaurants, and many more.

Kuya Wein- my personal driver parked the car in the parking lot. Inayos ko muna ang sarili ko bago binuksan ang pinto ng backseat at lumabas.

Sakto namang kararating lang nila Threscia na lulan ng kani-kaniya nilang kotse. Pinagbuksan sila ng personal driver nila at lumabas silang tatlo. Ngumiti kami isa't isa nang magtama ang mga mata namin. Kaagad silang lumapit sa akin at kumapit si Threscia sa braso ko.

"Let's go," she spoke and dragged me to make our way to the entrance of the mall. Nilingon ko naman sila Olive na nakangiting nakasunod sa amin. Binalik ko ang tingin ko sa daan. Rinig ko ang pagbuntong-hininga ni Threscia sa tabi ko kaya sinulyapan ko siya.

"Is there any problem?" Maya-maya ay tanong ko sa kaniya at sumulyap siya sa akin. Her eyes darkened.

"I still can't get over with Grant and Bethany. Ano ba'ng nakita ni Grant sa kaniya na wala sa akin? I mean I'm a good catch. I almost had everything," she spoke in a gravelly tone. I nibbled my bottom lip.

"Threscia, hindi mo matuturuan ang puso. Hindi ko alam kung ano ba ang nakita mo kay Grant. You've been chasing him for 4 years now, Cia. I mean, you deserved better. Hindi ka ba napapagod? He's been ignoring you for 4 years and I admire you for being a lovesick girl," naiiling kong sagot sa kaniya. She then gave me a death glare that made my mouth twitched.

I just can't believe Threscia. She's a martyr when it comes to Grant. I can't believe that I have a lovesick friend. Gosh, sana may paraan para makalimutan niya si Grant nang hindi nasasaktan. Kailangan niyang magising sa katotohan na wala na siyang pag-asa kay Grant.

"Not now, Dan. I've come this far and I can't give up Grant from that girl. I won't waste those 4 years admiring him. I can feel that I still have a chance. I'll just do everything to separate them. Ika nga nila, 'asawa pa nga, naaagaw. Paano na kaya kapag magkasintahan pa lang'. Kaya Dan, just let me this once okay?" Mahaba nitong ani sa akin.

Bumuntong-hininga na lang ako at tumango sa kaniya. Ano pa nga ba? As her best friend, I should support her. Well, bahala siya sa kung ano ang gusto niya. I can see the determination from her angelic face. Knowing Threscia, she doesn't give up that easily. Hindi ko alam kung ano talaga ang nakita niya kay Grant para maging ganito siya kabaliw rito.

"Thank you, Dan. Now, let's go to the department store!" She cheered and winked at me. Ngumiti lang ako sa kaniya at tinungo na nga namin ang department store. Nilingon ko sila Olive na tahimik lang na pumipili sa mga cosmetics. Tuwing pumupunta kami sa department store ay cosmetics section ang inuuna namin.

Lumapit ako kay Threscia na nasa VICE at pumipili ng tint na BT21. As far as I know, she already had a set of BT21 × Vice Cosmetics. I can say that Vice's shades are the best. I don't have any interest in the other cosmetics brands except Vice. I love Vice Cosmetics. Vice cosmetics' user ako since I was in junior high school.

Habang tinitingnan ang mga tint ay natutukso akong bumili. Hindi pa kasi ubos ang Vice ko sa bahay kaya nasasayangan ako kapag bumili ako ulit. I should control myself. I still have a bunch of makeups at home.

Hanggang tingin lang muna ako ngayon. Napatigil ako sa paghahanap ng tint nang nag-vibrate ang phone ko mula sa loob ng bag ko. Nilabas ko ang phone ko at napatingin sa screen. Luis is video calling me on Messenger. I cleared my throat and fixed myself before answering his video call. Kaagad akong ngumiti nang makita ko siya.

HIS #1: Allocating Your Heart (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon