Kabanata 23

834 5 0
                                        

Kabanata 23:
Mall Date

Isabella Danisse's Point of View

"Susunduin ka ba ni Luis mamaya, princess?" Daddy asked while we are eating breakfast. Nasabi ko na kasi sa kanila na may lakad kami ngayon. Sumulyap ako sa kaniya at tumango lang. Hindi ako makasagot kasi may laman ang bunganga ko. Kasalukuyan kasi akong ngumunguya ng pancake.

"I really like that guy for you, sweetie. Stay strong sa inyo," si Mommy naman ang nagsalita. Nalipat ang tingin ko sa kaniya at ngumiti. She's smiling at me too. Nilunok ko na ang pancake at binalik ang tingin ko sa kinakain ko. Inabot ko ang fresh orange juice ko at uminom doon.

Sana nga ay magtagal pa kami ni Luis. Siya na talaga ang gusto kong makasama habang buhay. Wala namang rason para maghiwalay kami. Hindi naman babaero si Luis at ako naman ay loyal lang sa kaniya pero hindi natin alam ang takbo ng tadhana para sa amin.

Basta, ipapaubaya ko na lang kay Kupido ang buhay pag-ibig ko. Mabilis naman akong natapos na kumain. Inubos ko rin ang orange juice ko. Tumayo ako at nagtungo sa sink para magsipilyo. Nang matapos ako ay bumalik ulit ako sa upuan ko. Waterproof naman ang ginamit kong make-up kaya hindi ito natatanggal.

Maya-maya ay lumapit sa amin ang isang kasambahay. Napatingin kami lahat sa kaniya at hinintay ang sasabihin niya.

"Sir, Ma'am at Miss Danisse, si Sir Luis ay nasa labas na po," ani nito sa amin. Ang bilis naman ni Luis.

"Let him in, Florida," Mommy spoke. Tumango si Manang Florida at bahagya siyang yumuko bago umalis sa dining hall. Ilang sandali pa lamang ay may narinig na kaming mga yabag na palalapit. Kaagad na inayos ko ang sarili ko.

Maya-maya ay pumasok na si Luis sa dining hall na nakangiti. Lumapit siya kila Daddy para batiin. Nakangiti lang naman silang dalawa sa kaniya. Nagmano siya kila Daddy.

"Morning Tito, Tita, babe," bati niya. Ngumiti lang ako sa kaniya. Lumapit sa akin si Luis at hinalikan ako sa noo.

"So sweet. Nag-almusal ka na ba, Luis?" Tanong ni Mommy kay Luis na nakaupo na sa tabi ko. Nasa kandungan niya naman ang sling bag ko.

"Opo Tita. Tapos na po akong nag-almusal," magalang na sagot ni Luis na ikinatango lang ni Mommy. Lumipat ang tingin ko sa kaniya.

"You're so fast," I told him. He just smiled and gave me a wink. Hinintay namin na matapos silang kumain bago kami nagpaalam ni Luis. Hinalikan namin sila sa pisngi bago kami umalis. Magkahawak-kamay kami ni Luis na lumabas ng mansion. Sa labas ay nag-aantay na ang Silver Honda Civic niya.

Luis opened the door of the shotgun's seat for me. Hinalikan ko muna siya sa pisngi bago ako pumasok. Marahan niyang sinara ang pinto at tinungo ang driver's seat. Pagkasakay niya ay kinabit namin kaagad ang seatbelt. Pinaandar na ni Luis ang kotse at pinaharurot na ito.

Habang nasa biyahe kami ay kinuha ko ang phone ko mula sa loob ng sling bag ko. May free WiFi itong kotse ni Luis at dati na akong naka-connect. I clicked my Messenger App and I saw some recent messages from our group chat.

Nasa mall na raw sina Threscia, Olive, Jhona at Kristen. Sabi ni Kristen ay sa mall na lang daw sila magkita ni Simone. Sana ay maging maayos ang lahat mamaya. I also chatted them that we're on our way. I exited my Messenger App and switch my phone off. Binalik ko na ulit ito sa loob ng sling bag ko.

Kalaunan ay nakarating na kami sa Olivia's. Luis drove his car in the spacious parking lot and parked his car in a vacant space. He then stopped the engine and I unbuckled my seatbelt. Sinipat ko muna ang mukha ko sa rearview mirror ng kotse niya. Nang makuntento ako sa itsura ko ay nilagay ko na sa balikat ko ang sling bag ko.

HIS #1: Allocating Your Heart (COMPLETED)Mga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon