Kabanata 7:
CafeteriaIsabella Danisse's Point of View
Nagpaalam na ako kay Kiri dahil may kasama naman na siya. Tinungo ko ang building namin at umakyat na ako. Pagkaakyat ko ay sakto namang nakasalubong ko sina Threscia. Nang magtama ang mga mata namin ay ngumiti kami sa isa't isa.
"Kunin ko lang wallet ko," paalam ko na ikinatango lang nila. Patakbo kong tinungo ang bukana ng classroom at binuksan ito. Kapagkuwa'y pumasok na ako sa classroom at tinungo ang desk ko. I opened my bag and get my wallet and my phone.
Walang tao rito sa loob dahil nasa cafeteria na siguro ang mga kaklase ko at tanging tunog lang ng aircon ang naririnig ko. I then closed my bag when I get my wallet and my phone.
I opened it and sent a text to Luis that it's our break time now. Hindi kasi parehas ang schedule ng break time namin kaya hindi ko siya makasasama ngayon. When be replied to my text, I smiled.
Lumabas na ako sa classroom at binulsa ang phone ko. Paglabas ko ay nag-aantay na sina Threscia sa akin. Ngumiti kami sa isa't isa at tinungo na ang daan pababa.
"How's your first day?" Maya-maya ay tanong ni Threscia habang inaayos ang medyo kulot niyang buhok. Sumulyap ako sa kaniya bago binalik ang pansin ko sa daanan.
"Well, they nominated me as their class President and I won," kwento ko.
"Omg really? That's great," Threscia spoke with her high-pitched voice. Minsan ay hindi mo talaga inaakala na ang lakas ng boses niya dahil hindi naman halata sa kaniya.
Para siyang walking megaphone, hindi na niya kailangang gumamit ng microphone kung sakali dahil sapat na ang lakas ng boses niya.
"What's great with that? Sasakit na naman ang ulo ko," naiinis kong ani at tumawa lang sila sa akin. Bumaba na kami sa hagdanan at mabilis naman kaming nakarating sa baba.
"Well, being an officer is nice," Threscia spoke. I just slightly shrugged my shoulders.
"For you because you've been a great leader. I love your leadership. Sasali ka ba ulit sa council?" Kapagkuwa'y tanong ko at sumulyap sa kaniya. Tuningin siya sa akin at tumango lang.
"Yeah, I will run for the position of President," she replied that made me nodded. Binalik ko na ang tingin ko sa dinaraanan namin.
"Good luck with that, we'll support you," Olive then stated. Tutungo na sana kami sa cafeteria nang huminto si Threscia sa paglalakad kaya napahinto na rin kami. Tumingin ako sa kaniya.
"Una na kayo sa cafeteria, pupuntahan ko lang 'yong future ko," kumunot naman ang noo ko sa sinabi niya. Nakangiti ito at mukhang may binabalak. Huminga lang ako ng malalim at tumango. Alam naman na namin kung sino ang tinutukoy niya.
"Alright, we'll order your snacks," ani ko na ikinatango niya. Hinalikan niya kami sa pisngi at nagpaalam na sa amin. Sinusundan lang namin siya ng tingin hanggang sa makapasok siya sa College of Law.
Napailing na lang ako sa kabaliwan ng kaibigan ko. Kahit kailan talaga ay baliw na baliw siya kay Grant. Nagtinginan kaming tatlo at nagkibit-balikat sa isa't isa. Pinagpatuloy na namin ang paglalakad at tinungo na nga ang cafeteria.
"Sana magising na si Threscia sa katotohanan na wala na siyang pag-asa kay Grant," I heard Olive murmured. Napangiti naman ako sa sinabi niya at sumang-ayon.
Sana nga dahil nagmumukhang kawawa at aso si Threscia sa kahahabol kay Grant. Kapag nangyari iyon ay magpapa-blow out ako.
Nang makarating kami sa cafeteria ay bumungad sa amin ang ingay na nagmumula sa mga tao rito at ang simoy ng air-con. Marami pang mga bakante na upuan dahil maluwang naman itong cafeteria. It can accommodate up to thousand of people.
BINABASA MO ANG
HIS #1: Allocating Your Heart (COMPLETED)
Novela Juvenil(Hospitality Industry Series #1) Everyone has untold stories of suffering and grief that make them love and live a little differently than you do. Stop judging, instead try to comprehend. But what if you mistook someone you love in the wrong way and...