Kabanata 24:
New CrushIsabella Danisse's Point of View
The day went well for us. Maghapon ay nag-date kami ni Luis. After watching a movie, we ate in a seafood restaurant. Sinamahan niya rin ako sa department store para mag-shopping.
Around 6 pm ay inuwi na ako ni Luis sa bahay namin. Sakto namang naabutan na namin sila Daddy. Dito na rin namin pinag-dinner si Luis at mabuti na lang at pumayag si Luis sa gusto nila Daddy. Ngayon ay kasalukuyan kaming kumakain ng dinner.
"Five years na pala kayo," Daddy then spoke in the middle of our dinner.
"Opo Tito," magalang na tugon ni Luis. Napangiti ako dahil doon. Ang bilis ng panahon. Parang kahapon lang n'ong nagpaalam siya sa parents ko para ligawan ako at sinagot ko siya. Hindi namin namalayan na umabot pala ng five years ang relasyon namin at sana ay mas tumagal pa kami.
"For sure, kayo na talaga. May plano naman kayong magpakasal in the future, right?" Si Mommy naman ang nagtanong dahilan para mapatigin ako sa kaniya.
"Hindi pa po namin napapag-usapan , Tita pero pakakasalan ko po ang anak niyo in the future," walang halong biro na sagot ni Luis kay Mommy dahilan para bumilis ang pintig ng puso ko. Gusto ko rin pakasalan si Luis in the future.
Gusto ko na siya na talaga.
"Awww, that's sweet. It's good to hear that, iho," Mommy continued. Halata rin na kinikilig siya sa amin dahil tuwang-tuwa siya. She was really delighted to hear that from Luis. Pagkatapos n'on ay pinagpatuloy na namin ang kumain hanggang sa matapos kami.
"Una na po ako, Tita. Salamat sa masarap na dinner," kalaunan ay ani ni Luis. Gabi na rin kasi at delikado na magtagal pa siya rito. Tumingin sa kaniya si Mommy at ngumiti. Lumapit sa kaniya si Luis para halikan sa pisngi. Niyakap lang din naman siya ni Daddy at tinapik sa balikat. Ngumiti rin sila sa isa't isa.
"Sure, iho. Thank you for joining and you're always welcome here. Ingat sa pagmamaneho. Dan, ihatid mo na itong boyfriend mo sa labas," Mommy replied that made me nodded. Pagkatapos n'on ay sabay kami ni Luis na lumabas sa dining hall.
Pinagbuksan kami ni Manang Florida ng pinto at lumabas kami ni Luis. Paglabas namin ay humarap sa akin si Luis. Nagtama ang mga mata namin at ngumiti kami sa isa't isa.
"Ingat sa pagmamaneho, babe," ani ko at lumapit ako sa kaniya. I then put my arms behind his neck, press my chest slightly to his chest and pull him for a hug. Naramdaman ko naman na niyakap niya ako pabalik. His arms were embracing my waist as I felt his soft warm lips kissing my forehead.
"I will, babe. Pakakasalan pa kita. Always remember that I love you always," he then whispered and I smiled because of that. Pumikit ako at dinama ang init ng yakap niya. Ramdam ko rin ang pagbilis ng tibok ng puso niya kagaya ko.
"I love you too, always babe," I replied. I then pulled away from the hug but his arms still remain around my waist and my hands are holding his arms now. He then gave me an affectionate smile that shows his love for me. He leans forward and gave my lips a kiss.
It was soft and gentle at first that's why I responded to his kisses as I close my eyes. Maya-maya ay tumigil na siya at humiwalay na sa mga labi ko ang labi niya. I automatically opened my eyes after the kiss.
We then smiled to each other. Kalaunan ay tinanggal na niya rin ang braso niyang nakayakap sa akin at ang kamay ko sa braso niya.
"See you tomorrow. Bye," his eyes were always gentle. He looked at me with so much softness. I really love the way he looks at me.
"See you, bye," tugon ko at binigyan siya ng isang ngiti. Tumalikod na siya sa akin at binuksan ang pinto ng driver's seat niya. Pumasok na siya at bago niya isara ito ay kumaway siya sa akin kaya kumaway rin ako pabalik sa kaniya.
BINABASA MO ANG
HIS #1: Allocating Your Heart (COMPLETED)
Teen Fiction(Hospitality Industry Series #1) Everyone has untold stories of suffering and grief that make them love and live a little differently than you do. Stop judging, instead try to comprehend. But what if you mistook someone you love in the wrong way and...