Kabanata 22

602 6 1
                                    

Kabanata 22:
Crush & Date

Isabella Danisse's Point of View

It's been a week since Threscia held a party to celebrate her appointment for being the Supreme Student Council's Student Body President. Kinaumagahan n'on ay nagbigay ng inauguration si Threscia n'ong flag ceremony namin. Nagpakain din siya kaya lahat ng estudyante at pati na rin ang mga staffs ng university ay nakakain ng libre.

Naging kaibigan na rin namin si Kristen. Tinanggap siya ni Threscia. Besides, Kristen is kind and he also came from a wealthy family so there's no problem with that. Ngayon ay nandito kami sa Frappe Alley. Uwian na kaya naisipan namin na tumambay rito.

Si Luis ay abala naman kasama sila Grant. May mahalaga raw silang gagawin. Nagpaalam naman siya sa akin kaya walang kaso iyon sa akin. Natanggap din kami sa mga sinalihan naming sports. Si Threscia ang cheerleader at si Olive ang captain ball ng volleyball. Si Kristen ay sa chess sa sumali.

"Kanina ka pa hindi mapakali, Kristen," I heard Threscia murmured. Napatigil ako sa pagsipsip sa frappe ko at sumulyap kay Kristen. Tama nga si Threscia, hindi siya mapakali habang nakatingin sa phone niya. Kapagkuwa'y tumingin siya sa amin.

"Iyong crush ko kasi sa College of Liberal Arts na si Simone e pinagbigyan ako sa date na gusto ko bukas," mahinhin niyang ani at pumula naman ang magkabila niyang pisngi. Hindi ko maiwasan ang hindi matawa dahil ang cute niya. She's so adorable.

"Sana all, makaka-date ang crush," Threscia murmured as she gave a chuckle. Napailing na lang ako. Bukas ay Sabado kaya walang pasok bukas. May Saturday Date kami ni Luis bukas.

"So, what's the problem? Makaka-date mo 'yong crush mo. You're so lucky," ako naman ang nagsalita dahilan para mapatingin sa akin si Kristen. Her eyes narrowed then she slightly bowed her head.

"Kinakabahan kasi ako. Baka kasi pinaglalaruan lang ako ni Simone," she spoke in a taut voice. I just sighed because of that.

"Kristen, don't worry. We'll accompany you tomorrow. Wala naman kaming gagawin bukas," prisenta ni Olive at nag-angat naman ng tingin si Kristen. Her mood brightened. Tumango lang ako bilang pagsasang-ayon sa sinabi ni Olive.

Maybe, I can postpone my Saturday Date with Luis. I'm sure, he'll understand. Baka nga ay samahan pa ako bukas.

"Tama si Olive. Boring sa bahay. Isa pa, gusto kong mag-shopping bukas," segunda naman ni Jhona na ikinatango ko lang ulit.

"Salamat sa inyo. Nawala na ang kaba ko dahil sa inyo," she gently replied and I just smiled because of that.

"Then, tell me the move you made to make your crush agreed to go on a date with you. I want to know your secret. Magagamit ko 'yan, soon," maya-maya ay tanong ni Threscia. As expected, she'll ask that. Tumingin sa kaniya si Kristen at inayos ang eyeglasses niya.

"W-Wala naman akong ginawa Threscia. I just told him my feelings and ask him if he can go on a date with me. I didn't expect that he'll agreed because he ignored my feelings for him," simpleng tugon ni Kristen na ikinabuntong-hininga lang ni Threscia.

"Is that so? Nagawa ko na 'yan dati. Ilang beses ko nang inamin sa kaniya ang nararamdaman ko pero hindi niya ako binibigyan ng pagkatataon kasi nga may kasintahan na siya. Arghh, that cheap maid. Ano ba ang nakita ni Grant sa kaniya?" Naiinis na turan ni Threscia. Kumunot naman ang noo ni Kristen.

"Si Grant pala ang crush mo. Oo nga, si Bethany ang girlfriend niya. Hindi ko alam na naninilbihan pala siya sa inyo. Ka-schoolmate ko 'yon dati. Pinagkakalat niya rin na mayaman daw sila. Well, I didn't believe her at first because she's not the kind of woman who's born into a wealthy family. I can determine if a certain person is came from a wealthy family," mahabang kwento ni Kristen sa amin dahilan para mapatango kaming lahat.

HIS #1: Allocating Your Heart (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon