Kabanata 28

826 8 0
                                    

Kabanata 28:
Teams

Isabella Danisse's Point of View

It's been a week since our midterm exam and today is Monday. The exam went well. Nagpapasalamat ako dahil hindi ako bumagsak sa exams namin. Lowest na nakuha ko ay 89 which is Business Communication pero ayos lang sa akin dahil lahat ay 100 items.

Start na ang preparation for intramurals. Today is October and it is our intramurals. Mamaya ay ipo-post na ang mga magkaka-team. Sabi ng SSC ay paghahaluin daw lahat ng departments bago igrupo.

Hanggang ngayon ay ayaw pa rin akong pansinin ni Threscia. Hindi na siya masyadong nakikisama sa amin dahil abala na siya sa intramurals. Naiintindihan naman namin iyon dahil siya ang Student Body President ng Hearthstone University.

Our satisfaction is in her hand so she needs to focus and do great. I'm sure, Threscia can do that. Ngayon ay nasa classroom kami at hinihintay ang announcement ng teams. Ngayon ay nakatitig lang ako sa iPad ko at hinihintay na may mage-email sa akin ng teams.

I-email daw sa akin ni Miss Elle ang teams namin kaya kanina pa ako naghihintay. Maya-maya ay may nag-pop up sa notification bar ko. Cl-in-ick ko ito at napunta kaagad ako sa Gmail App. Tiningnan ko ang recent email sa akin at nakit ko ang email ni Miss Elle sa akin.

Pinindot ko iyon at may excel file doon na ang file name ay 'Intramurals 2021 Teams'. D-in-ownload ko kaagad at tumayo ako. Kinuha ko ang connector ng charger ng iPad ko. Ipi-print ko muna ito. Mabuti at may kaniya-kaniyang computer at printer ang bawat classroom dito.

Tumayo na ako at tinungo ang likod. Nang sumulyap ako sa mga kaklase ko ay may kaniya-kaniya silang mundo. Ang iba ay nanonood ng KDRAMA, KPOP music videos at ang iba naman ay abala sa phone nila.

Nasa likuran kasi ang computer at printer kaya roon ako dumiretso. Umupo ako sa swivel chair at sinaksak ang connector ko sa USB ng PC. Naka-open na ang computer kaya mabilis na lang. Pagka-connect ko ay tumunog ang iPad ko. I immediately click allowed on my iPad. Using a mouse, I click the Fire Explorer and click my iPad name.

I opened the file through the computer's Microsoft Excel. I then click the 'ctrl' and 'p' to print. Kumuha ako ng short bond paper at nilagay iyon sa printer. I click enter then the printer started to print the teams.

Hindi naman nagtagal ay natapos nang i-print ang listahan ng mga magkaka-team. Two pages ito. Agad kong kinuha mula sa printer ang na-print at tinanggal ang connector ko mula sa pc. I exited the Microsoft Exel and stands up.

Tinungo ko na ang harapan, sa desk ni Miss Elle. I then faced them.

"Guys," I called their attention. Agad namang nabaling ang atensiyon nila sa akin. Mabuti at hindi na sila makulit pa. Kaagad namang tumigil tumahimik at huminto muna sa kaniya-kaniya nilang ginagawa.

Kalaunan ay pinakita ko sa kanila ang na-print nang listahan.

"I have the list of our teams. Pi-picture-an ko ito tapos ise-send ko sa gc. Ipapaskil ko mamaya sa bulletin board natin," I continued that made them nodded. Nilapag ko sa desk ni Miss Elle ang dalawang papel at p-in-icture-an iyon gamit ang phone ko.

Nang ma-picture-an ko na ay agad kong s-in-end sa gc ang picture. Tinungo ko na ang bulletin board at kumuha ng dalawang push pin. Idinikit ko ang papel sa board at p-in-in ito gamit ang push pins. Agad kong tiningnan kung ano ang team ko.

Dito ay may pito na teams. Red, orange, yellow, green, blue, indigo at violet. Kaagad kong tiningnan ang pangalan ko. Napatigil ako sa blue team nang makita ko ang pangalan ko.

Hinanap ko rin ang pangalan ni Luis at napangiti ako nang ka-team ko siya pero nang makita ko ang pangalan ni Kristen ay nawala ang ngiti ko. Hindi ko alam kung bakit ako naiinis kay Kristen. Nadismaya ako nang hindi ko mahanap sa blue team ang pangalan ng mga kaibigan ko.

HIS #1: Allocating Your Heart (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon