Kabanata 29:
CaughtIsabella Danisse's Point of View
Mabilis namang natapos kanina ang pagsali sa mga sports. Ngayon ay nasa bahay na ako. Hinatid ako kanina ni Luis at uuwi raw siya saglit pagkatapos ay didretso na siya sa bahay raw nila Effie. Doon daw sila gagawa ng thesis study. Hinayaan ko lang siya dahil may tiwala naman ako sa kaniya.
Ngayon ay nasa kwarto ako ngayon at ka-chat si Olive at Jhona. Napagkasunduan kasi namin na mags-sleep over ngayon sa bahay nila Threscia at hindi ito alam ni Threscia. We'll surprise her. Isang linggo na kasi akong hindi pinapansin ni Threscia kaya kailangan ko siyang suyuin.
Naglagay lang ako ng kaunting damit sa bag dahil hanggang bukas lang naman ang sleepover. Hindi pa ako nagpapaalam kila Mommy pero alam ko namang papayag sila dahil kilala nila si Threscia.
Nang matapos na akong mag-impake ng ilang gamit ay tumayo na ako at lumabas na ng kwarto ko. Bumaba na ako sa magarbong hagdanan at tinungo ang living room. Nandoon kasi sila Daddy, nanonood sila. Pagkarating ko roon ay tinawag ko sila.
"Mommy, Daddy," napalingon naman sila sa akin at ngumiti. Lumapit ako sa kanila at hinalikan sa pisngi.
"Where are you going?" Daddy asked while staring at my outfit. I was wearing a Brown Button Front Lettuce Edge Bardot Dress and a slip-on sandal. Humiwalay ako at humarap sa kanila.
"Sleepover po kila Threscia. Magpapaalam po sana ako sa inyo," tugon ko na agad naman nilang ikinatango dahilan para mapangiti ako at dambahin sila ng yakap.
"Thank you po," I replied.
"You're always welcome, sweetie. Take care," Mommy spoke and caressed my hair. Maya-maya ay humiwalay na ako sa kanila.
"Opo. Balik po ako bukas," kalaunan ay tugon ko na ikinatango nila. Kumaway na ako sa kanila at naglakad na patungo sa pinto. Binuksan ni Manang Florida ang pinto at lumabas na ako. Sa labas ay naghihintay sila Olive at Jhona na nakasakay sa Red Mirage ni Olive.
Nang makita nila ako ay ngumiti ako sa kanila. Kaagad kong binuksan ang backskeat at pumasok doon. Olive is wearing a Red Puff Sleeve Drawstring Knot Front Top and she paired it with high-waisted jeans while Jhona is wearing a Black Plus Cami Top & Plaid Flap Pocket Pants.
"Let's go," sabi ko na ikinatango nila. At pinaandar na ni Olive ang kotse niya at pinaharurot ito palabas ng mansion namin.
"Hinto tayo sa Dunkin' Donuts," ani ko habang nasa biyahe kami.
"Sure," iyong na lang ang naisagot ni Olive dahil abala ito sa pagmamaneho. Paborito kasi ni Threscia ang donuts kaya bibilhan ko siya. Alas sinco pa lang kaya medyo maliwanag pa. Hindi naman nagtagal ay nakarating na kami sa Dunkin' Donuts.
"Ako na lang bibili," prisenta ko na ikinatango nila. P-in-ark ni Olive sa gilid ang kotse niya. Kinuha ko ang wallet at phone ko bago lumabas. Paglabas ko ay tinungo ko na ang entrance ng Dunkin Donut.
I pulled the glass door to open it. Nang magbukas ay agad akong pumasok. Naamoy ko kaagad ang iba't ibang flavor ng donuts lalo na ang Bavarian. They said that Dunkin' is the world's most leading baked goods and coffee chain.
Well, they deserved it because they served the best donuts ever. Ang paborito ko rito sa Dunkin' ay ang bagels nila. Agad kong tinungo ang counter at agad akong binati ng staffs.
"24 classic donuts and 1 sari-sari bucket, please," sagot ko na ikinatango ng saleslady. Kulang kasi si Threscia sa isang dosena ng donuts. Ang lakas niyang kumain pero hindi naman tumataba. Habang hinihintay ko ang order ko ay napatingin ako sa menu nila.
BINABASA MO ANG
HIS #1: Allocating Your Heart (COMPLETED)
Novela Juvenil(Hospitality Industry Series #1) Everyone has untold stories of suffering and grief that make them love and live a little differently than you do. Stop judging, instead try to comprehend. But what if you mistook someone you love in the wrong way and...