Chapter 33

4.2K 53 7
                                        

"Alvedrez, RTC ka?"

Agad akong napalingon sa tumawag. Nakita ko ang nakangiting mukha ni Prosecutor Hanilao. Tipid na tango lang ang isinagot ko sa kanya.

"Right! Hitch ka na! Doon din ako. Magkatabing branch yata tayo." Mas lumapad ang ngiti niya. Iling lang ang isinagot ko sa kanya tapos ay inayos na ang dala kong mga files.

Hindi na rin ako naghintay pang sumagot siya at nilagpasan ko na siya. Narinig ko pa ang bulong- bulungan ng mga taong nadaanan namin. Hindi ko na lang ulit pinansin at nagtuloy-tuloy lang ako sa paglakad palabas. Simula noong nadesisyunan ang kaso, sobrang rami na rin talagang lumalapit sa akin na hindi ko naman talaga ka-close. Hindi ko sila maintindihan. Mas lalo lang tuloy akong naiinis sa kanila kapag ginagawa niya iyon. Halata naman kasing pinaplastic lang ako. Ewan ko nga kung bakit sila nagpapalakas, hindi ko naman sila mabibigyan ng kahit ano.

Bumuntong-hininga ako at tumuloy na lang sa grab na naghihintay na sa akin. Isinandal ko lang ang ulo ko sa likod ng upuan at ipinikit ang aking mga mata. Inaantok ako at medyo nahihilo rin. Epekto siguro to ng pagkarami-rami kong binabasa na halos ay hindi na ako makatulog. Paano ba naman kasi, pag wala naman akong ginagawa at papatulog na, hindi rin naman ako makatulog kaya imbis na dumako na naman kung saan ang isip ko ay tinatrabaho ko na lang.

Arraignment lang ngayon sa isang kasong hawak ko. Wala naman akong ibang gagawin na sa RTC. Babalik na rin ako sa prosecutor's office pagkatapos. Kapit na kapit ako sa aking tote bag at sa mga files na hawak ko habang naglalakad papasok ng RTC. Bahagya pa akong sumandal sa dingding ng elevator pagkasakay ko. Iniyuko ko na lamang ang aking ulo nang pumasok ang iba pang mga tao. Parang gusto ko na lang matulog.

Bumuga ako ng hininga at saka umayos ng tayo. Pagkatunog ng elevator ay agad din akong lumabas kasama ang ibang mga tao. Bumuga ulit ako ng hininga habang kinakalma ang aking sarili papunta sa courtroom.

Medyo marami ng tao nang dumating ako. Nasa kabila na rin ang defense. Binati ko lang ang mga kliyente ko tapos ay umupo na rin ako sa harap. Ilang minuto pa ay nagsimula na ang session.

"Presenting for the prosecution, Your Honor," sambit ko tapos ay tumayo na. Sumunod iyong defense tapos ay nagsimula na ring magbasa ang clerk ng information. Bumuntong-hininga ako at pinakinggan lang ang kabila.

Nakagat ko ang aking labi nang maramdaman kong parang umiikot na ang paligid ko. Shit. Nahihilo ako. Sinubukan kong humugot ng hininga at ikurap-kurap ang aking mga mata pero hindi talaga mawala ang pagkahilo ko.

Napamura na lang ako sa aking isip nang bigla akong manghina at muntik nang matumba. Agad kong narinig ang pagkatahimik ng paligid at ilang mga bulong-bulungan. Nasapo ko ang aking ulo at napakapit ako sa may upuan.

"Prosecutor Alvedrez, are you okay?" Rinig kong sambit ng court clerk pero hindi na ako nakapagsalita.

Mas umugong ang bulong- bulungan sa loob. Naramdaman kong pinaupo ako at may pumapaypay na sa akin. May sinasabi silang kung ano pero wala akong maintindihan. Sobrang sama talaga ng pakiramdam ko na kinailangan pang magpa-recess ni Judge.

Nagpasalamat na lang ako na nandoon ang ibang mga kakilala ko sa PAO na may mga hearing din. Umayos din naman ang pakiramdam ko mga ilang minuto ang lumipas. Nagpaalam lang muna akong pumunta ng CR para makapag-ayos. Itinukod ko ang aking mga kamay sa sink at tiningnan ang aking sarili sa salamin. Huminga ako nang malalim. Nasapo ko ang aking bibig nang biglang bumaliktad ang sikmura ko. Halos isubsob ko na sa sink ang aking mukha at sumuka nang sumuka roon.

Napangiwi ako at agad na binuksan ang gripo.

"Cassia? Hala, ayos ka lang ba? Baka kailangan ka na naming dalhin sa hospital." Narinig kong sabi ng isa kong kasama.

Prosecuted (School of Law #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon