Chapter 3: Pretensions

186 14 12
                                    

(A/N: Pasensya na kung mukha may Multi personality Disorders ang mga characters. He-he. You know, collaboration naming 'to ng mga friends ko kaya ganyan. Haha. Enjoy nyo na lang XD)

                “Eeeiihh… The Royal Shindig is so perfect, ang romantic grabeee… Hanggang ngayon kinikilig pa rin ako.” Tili ng isang babae mula sa table sa gitna ng Cafeteria na sa hula nya ay walang iba kundi si Jan Kaithrine Javier o mas kilala sa tawag na Janine ang umistorbo sa tahimik na pagkain ni Alia ng paborito nyang Chocolate cake.  Agad naman syang napasimangot nang maalala ang nangyari ng nagdaang gabi.

                Agad syang tumakbo palabas ng Silver Hall kung saan ginanap ang Royal Shindig nang Makita nyang nagtatalon si Trace dahil ginawa nyang pag tapak dito. Tutop nya ang kanyang dibdib ng makalabas sya ng vicinity ng Pecson Academy. Tila may nagaganap na karera ng mga kabayo sa loob nito, hindi nya alam kung dahil ba iyon sa pagtakbo nya o dahil sa tangkang paghalik sa kanya ni Trace kanina. Eh?! Bakit nasama yung huli? Erase! Erase! Yuck! My heart beats only for Kirby loves.

                “Ah eh Ma’am tapos na po ba yung party? Uuwi na po ba kayo?”

                “Ay!  pangit na baklang kalabaw ka! Kuya Jan naman, wag ka namang naggugulat! Baka atakihin ako sa puso nyan eh”

                Napakamot naman ang driver nya sa tinuran nya nang bigla na lang nitong istorbohin ang pakikipagdebate nya sa sarili nya. Mapagpaumanhin itong yumuko sa kanya bago nagsalita muli “Ah pasensya na Ma’am, nagulat lang po ako kasi lumabas na agad kayo tapos tumatakbo pa po kayo.” May pagka USI rin pala itong driver nila. Sasabihin na sana nyangmagpapahangin lang sya at babalik ulit sa party nang Makita nya si Trace na lumabas mula sa Silver Hall na tila may hinahanap. “Ah, Kuya Jan iuwi mo na ako dali… Masama kasi ang pakiramdam ko, feeling ko nga hihimatayin na ako eh” Nagkunwari pa syang matutumba kaya mabilis pa sa alas kwatrong inalalayan sya nito papasok sa kotse na nakaparada sa di kalayuan at pinasibad palayo ang kotse nila. Nakita nya pang tumakbo si Trace sa may Parking Lot at tila hinahanap pa rin sya bago lumabas ng gate ang kotse nya.

                “I can still feel Alfred’s warm hands on my hips. Haaayyy…” Janine sighed dreamily “Last night was really perfect” pinagdaop pa nito ang dalawang palad nito at inilagay sa ilalim ng kaliwang baba nito “Last Night was soooo romantic.”

                “Yeah, last night was perfect and romantic until you stepped on Kuya Alfred’s foot with your oh-so-pointed stilettos” bored na bored na turan ni Lissy Ann dito na agad namang ikinasimangot ni Janine.

                “Oo nga, it’s a good thing Kuya Alfred is wearing makapal na shoes” sabad naman ng intimitidang si Joymae Pecson, ang may ari ng school nila at ang kasayaw ng kanyang ISI kagabi TT_TT. Paepal na Trace kase eh, hindi ko man lang tuloy nakasayaw si Kirby my loves so sweet kagabi. “Kung hindi baka he’s already dead na now because of tetano, you know Tetanus?”

                “Pag natusok, mamamatay agad Joymae?”  sagot naman ni Maria Ellaine Tezzoro o Gulay sa mga malalapit na kaibigan nito. “Ansaveeeeeeeeh!”

                “Pwede move on na tayo sa Royal Shindig? Kagabi hanggang kaninang umaga pa namamaga ang tenga ko sa Royal Shindig na yan! Lahat na lang yan ang pinag uusapan.” Iniikot pa ni Des (kung hindi sya nagkakamali) ang paningin nya sa buong Cafeteria para mapatunayan ang punto nya. Agad namang natahimik ang lugar dahil halos lahat ng tao roon ay iyon ang pinag uusapan na ikinatuwa naman niya. Hay! Hulog ng langit 'tong mga 8th grader na ito. Kaninang umaga pa sya naiinis sa mga school mates nya dahil sa pagkukwentuhan ng mga ito tungkol sa Royal Shindig.  Bitter na kung Bitter! Bakit? Disaster naman talaga yung Royal Shindig ah! Damn that Trace!

Vulgar, Lies and Everything WiseTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon