Chapter 2: Oh hell yeah

190 15 8
                                    

(A/N: Haluu!! sa hindi nakaka alam si best Grace ko ang nagsulat ng prelude and chapter 1. So now it's mah turn, Janine at your service! wuuhh!! *clap clap* oh yeah! sana lang di ko nagulo ang story, hihihihi)

Kasalukyang nakaupo sa isang mesa sina Alfred at Alia. Sa totoo lang, kanina pa nabobother si Alia sa masasamang tinging ipinupukol sa kanila ng babaeng nakaupo sa mesa di kalayuan sa kanila. Nakaumpok ito sa mga kaibigang masayang nagaasaran, hindi nito inaalis ang tingin sa kanila.

Kanina'y sinusundan sundan sila nito ni Alfred habang nagkukubli sa mga halamanan. Hindi nya alam kung matatawa ba sya, maasar, maawa o ano. Hanga sya sa lakas ng fighting spirit nito, go for love talaga!. Sana lang kaya din nyang gawin yan kay Kirby, hayyy napabuntong hininga sya sa naisip.

"Uhmm, Alfred I think you better talk to her now" sabi nya kay Alfred

"Who?" kunot noong baling nito sa kanya. Ininguso naman nya ang kinaroroonan ni Janine. Umasim naman agad ang mukha nito.

"Why would I? Baka sakmalin lang ako nyan bigla" pambabalewala nito

"Lapitan mo na" kumbinsi nya kay Alfred. "Sige ka baka masira ang gabi nyan tapos mabobrokenheart pa kaya madedepress sya. Looking at her now, mukhang major depression yan kaya naman baka maisipan nyang magpatiwakal, nakuu pagnagkataon konsensya mo pa yon" pananakot pa nya rito.

Natigilan naman si Alfred sa sinabi nya at napaisip. "May pagkaOA pa naman yong babaeng yon, tsk" bulong nito sa sarili. Mukhang effective ang pananakot ni Alia.

Tumayo na ito sa kinauupuan at naglakad palapit sa mesa nina Janine, agad namang nagningning ang mga mata nito, impit pang napatili habang hinahampas hampas ang katabi. Ibang klase din kiligin ang babaeng to, nananakit.

"Hi, Ja-..." naputol ang pagsasalita ni Alfred ng bigla itong tumayo

"Yes, Alfred baby, I'll dance with you!!, let's go!! Hihihi" agad itong umabrisete sa binata

"Huh?" si Alfred na walang nagawa at napilitan na lang magpahila kay Janine sa dance floor

Naiwan mag-isa sa table si Alia, inilibot nya ang paningin baka sakaling makita nya ang  mga kaibigang kanina pa hinahanap.

"Tol, ang sexy talaga ni Joymae 'no?" sabi ng isang boses lalaki na nasa may likuran lang nya ang mesa, kilala nya ang may_ari nyon kundi sya nagkakamali ay si Conradd iyon.

"Ang ganda pa tol, jackpot si Kirby doon" sabad naman ng isa, may kasama pang sipol. Kilala nya din ang boses na iyon, kay Trace. Umandar na naman ang pagkaplayboy nito. Napapalatak sya.

"Nako tol baka kung saan dalhin ni Kirby yun imbis na papunta kay Graciella" -Conradd

"Tol, pag si Kirby ang kasama wala nang tanong tanong pa, diretso condo na yan!" -Trace

"Nak'nang baka hanggang sa kotse na lang abutan ang mga yon" -Conradd

"Ang sabihin mo, baka hatakin na lang yon ni Kirby sa isang sulok" -Trace

"Na madilim at masikip" -Conradd

"At madumi" -Trace

"ha/ Parang ang kati naman ata nyon sa katawan" napangiwi pa si Conradd sa naisip.

"Sus mas nakakadagdag ng excitement pa nga yon" -Trace

"Tapos sabay silang maliligo, heaven pare! sarap upakan ni Kirby" -Conradd

"Tol, wag kang mainggit dyan kay Kirby, maraming chicks dyan sa tabi tabi" sabay akbay ni Trace kay Conradd. Nag-apir pa ang dalawa at sabay na humagalpak ng tawa.

Vulgar, Lies and Everything WiseTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon