Chapter 18: Say what?!

42 2 0
                                    

Naglalakad si Alia sa school grounds isang linggo makalipas iannounce ng mga magulang niya ang tungkol sa kasal nila ni Ugh di matanggap ng utak, damdamin at kaluluwa ko. Napatigil siya sa paglalakad nang mapansin niyang parang may nakatingin sa kanya.Lumingon lingon siya ngunit wala naman siyang napansing sumusunod sa kanya. Naaaning lang siguro ako. Pupunta na nga lang ako sa library.

Inilibot ni Alia ng tingin sa library nang maramdaman niyang may nakatitig sa kanya ngunit wala naman siyang nakita.Nu ba yan? Gutom lang siguro to.

Hindi pa rin siya mapakali ng makarating siya sa canteen. Pakiramdam niya talaga may sumusunod eh.

“Hey Alia!”

“Ay anak ka ng kalabaw na may bangs na black and white!” bulalas ni Alia sa gulat.

“Hahahahaha what the hell friend?! kalabaw na may bangs na black and white like where did you make kuha that?” Sabi naman ng tatawa tawang si Macy.

“Nagiging nerbyosa ka girl. Bawas bawasan mo ang pagkakape.” Sabi naman ni Glenn habang pinaghihila ng upuan si Macy.

“Thanks!” Sabay hawak affectionately sa pisngi ni Glenn.

Nakatingin lang si Alia sa dalawang bestfriend niya na ang sweet sweet habang kumakain. Nakaakbay pa si Glenn kay Macy.

“Teka nga. Anong meron? Bakit may paakbay akbay pa? At nakakaloka may subuan effect pa. Anong nagaganap? Nung nakaraan lang eh parang nag iiwasan kayo ahh.” Nagugulumihanang tanong ni Alia.

“Isn’t it obvious?” Glenn

“We’re like kami na kaya.” Kinikilig na sagot ni Macy

Napataas ang kilay ni Alia sa narinig “What kelan pa?”

“3 days ago.” Ngingiti ngiting sagot ni Glenn.

Lalong napataas ang kilay ni Alia.

“Ano? Saan? Paano? BAKIT?”

“Nako friend. We’ll make kwento na lang next time. How are you na ba?”

At naalala nanaman ni Alia ang engage- di niya talaga masabi, “Eto malapit nang masakal este makasal.”

Hinawakan ni Macy ang kamay ni Alia. Concern was written all over her face.

“Wag nyo na ko alalahanin. Buti pa magmall na lang tayo to celebrate you two being together.”

Dahil walang ang mga driver nila, nag sabayang day off ata, nag-abang nalang sila ng taxi. Medyo madulas ang kalsada dahil sa ilang araw na pag ulan kaya nang may tumulak sa kanya ay di niya nabalance ang sarili at tuluyang dumulas sa kalsada sa harap ng isang malaking truck.

At the last second, the shocked driver managed to turn his wheel so that the truck passed directly over Alia. For a moment, she lay in darkness, her ears filled with the roar of engine and suddenly she could see the sky again. Wala na yung truck.

Halos wala sa sariling umupo si Alia. Nagmamadali namang lumapit si Macy at Glenn sa kanya. Tiningnan ni Alia kung sino ang tumulak sa kanya pero hindi niya alam kung sino sa mga taong nakapaligid sa kanya yun. It could have been anyone.

“Ok ka lang?” Wala sa sariling tumango na lang si Alia sa tanong ng kaibigan.

“Wag na tayo tumuloy sa mall. Ihahatid ka na namin.”

-----------------------------------

Nakita ni Trace si Alia na dumaan, mukhang papunta ito sa library. Hinabol niya ito para kausapin dahil ilang araw na siyang di pinapansin nito, ngunit napatigil siya at nagtago nang mapansin niyang may lalaking sumusunod dito.

“Trace!”

Napalingon si Trace sa kaibigang si Conradd.

“Pupunta ka ba mamaya sa party ni Albert? Birthday niya. Pupunta din daw sila-”

“Ahh.” Hindi na narining ni Trace ang ibang sinabi ng kaibigan niilingon ulit nito si Alia ngunit nakapasok na ito sa library at wala na din ang lalaking sumusunod dito.

“Uy ano? Sama ka?”

“Ahh. Sige sige.” Mukhang kailangan ko na ding magloosen up.Masyado akong nabobother sa pag iwas ni Alia.

--------------------------------

Habang nasa kalagitnaan nang inuman sila Trace, “Uy pare nabalitaan niyo na ba?”

“Ang ano?”

“Si Macy na daw at si Glenn.”

“Talaga? Eh diba bakla yun si Glenn?”

“Oo nga eh.”

“Sayang naman si Macy. Maganda at sexy pa naman. Tapos sa paminta lang babagsak.”

Ewan ba ni Trace dito sa mga kaibigan niya, kalalaking tao puro naman chismoso. Hindi na sana niya papansinin ang usapan ng mga ito nang..

“Diba kaibigan nila si Alia. Yung kasama ni Trace sa tarp nung nakaraan?”

“Ano pare, magaling ba?” Nag init ang ulo ni Trace sa narinig. (A/n: ulo sa taas. Haha sorry naman. Ang lumot ng utak ko habang nagtatype eh.)

“Grabe. Akala mo mahinhing dalagang Pilipina, yun pala nasa loob ang kulo. Di mo talaga mahahalata sa itsura. Malaanghel ang mukha pero-” Di na natapos ni Kirby ang sinasabi dahil kinuwelyuhan na ito ni Trace.

“Magdahan dahan ka sa mga sinasabi mo! Hindi siya ganong babae!”

“Okay!” Tinaas ni Kirby ang dalawang kamay na parang sumusuko na.

Binitawan naman ito ni Kirby at umupo na.

“Easy ka lang Trace.” Sabad naman ni Conradd.

Biglang nagring ang phone ni Kirby. Tumayo ito at medyo lumayo.

Masama pa rin ang tingin ni Trace kay Kirby kaya di niya maiwasang marinig ang ibang sinasabi nito. Lalo na nang nagtaas na ito ng boses.

“Ang simple lang ng inuutos ko di mo pa magawa. Ayusin mo yang trabaho mo. Di kita binabayaran para tumanga lang.” Napansin na lumalakas na ang boses kaya hinihaan na ang pagsasalita. “Di pa tayo tapos.Mag uusap tayo mamaya.”

Nagtaka naman si Trace.

“Sino yan pare? Babae nanaman?” Tanong ni Albert.

“Wala yun.”

“Sigurado ka?” tanong ni Trace.

“Oo. Wala lang yun.” Mukha itong kabado pero hinayaan na lang ni Trace maaaring hindi pa humuhupa ang kaba nito sa nangyari kanina.

----------------------------------

“Ipaliwanag mo ngayon sakin kung paano nangyaring nakaiwas siya?”

“Naiiwas po yung driver ng truck eh.”

“ANG TANGA TANGA MO!” Huminga ito ng malalim na tila pinapakalma ang sarili.

“Gawan mo ng paraan yan. Kailangan mawala sa landas ko ang Alia del Rio na yan.”

Vulgar, Lies and Everything WiseTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon