A/N: Hello there readers ! Meron ba? LOL. Binasa niyo ba yung author's note nung previous chapter? Ang haba diba? Syempre binasa ko yun, mahaba ee hihihi. So anyway, here's my update. ENJOY !
P.S: Trace, Kirby and Conradd is sooooooooo gwapo ^o^
============================================================
Maagang pumasok si Alia para magreview sa test nila mamaya, Sigurado kasi siyang di na siya makakapag aral once na dumating ang mga kaibigan niya. Knowing Macy and Glen, chichikahin na na naman siya ng mga ito. Agad siyang bumaba ng sasakyan pagkapark at tsaka nilingon ang family driver nila
"Manong Jan wag niyo na po akong sunduin mamaya, gagawa pa kasi kami nung sa research chever namin ee"
Tumango lang ito at agad ding umalis ng makitang naglalakad na siya papuntang library. Dun na muna siya magrereview habang hinihintay ang mga friends niya."Good Morning po" masiglang bati niya sa librarian pag pasok niya. Agad siyang dumiretso sa paborito niyang pwesto at nilabas ang mga notes niya.
Seryoso siyang nagbabasa ng mapabaling ang kanyang tingin sa dalawang taong papasok ng library. Agad nagningning ang kanyang mga mata ng masilayan ang kanyang ISI, ngunit agad din iyong nawala ng mapansing may kasama itong babae.
Bakit nito kasama ang kapatid ni Alfred? Naiinis siya. Bakit iba na naman ang kasama nito? Bakit hindi nalang siya? At bakit parang ang saya saya nila? Mas lalo pa siyang nainis nang maupo ang mga ito malapit sa kinauupuan niya. Mukhang hindi siya nito napansin. Nawalan na tuloy siya ng ganang mag review. Nagkunwari nalang siyang nagbabasa para kahit papano'y makasilay siya sa kanyang "love of her life". Panakaw siyang tumitingin sa mga ito, at sa bawat tingin niya, pinagsisisihan niyang tumingin pa siya. Masaya itong nag uusap tungkol sa isang bagay na di niya alam kung ano.
"Oh Lord why you so bad? T.T " paulit ulit niyang tanong sa isip niya. Naputol lang ang kanyang pag eemo ng maramdamang nag ba vibrate ang phone niya. Nag text si Macy.
"Where are you na naman ba Alia? We cant find you here sa room you know? Can you please tell us the place so we dont need to make hanap hanap you around the campus?". Agad siyang nagreply sa conyong kaibigan at sinabing nasa library siya.
Ilang sandali lang ay nandun na ang mga ito, agad siyang pinuntahan ng dalawa.
"Bakla! Sabi ni Fafa Trace nandito din daw si Kirby your loves aa, na sighting mo na ba siya? May kasama ba siyang merlat o forever alone?"
Sunod sunod na tanong ng gaga.
"you know Glen, pwedeng tumahimik for awhile." sabi ni Macy sabay irap. Tinuro niya sa mga ito ang lugar kung nasaan ang kanyang irog. Agad naman siyang binalingan ni Macy sabay tanong
"OMG! That's Grace diba? Alfred's younger sister? Why naman they are together? Baka naman they're couple na? OMG! What about Joymae? And what about you?".
Sasagot na sana siya ng biglang sumingit si Glen "you know Macy pwedeng tumahimik for awhile" panggagaya pa nito sa sinabi ni Macy kanina. Napailing nalang siya ng patuloy na magtalo ang dalawa. Iniligpit niya na lang ang gamit niya at saka tumayo.
"Let's go guys, baka nandun na si Maam"
Agad namang tumayao ang dalawa ngunit patuloy pa din sa pagtatalo. Tumingin muna siya kay Kirby bago tuluyang lumabas.
============================================================
Mataas naman ang nakuha niyang score,ewan niya nga lang dun sa dalawa. Nung time na ng subject nila kung saan sila may research,, pinag groupings lang sila para pag usapan ang mga dapat gawin.. Hindi pa din siya lubusang matuwa dahil kay Trace. Buti nalang at maayos ang kinalabasan ng groupings nila, at gaya ng napag usapan, kina Kirby sila gagawa ng research mamaya pagkatapos ng klase.
BINABASA MO ANG
Vulgar, Lies and Everything Wise
RomansMeeting you was fate, becoming your friend was a choice, but falling in love with you was beyond my control. Si Alia ang tipo ng taong nagpapagaga pagdating sa pag-ibig lalo na sa kanyang sinisintang pururot nanagngangalang Kirby. For her, Kirby Ant...