Chapter 16: Commotion

69 5 1
                                    

Breaktime nila Alia at kasalukuyan silang nasa canteen ni Macy at tahimik na kumakain, hindi nila  kasama si Glenn dahil nagdahilan itong may importanteng bagay daw itong kelangan tapusin.  Medyo nalungkot sya dahil hindi sila kumpleto at matagal tagal na rin silang hindi nakakapagbonding, pansin rin nya ang tila pag-iiwasan nina Macy at Glenn. Hindi naman nya matanong ang mga ito ng  harapan , gusto nya kasi ang dalawa mismo ang magsabi sa kanya ng problema, nirerespeto nya ang kasi ang privacy ng mga ito. Sana lang kung anuman yung pinag-awayan o kung anuman yung nangyari sa dalawa ay sana maayos na para bumalik na rin ang dating sigla ng mga ito.

“Hi  Alia, mind if a share with your table?”, nakangiting tanong sa kanya ni Anais, hindi nya namalayang lumapit pala ito sa mesa nila kaya medyo nagulat sya. Nagtatanong ang mga matang tumingin sya kay Macy.

“I do mind, di mo ba kitang pangdalawang tao lang tong table namin? So ano paalisin mo ko?” mataray na sagot nito kay Anais.

“ah mukhang ayaw ata ng friend mo, sige sa ibang table na lang ako Alia”

“Nagpaawa effect pa” pabulong na pasaring ni Macy

Pumagitna na sya sa dalawa para hindi na lumala pa ang gulo.

“Ah Anais, pwede naman sigurong humila ka na lang ng upuan tas itabi mo dito sa table namin”

“Wag na, ako na lang aalis nawalan na ko ng gana, EXCUSE ME” kinuha nito ang mga gamit at tumayo na

“Macy..”  pigil nya rito

Tumingin ito sa kanya ng seryoso “I don’t like her, pakiramdam ko may hindi sya magandang gagawin, ewan ko basta mag-ingat ka sa kanya Alia” tiningnan nito ng mataman si Anais . “Hanggat maaari, stay away from her” bilin sa kanya ni Macy bago ito naglakad paalis.

Gulat at naguguluhang napatangin sya sa papalayong si Macy at kay Anais na nakaupo na at nagsisimula nang kumain, ngumiti naman sa kanya ito at inaya syang  ipagpatuloy na ang pagkain.

Kumain lang sya ng tahimik at hinayaang magsalita ng magsalita si Anais, wala syang interes sa mga pinagsasasabi nitong kwento tungkol sa sarili.  Hindi nya alam kung san ba ito pinaglihi at mukhang walang kapaguran ang bunganga nito. Pinipigilan lang nyang wag itirik ang mga mata pero kanina pa sya nabwibwsit dito.

Vulgar, Lies and Everything WiseTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon