Chapter 19: Baby M and Baby G

72 3 0
                                    

(author's note: Sorry po kung sobrang tagal kong nag-update.. Sisihin niyo si Baek siya na lang kasi iniisip ko nakakalimutan ko tuloy mag-update at pinapagod niya rin kasi ako eh! hahahahahahaha!!!! LOL!!! :DDD)

*************

Masayang naglalakad habang magkahawak kamay sila ni Glenn sa loob ng Pecson Academy. Lahat ng mga tao ay nagugulat kapag nalaman nilang may relasyon na sila ni Glenn. Kahit siya ay hindi pa rin makapaniwala sa mga nangyayari. Parang kailan lang ay hindi sila nagpapansinan nito dahil sa nangyari noong manonood dapat sila ng palabas.

Naging blessing in disguise ang nangyari kay Alia para sa kanila dahil ito ang naging daan para makapag-usap sila ni Glenn.

Nakadama bigla naman siya ng lungkot ng maalala niya si Alia sapagkat wala silang maisip na paraan kung paano nila matutulungan ito sa hinaharap nitong problema.

 Napansin ni Glenn ang pagbabago ng kanyang mood.

“What’s wrong  Baby M?”

“Eh kasi naman Baby G, I’m like so nagwo-worry pa rin kay Alia.”

“Me too. Kaya lang hanggang ngayon wala pa rin akong maisip na paraan para matulungan natin siya.”

Napabuntong-hininga siya.

“Hay naku Baby M, mag-lunch na lang tayo. Ayokong nakikita kang malungkot dahil mas nalulungkot ako kaya I will make sure na palagi kang happy!”

“You’re so sweet talaga Baby G! Kaya lang I kinda make pansin na we always make punta sa cafeteria and sa other places here in our school na may maraming madlang people.  “We’re like laging the center of attention tuloy!”

“Syempre gusto kong ipaalam at ipagmalaki sa buong Pecson Academy na girlfriend na kita BABY M! ”

Hinampas niya sa balikat si Glenn.

Binigyan siya nito ng mapanuksong ngiti at sinabing, “Kinilig ka ‘no Baby M?”

“Like, duh! Let’s eat na nga lang!”,wika niya para itago ang kanyang kilig.

*************************************************************************************

“You make tikim this Baby G, it’s so masarap!”

“Mas masarap pa rin ang lips mo Baby M”, banat ni Glenn pagkatapos matikman ang pagkain.

Hindi niya mapigilang mapangiti sa kakornihan ng kanyang Baby G, “You’re so pilyo talaga!”

Ngumisi lang ito.

“Siguro you’re making panggap lang na you’re gay para maging close ka sakin no? You’re like so in love with me a long, long time ago pa!”, tukso niya rito.

Sasagot na sana ito ngunit bigla itong natigilan at tila may tinitignan.

Lumingon siya sa kanyang likod upang malaman ang dahilan kung bakit ganoon ang reaksyon ng kanyang Baby G.

Nakita niya ang isang lalaki at isang babaeng nag-uusap sa kabilang table.

“HOY BABY G! WHY ARE YOU MAKING TINGIN AT THEM?!? I’m so MUCH MUCH PRETTIER kaya dun sa girl na yun like duh!”

“Hindi naman ako nagagandahan dun sa girl Baby M eh!”

“Eh why naman kasi ikaw nakatingin sa kanila?!?”

“Kasi…. Kasi ang GWAPO nung guy eh!”, wika nito at tumawa.

“OMG!  He’s so GWAPO nga Baby G! Mas handsome pa siya sa’yo!!!”, pang-aasar niya rito.

“Ok lang yun kung mas gwapo siya ako naman ang mahal mo diba Baby M?

Nagkunwari siyang nag-iisip para asarin ito.

Lumabi ito.

Nagulantang silang dalawa sa biglaang pagdaan ng isang babae. Pumunta ito sa table ng tinitignan nilang lalaki at babae kanina.

Baby G, si Althea yun diba?”, bulong niya rito.

Tumango ito, “Boyfriend niya kaya yung guy Baby M ? Tignan mo parang naiinis si Althea dun sa girl”

“Siguro nga Baby G kita mo nag-kiss sila .Ok, we’re like so nahahawa na kay Alia for being a chismosa!”

Nagkatawanan sila.

Maya-maya ay lumapit si Althea at yung lalaki.

“Hello Macy at Glenn! Sorry nga pala kanina kung nabunggo ko yung table niyo nagmamadali kasi ako eh”

“Ok lang”, sabay nilang sagot at nagkangitian sila.

“Oo nga pala congratulations sa inyong dalawa! Ang cute niyong couple”, masayang wika ni Althea.

“Thank you”, sabay na naman nilang wika.

Natawa silang apat.

“Nice to meet you nga pala Macy at Glenn, I’m Nigel by the way”, pagpapakilala nito.

“Nice to meet you too Nigel, upo muna kayo”, sabi ni Glenn.

“Baka nakakaistorbo kami sa inyo”, wika ni Nigel

“Hindi naman, ok lang”

Umupo ang dalawa, “Kamusta na nga pala si Alia?”, tanong ni Althea.

“She didn’t make pasok sa school ngayon eh, bibisitahin namin siya ni Baby G later”

“Ah, sana ok lang siya..”

“I hope you don’t mind Althea, curious kasi kami ng Baby M ko. Kayo ba ni Nigel??”

Nagkatinginan ang dalawa sabay tawa.

“No, we’re actually siblings”, sagot ni Nigel.

Nagulat si Macy at Glenn.

“Nakita niyo siguro na ki-niss ko si Khunnie no? Normal lang samin yun”

“Ang sweet niyo naming magkapatid… Dito ka rin ba nag-aaral Nigel? Parang ngayon ka lang namin nakita.”

“Dito ako mag-aaral for a year. Tapos pupunta ako sa Korea.”

“Magkakahiwalay na naman tayo Khunnie.. Basta padalhan mo ko ng  korean bacon ah”

“Bakit yun di ba kimchi ang sikat sa Korea? Tsaka anong pinagkaiba nun sa American at Canadian bacon?”

“Basta masarap yun Khunnie…”

“Ok sabi mo eh”

“Yung mga friends mo Althea oh they are also here na”

Napalingon si Althea sa direksyon ng mga ito. “Magtago ka na Khunnie baka i-harass ka na naman nila!!”

Nakahanap na ng upuan ang bebes habang pilit na itinatago ni Althea si Nigel at tuwang-tuwa naming nanonood si Macy at Glenn.

May lumapit na isang lalaki sa table ng Bebes sabay sabing, “Ellaine anong number mo?”

Napuno ng tuksuhan ang buong cafeteria sa pangunguna ng Bebes.

Si Althea ay lumapit na sa table ng mga ito at nakisali sa tuksuhan.

“Salamat sa oras niyo Macy at Glenn pasensya na kung naabala namin kayo”

“Ok lang yun Nigel nag-enjoy naman kami eh”

“Sige, puntahan ko na si Althea ah”, wika nito sabay kindat.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jan 18, 2014 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Vulgar, Lies and Everything WiseTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon