Chapter 18

60.5K 5.6K 7.7K
                                    

Chapter 18: Invitation

I want to believe I am really just attracted to his hair and how soothing it feels to my palms. But that's just a slight portion of the real reason why I like doing it.

It's when I stroke his hair I get the chance to look into his eyes closely.

Binitiwan na ni Ulrich ang kamay ko pero nakahawak pa rin ako sa kanyang buhok habang diretso ang tingin sa kanyang mga mapungay na mata.

Maybe it's gradually sinking to me why the girls are dying for his attention.

"Rizziiieee!"

Mabilis kong inalis ang pagkakahawak sa buhok ni Ulrich at umatras nang ilang beses. Napatikhim din siya at umiwas ng tingin.

I turned to Camila. She's still tied to Roland. Nakasimangot ang kaibigan ko habang mabigat ang paglalakad papunta sa direksyon namin. Si Roland naman ay kumakain ng ice cream.

"What the hell is happening?" narinig ko ang mahinang pagtawa ni Ulrich. "Let me guess. Roland's idea."

"Ulrich!" Nilapitan ni Cams si Ulrich. "Can you talk to your friend? Wala siyang balak na pakawalan ako! Nangangawit na ako sa posas na 'to!"

"I told you, Miss Torres. Sayang ang two hundred pesos ko," prenteng sagot ni Roland. Dinilaan niya ang ice cream bago ang kanyang labi. "Hanggang mamayang 5 p.m pa 'to. Sulitin na natin."

Asar na hinarap ni Cams si Roland.

"Sulitin? That's absurd!" she groaned. "Ikaw lang naman ang nag-e-enjoy!"

"Ayaw mo talaga ng ice cream?" tanong ni Rol sa kanya.

"Ahhh!" Napasigaw si Camila sa pagkadismaya. Nilapitan niya ako at niyugyon ang mga balikat. "Do something, Riza. Hindi ako makagalaw nang maayos."

Napangiwi ako. "Kumain ka na lang ng ice cream, Cams. Para kumalma ka."

"You are..." Madiin na pumikit si Cams. "Please, Riza?"

"Nah. Ayoko," ani Rol. "Crush nga kita."

"And? Hindi mo ba alam na nakaka-turn off ang ginagawa mo?" pabalang na sagot ni Camila. "You keep telling me that I am your crush. This is not impressive, Roland. You should impress your crush!"

Umiling si Rol bago sinubo ang huling bahagi ng cone ng ice cream.

"Kinikilig nga ako," sagot pa ni Rol.

Tumikhim ako at binaba ang tingin. Sobra na akong natatawa pero ayokong ipahalata dahil baka ako pa ang mapagbuntungan niya ng galit.

"Hanggang 5 p.m lang. Promise!" Nagtaas pa ng kanang kamay si Rol na parang nanunumpa.

Bumuga ng hangin si Cams kaya gumalaw ang kanyang bangs.

"Ano pa nga ba?" She finally surrendered to his words.

"Cool. Ayaw mo talaga ng ice cream?" pangungulit pa rin ni Rol.

"No, thanks. Just don't drag me, Roland. Bigla mo na lang akong hinatak nung may makita kang ice cream! Muntik na akong masubsob!"

"Hindi na," Roland smiled.

Mabuti na lang at nagkasundo na ang dalawa. Nakasunod sila sa amin ni Ulrich kahit saan kami pumunta. Minsan pa nga ay magtutulakan sila.

"Babeee!" Lumapit sa amin si Amanda, malawak ang ngiti kay Ulrich. Hinawakan niya ang braso ni Ulrich. "Want to try the kissing booth?"

Umiwas ako ng tingin. Hindi naman niya ako pinansin.

Wicked HeartsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon