Chapter 32

57.5K 5.5K 8.6K
                                    

Chapter 32: Happy Birthday

"Good morning, Riza..." Isang malalim at buong boses ang gumising sa akin. Sinubukan niyang hilahin ang comforter ko pero gumulo ako sa kama saka tumagilid.

I heard him chuckle. Lumalim ang kabilang kama kaya alam kong umupo siya roon. Sa una ay antok na antok pa ako, pero nung maramdaman kong may yumakap sa likod ko ay nanayo ang mga balahibo ko.

"Wala ka bang balak pumasok ngayon?" dinig kong tanong ni Ulrich. Sobrang lapit ng boses niya sa tainga ko. "Do you want to stay here, baby? Hindi na rin muna ako papasok."

Nagbilang ako hanggang tatlo bago dali-daling tumayo sa kama. Sinama ko ang comforter sa pagtayo ko at binalot 'yon sa katawan ko.

"What the hell are you doing here, Ulrich?" Inayos ko ang buhok kong buhaghag.

Ulrich just smirked. Tinulak niya ang sarili pasandal sa kama. Humalukipkip siya. Basa ang buhok nito, amoy na amoy ko ang bango niya. Naka-itim na itong slacks at puting sando. Polo shirt lang ay pwede na siyang pumasok sa school.

"Where's Cams?" Kinabahan na ako. "Rik..."

"Wala ka bang natatandaan?" tanong niya.

Kumabog ang dibdib ko. "Shut up!"

Wala sa sariling nahapawak ako sa baba ko. I don't feel anything strange on my body. Sa totoo ay sobrang gaan nga ng pakiramdam ko ngayon. I've had a good sleep!

"You were drunk—"

"Rik. Enough..." I glared at him.

"Nagsuka ka nga pa, eh!" singhal niya.

"I remember that. Pero walang nangyari sa atin!" I scowled at him.

His eyes widended. Sabay na humalakhak siya.

Pumula nang malala ang pisngi ko. Sa sobrang hiya ay hinampas ko sa kanya ang comforter na hawak ko. Nahawakan niya 'yon saka hinila kaya nasama ako. Napahiga ako sa tabi niya.

He smiled. "I was talking about when you kissed me after you puked. Ikaw ang unang nanghalik sa akin, hindi ba? Aside from that, wala na."

I winced. "Kailangan mo bang ipaalala?"

"Nauna na silang umalis. Tayo na lang ang nandito sa condo unit ni PJ. Pinagdala ka ng mga damit at uniform ni Cams para hindi mo na kailangang umuwi. May pagkain na rin sa labas. Pero kung ayaw mong pumasok, let's stay here then."

I pushed him away. Tumayo na ako uli. Hinawi ko ang buhok saka tumikhim.

"Maliligo na ako," sabi ko, hindi gaanong makatingin sa kanya.

Bumangon na rin sa kama si Ulrich. Nung pagtayo niya ay mas dumikit sa katawan niya ang kanyang sandong puti. Lumapit siya sa cabinet at binuksan 'yon. Saka siya bumaling sa akin.

"Andito lahat ng gamit mo," aniya.

"How about my bag?"

"Dadaanan na lang natin mamaya. Gusto mo bang initin ko ang ulam?"

Suminghap ako saka mahinang tumango. Gutom na rin ako. Wala akong panahong mag-inarte.

"Okay. May shower room sa gilid. Iinitin ko lang ulam."

Palabas na sana siya ng kwarto nung may sinabi ako.

"It's fine, Rik. Kaya ko na ang sarili ko. Pwede ka nang mauna sa school—"

"Baby..." He pursed his lips. "It's fine. I got you. Okay?"

Nung pagkalabas niya ay napaupo ako uli sa kama. Napasapo ako sa aking ulo. Nagmunimuni muna ako bago napagpasyahan na mag-ayos na ng sarili. Naligo ako at sinuot ang uniform na pinahiram ni Cams. Buti na lang halos magkasing size lang kami.

Wicked HeartsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon