Chapter 38

52.2K 5.1K 7.8K
                                    

Chapter 38: Favor

Though I don't think it will affect his general average at all, I still felt bad how low he fell. Ako ang nasasayangan sa mga consistent records niya na nasayang. Hindi lang naman ako ang nabahala roon. His sudden fell from charts ignited a tumult around the campus.

"What happened? " That's the question I've been hearing.

Ano ang nangyari kay Ulrich Damian Delgado? Paanong sa isang iglap ay bumagsak siya? Oo, bagsak 'yon para sa pamantayan niya.

While everyone was talking about it, Ulrich was nowhere to be found. Pumunta ako sa office niya. Wala ang bag niya kaya ibig sabihin ay hindi pa siya dumating. Hindi na naman ba siya papasok?

Is he with Victoria? Siya ba ang kasama niya nung mga panahong wala siya rito? Kaya hindi niya tinapos ang mga exams niya? Gusto ko mang magtanong sa mga kaibigin ni Ulrich pero minuti ko na lang na huwag na.

It's lunch break. Tuwang-tuwa si Camila na kasama ako sa top ten kaya nilibre niya ako. Kapag nga may babati sa 'kin ay siya pa ang magpapasalamat. It felt like it was her achievement rather than mine. She was prouder than me.

"Fruit shake mo, Rizzie." Nakangiting tinulak sa akin ni Cams ang fruit shake ko. Saka siya sumimsim sa kanya. "Gutom ka pa ba? Order ka pa!"

"Busog na ako." I took my shake and had a sip. Mahina pa akong napadighay dahil sa sobrang dami na nakain ko. "Salamat sa paglibre. Sa susunod ulit ah?"

She giggled. "May speech ka ba sa graduation?"

"Huh?" I blinked twice.

"I mean..." Tumuwid siya ng upo. Inayos niya ang kanyang bangs. "Kasama ka sa top ten. Hindi ba may speech ka niyan sa graduation? Baka naman pwede mo akong banggitin!"

"Cams!" I laughed, shaking my head. "Gaga ka ba? Grade twelve finals lang naman ako napasama sa top ten. If I will be honest, kulang pa nga ang grades ko ngayon para sa mga naibagsak ko!"

A speech for our graduation? That's for Ulrich and Miss Hailey for sure.

My best friend winced. I could see a little regret in her disappointed eyes. "So... wala kang speech? Hindi mo mababanggit ang pangalan ko?"

"Wala," tipid kong sagot.

The only achievement I have is I will graduate. Iyon naman talaga ang importante.

"Nilibre pa naman kita!" Sumimangot siya saka siya umirap. "Akala ko may speech ka para sana i-mention mo ako. Bayaran mo nga 'yang nilibre ko!"

Napahalakhak ako. Kaya naman pala ganado itong ilibre ako. Kung may pagkakataon naman akong makapagsalita sa harapan ng lahat ay isa ang pangalan niya sa babanggitin ko. No need to bribe just for that.

Napalingon kami sa likod nung biglang may tumunog na torotot. Ang unang pumasok sa cafeteria ay si Arthur na siyang humihipan sa torotot. His messy hair really complimented his messy attitude. Sobrang kulit! What's this now?

"Nasaan na si miss top ten?" pasigaw na tanong niya habang ginagala ang tingin sa paligid. "Rizaline Chavez? Where are you?"

Holy shit. Dumausdos ako sa upuan ko para sana magtago pero nakita na niya ako. Ngumiti ito saka muling hinipan ang kanyang torotot.

"She's here!" sigaw niya.

Sunod na pumasok si Roland na may hawak na malaking tarpaulin banner. May print 'yon ng mukha ko kasama si Silly. May nakasulat pang "Congratulations, Rizaline Chavez!"

Namula ako sa hiya nung sumunod na pumasok si Jessie. May dala siyang bulaklak at gaya ng dalawang lalaki ay nakangiti rin siya sa akin.

"Rizzieee!" Art ran towards us. Hinihipan pa niya ang torotot habang tumatakbo. Napapatakip tuloy sa tainga ang iba dahil sa lakas no'n.

Wicked HeartsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon