Chapter 36

52.9K 5.2K 10K
                                    

Chapter 36: Fireworks

I stood still, containing my exploding feelings. Parang nagkabuhol-buhol bigla ang mga nasa isipan ko sa mga sandaling ito. That cause a tremble on my nerves. Hindi ko pa man siya nakakaharap pero naiiyak na ako.

"Samahan na kita." Kinawit ni Camila ang braso sa akin. Naramdaman ko pang pinisil niya ang braso ko. "Relax, Rizzie. I'm here."

I swallowed the lump in my throat. Guess I don't have any choice anymore. Sa tingin ko naman ay walang sino man dito ang nakakaalam sa tunay na nangyari sa amin ni Ulrich. Hindi ko lang alam kay Roland.

I just need to act like nothing ever happened between us. It won't be easy, but for the sake of my sanity, I should.

Habang palapit kami nang palapit sa harapan ng bahay namin ay patuyo nang patuyo ang lalamunan ko. I was holding my breath until I saw the white SUV parked outside.

Nag-uusap sa gilid sina Ulrich at Chester. They were all wearing summer attire. Si Amanda naman ay nag-selfie muna habang hawak ang isang kulay pulang lobo na hugis puso.

"Rizzieee!" Amanda screeched my name that moment she saw me. Agad siyang pumasok sa gate namin at patakbong lumapit sa akin.

"Here goes the blonde woman," Cams groaned.

"Happy birthday, sissy!" Amanda pulled me into a tight hug. Napasinghap pa ako dahil parang pinanligo niya yata ang kanyang pabango. "Oh, my God. Welcome to adulthood!"

I forced a smile on my face. "Thanks."

She removed her shades to gaze at our house. "Ang cute naman ng bahay niyo. Maliit lang pala ang space 'no? I see. Kaya hindi kasya ang pool."

"Where's your gift?" tanong ni Cams.

"Of course, I have!"

"Happy birthday, Riza." Chester next approached me. He was wearing his soft smile flashing his perfect set of white teeth. "I'm delighted to celebrate your birthday as your brother."

"Same. But as a twin!" Amanda giggled. "Wait. Let me just get my gifts. Can you help me, Camila? Medyo marami kasi, eh."

"Eh kung 'yang nguso mo ang—"

"Cams. Please?" Ate Sarah has also appeared beside us.

"Okay, Ate Ganda. Tara na nga!"

"Ate Sarah!" Magiliw na sinalubong din ni Amanda si Ate Sarah. Gaya ng ginawa niya sa akin ay niyakap niya rin ito. "I miss you po."

"Amanda. Your gifts!" ani Cams.

"Fine!" Nakasimangot na tumalikod si Amanda para kunin ang mga regalo niya sa sasakyan. Sumunod naman agad sa kanya si Cams. Napansin kong nagtalo pa ang dalawa.

"Halikayo. Nasa likod sila," pag-aya na ni Ate Sarah.

Naunang umalis sina Ate Sarah at Chester. Hinintay ko naman sina Cams at Amanda na kinukuha pa rin ang mga regalo sa sasakyan.

I roamed my eyes around. I can't see him. Dumiretso na ba siya sa likod?

Suminghap ako ng hangin. That's better, I think?

Hindi nagbibiro si Amanda nung sinabi niyang marami siyang regalo sa akin. Mga dress na pinaglumaan niya. May mga bago rin na pinabibigay raw ni Tita Marinelle. May mga price tag pa nga.

"Change your dress, Rizzie. Try mo 'tong fuchsia pink!" tulak sa akin ni Amanda. "I only wore it once. Nung lumabas lang kami minsan ni daddy."

"Okay..." sabi ko na lang.

Habang nagsusukat ako, si Camila ay nakasandal lang sa ulunan ng kama ko. Nakahalukipkip ito habang pinapanuod kami. Paminsan-minsan ay nahuhuli ko pa itong umiirap.

Wicked HeartsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon