Chapter 46

55.7K 5.8K 11.5K
                                    

Chapter 46: Worth It

"I love you, Rik. Alam kong marami akong pagkukulang sa 'yo. I've let you down when you needed me the most. Hindi ka napagod na piliin ako nung mga panahon na hindi kita kayang ipaglaban. I'm sorry, baby. When I was pushing you away, I wanted to hug you so bad. Give me a chance to prove myself to you. I can love you freely now. Finally... I can be selfish to you. Ikaw noon, ikaw pa rin sa kabila ng mga nagdaang taon, ikaw na talaga. Ikaw... palagi."

I cried my eyes out while pouring every emotion I've concealed throughout the years. Wala na akong pakialam kung malakas ang boses ko at pinagtitinginan na nila ako.

Suminghap ako ng hangin nang manikip ang dibdib. "You misunderstood me, Rik. I waited for you, too. Oh, my God. I waited for this moment. Wala akong boyfriend! Ikaw 'yon... sana."

I waited for him to say something. Mas lalo akong naiyak nung mapagtanto ko na blank na ang screen ng cell phone ko. I tapped the screen. Namatay na pala ang cell phone ko.

Holy shit. Ngayon pa talaga?

A heavy sob escaped my lips. Malabo na ang paningin ko dahil sa mga luha. What the fuck? Pwede naman no'ng kausap ko si Darryl, ah?

I sighed as I wiped my tears. Kinapa ko ang susi sa bulsa ko. Shit. I swore not to drive when drunk. Pero alangan namang magpalipas ako ng gabi rito? Malayo pa ang condo ko.

Yumuko ako sa lamesa saka umiyak na naman. Palilipasin ko ba ang araw na 'to nang hindi nakakausap si Ulrich? Paano kung may magbago na bukas?


Paano kung bukas ay hindi na niya ako mahal?

I stood up immediately. Muntik pa nga akong matumba, buti na nakatukod ako agad. Nilapitan ko ang isang babae sa counter. Kinalabit ko ang balitat niya.

"Yes?" She arched her brows.

"Do you have a cell phone charger? I'm sure you have a cell phone, right?" I asked her. "Oh, right. I have a spare one in my car. Ngayon ko lang naalala."

"I don't have—"

"Don't talk to me." Inirapan ko siya saka na tumalikod.

Then, I realized I left it in my condo. Nung naiwan ko sa office ang charger ko ay ginamit ko ang nasa sasakyan ko. That means... I need a phone charger.

I turned to the woman again. I poked her arm.

"Excuse me—"

"What?" Iritang humarap siya sa akin.


"May problema ba?" Lumapit ang isang lalaki sa amin. Pumirmi sa akin ang kanyang tingin. "I've been staring at you for a while now. Is there a problem?"

"That's creepy," sabi ng babaeng katabi ko.

"Do you have a cell phone charger?" I asked him.

He smirked. "Yeah. In my car..."

I nodded. "Can I borrow it?"

"Yeah. Sure."

I was about to go with the guy when the woman I talked to first grabbed my arm. She looked at the guy suspiciously. Tapos ay nilingon niya ako.

"Do you know him?" tanong niya sa akin.

I shook my head. "I just need to borrow his charger—"

"You can borrow my phone." Saka na niya ako hinila palapit sa kanya. She, then, turned to the guy. Nginitian niya ito. "What are you waiting for, dude? She doesn't need you anymore."

Naiiling na umalis ang lalaki.

Pagkaalis nung lalaki ay inupo ako ng babae sa katabi niyang stool. Saka niya binigay sa akin ang kanyang cell phone. Halatang iritado pa rin ito.

Wicked HeartsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon