Chapter 45

54.7K 5.5K 9K
                                    

Chapter 45: Successful

Our hotel manager called me into his office. Nakakuyom ang mga kamao ko habang nakikinig sa mga sinasabi niya na malamang na galing din kay Ulrich.

That jerk complained to my boss about my attitude. It's all lies. Ako pa ngayon ang unprofessional? I am not the one grabbing someone's arm out of nowhere!

"He's still our guest, Miss Chavez. Not just our guest, but a VIP. Not just a VIP, but a CEO. The future of our company is in his palms."

"I understand, Mr. Fernandez," I sighed. "I will be better next time."

Pagkatapos niya akong kausapin ay lumabas na rin ako ng office. Sakto namang palabas ng elevator sina Ulrich at Darryl. Nagtago agad sa likod ni Ulrich si Mr. Cortez.

Nakayukong gumilid ako para bigyan sila ng daan. Mahigpit ang pagkakahawak ko sa tablet gadget. Tumagal nang ilang segundo nang hindi sila lumalabas ng elevator.

"Boss. Sabi sa 'yo nakakatakot siya, eh," dinig kong sumbong ni Darryl.

"Miss Chavez." His voice was authoritative. Kung hindi ko lang siguro siya kilala ay malamang na nangangatog na ang mga tuhod ko ngayon. "Lead the way to the hotel manager's office, please?"

Lead the way? It's literally in front of us!

I swallowed. "This way, Sir."

Just a few steps, we have reached our hotel manager's office. Pumasok na roon sina Ulrich at Darryl. Tumingin pa sa akin si Darryl bago dali-daling pumasok sa loob.

I walked to the elevator and went into my office. Natambakan na ako ng mga emails na kailangan kong matapos ngayon. Sa kabutihang palad naman ay lumipas ang mga oras nang hindi na ako ginambala pa.

I was on my way out of the office when my phone rang. Nakangiting sinagot ko ang tawag ni Sophie. Sumandal ako sa likod ng pintuan.

"Mommy!" she greeted, loudly.

"Oh, baby. What's up?"

I took a glance at the wall clock. It's almost lunchtime.

"Sophie. Nasa work ang Mommy mo," dinig kong sabi ni Tita Melly sa kabilang linya. "You can call her later kapag tapos na siya sa work."

"It's fine. What's it, baby?" tanong ko.

"I picked some flowers in the garden for you!" she excitedly announced. "Nilagay ni Tita Melly sa tubig para daw hindi malanta."

"Flowers for me?" I chuckled.

"Yes!"

"Oh, baby. That's so sweet of you."

She's really a sweet princess. Manang-mana kay Ate Sarah.

"Can I send you the photos?" she asked.

"Sure," I responded.

Pagkatapos kong kausapin si Sophie ay lumabas na rin ako ng office. Napatingin ako kay Mr. Cortez na nasa harapan pala at nakatayo. Nahihiyang ngumiti siya sa akin.

"May I ask why are you here?" I asked, politely.

He cleared his throat. "I was just roaming around. Na-bore kasi ako. Is this your office?"

I stared at him, suspiciously.

"Yeah. Excuse me." Saka ko na siya nilagpasan.

Pagkatapos kong i-submit ang mga documents ay nakaramdam na ako ng gutom. Lunch na rin naman kaya pumunta na akong pantry para kumain.

I ordered the usual lunch. Hindi gaya ng karamihan ay may rice ang pagkain ko. Feeling ko kasi hindi ako nabubusog kapag walang kanin. Saka pinaalalahan na rin ako ni Ate Sarah na kumain ng kanin.

Wicked HeartsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon